35

183 22 1
                                    

May 28, 20**

===×××===

Hindi mapakali si Rocky sa kanyang kinauupuan habang hinihintay si Dina na matapos sa pag aayos nito. Dumating na si Ariela dawalang minuto na ang nakakalipas, at hanggang ngayon nasa taas pa rin si Dina at hindi matapos tapos sa kaniyang pag aayos.

"Dina bilisisan mo d'yan! Nakakahiya kila Chase kung malalate at kung aabutin tayo ng siyam-siyam!" sigaw ni Rocky para marinig siya ni Dina na nasa taas ng kanilang bahay.

"Oo! Pababa na!" sigaw na sagot ni Dina.

"Kanina mo pa sinasabi 'yan pero nasa taas ka pa rin!" inis na sagot ni Rocky at maya maya'y narinig na nila ang yabag ni Dina pababa sa hagdan.

"Tara na?" saad ni Dina habang inaayos ang sling bag na dala.

Umikot ang mata ni Rocky sa inis. "Ang tagal mo, bwisit ka. Tara na, nakakahiya sa kanila."

"Nahihiya ka o baka naman excited ka. Tignan mo 'yang buhok mo, tuyong tuyo na kasi kanina ka pa tapos maligo." nakangising sabi ni Ariela.

"True. Kami ni Ariela fresh pa tapos ikaw lanta na," tumatawang sabi naman ni Dina.

Huminga ng malalim si Rocky at ngumiti, isang plastik na ngiti. "Alam nyo, nang iinis na naman kayo. Tara na, baka mamaya wala na tayong makitang tricycle."

"Tara na, excited na 'yong isa." pang aasar ni Ariela habang naglalakad sila palabas sa bahay nila Dina.

"Mamaya pag nakita mo si Chase, itikom mo bibig mo, baka tumulo laway mo." Sabi ni Dina na ikinatawa nilang tatlo.

Nagtataka pa rin si Rocky kung pano at bakit niya naging kaibigan ang dalawa.

=====×××××=====

Habang sina Chase, Daniel at Gian naman ay nasa loob na ng 7 eleven habang hinihintay si Rocky at ang kaibigan nito na dumating.

"Oh? Where are you going?" tanong ni Daniel noong tumayo si Gian sa kinauupuan.

"Ah, I'll just get water. I'll be back." sagot ni Daniel habang si Chase naman ay hawak ang cellphone nito.

"San na raw sila?" tanong na naman ni Gian.

"They are going to be late. Probably 10 minutes." sagot ni Chase habang nakatingin pa rin sa cellphone.

Nasa harapan sila ng shop kaya naman kitang kita nila kung sino ang papasok sa loob ng 7 eleven.

"Why did you invite them?" tanong si Daniel pagkatapos nito bumili ng tubig.

"Nothing. I just want to gain friends because I'm going to live my life here for three years and they grow up here and they surely know where's the tourist spots that we wanted to go." simpleng sagot ni Chase

Tumaas ang kilay ni Gian. "Pero nandyan naman si Paul, 'yong pinsan mo."

"Yeah, but he's busy and we are not that close to each other. I don't want his attitude. And remember that when he asked me to stroll riding a bike but he left me. I almost got lost." walang emosyong sambit ni Chase habang tumango tango naman ang dalawa.

Naikwento ni Chase sa mga kaibigan ang nangyari sakanya noong iniwan siya nito habang nagbibisekleta sila nong unang araw niya sa rito sa probinsya.

Nagtanong tanong siya sa mga tao para makauwi.

Doon niya unang nakita si Rocky, nasa loob sila ng 7 eleven non habang may kasamang dalawang babae na kaedaran nito. Gusto niya sanang magtanong sakanila ngunit napangunahan siya ng hiya kaya naman bumili nalang siya ng tubig at binayaran sa counter. Sa sales man na din siya nagtanong kung pano umuwi sa bahay nila, dahil kilala naman sa lugar kung saan ang bahay ng nanalong Mayor.

Tumunog ang cellphone ni Chase at nakita niya ang mensahe sa kanya ni Rocky. "Nandito na raw sila."

Pagkasabi non ni Chase ay sakto namang may humintong tricycle sa harap ng 7 eleven na may sakay na tatlong dalaga.

"Manong bayad po." magalang na sabi ni Rocky sabay abot ng pamasahe.

Kinakabahan man ay nakangiti paring humarap si Rocky sa harap ng 7 eleven at nakita niya agad ang tatlong binata na nakaupo sa harap ng shop.

Lumapit si Dina at Ariela kay Rocky. "Gago, tama ba 'tong pinuntahan natin?" bulong na tanong ni Dina.

"Malamang, ito lang naman 7 eleven dito." sagot ni Ariela.

"Ano ba, tumahimik nga kayo." sita ni Rocky habang papalapit sila sa pinto ng 7 eleven.

"Bakit hindi mo sinabing pogi pala ang mga lahi nito? E di sana nag gown ako, nyeta ka." bulong na naman ni Dina na hindi na nasagot ni Rocky dahil nasa loob na sila ng 7 eleven.

Tumayo si Chase para salubungin sina Rocky at ang kaibigan nito. "Hello, Rocky right?" nakangiti si Chase at inilahad ang kamay sa harap ng bagong dating.

"A-Ah, oo. Ako si Rocky." kabado man ay kinuha na nito ang kamay na nakalahad sa harapan niya.

"Nice finally met you, Rocky." saad ni Chase at nakangiting tumango nalang si Rocky sabay bitaw ng kamay.

Nabilang niya pa sa utak niya kung ilang naka ilang segundong lumapat ang palad ni Chase sa kamay nito.

"Ano? Wala ka bang planong ipakilala kami?" bulong ni Dina na ikinataranta ni Rocky.

"A-Ano pala, my friends. Si Dina and Ariela." saad ni Rocky habang tinuturo ang dalawang kaibigan, at nakangiti namang bumati si Chase sa dalawa.

Tumayo naman si Daniel at Gian para sundan si Chase.

"Oh, I'm also with my friends. He's Daniel and Gian. Don't worry, they are approachable." saad ni Chase habang tinuturo ang dalawang kaibigan na papalapit sa kinaroroonan nila.

"Hello girls!" sabay na bati ng dalawang lalaki na ikinatili naman ni Dina at Ariela.

'Ano 'to triple date?'

Wheels On To You [COMPLETED]Where stories live. Discover now