A Convo with crush

4.8K 276 161
                                    

~A Convo with crush~

by: Marincethblue




Haaay, ang boring naman. Ano ba pwedeng gawin? Magf-fb nalang ako baka makausap ko pa si crush ano, im just hoping, hindi ako feeler


Kinuha ko na ang laptop ko sa sidetable ko at pumwesto sa kama. Kumuha ako ng unan at saka inilapag ang laptop ko habang nakasandal sa bed ko. Tinignan ko naman ang chatbox ko ang only to find out na online si crush, may green kasi na circle sa gilid ng name niya. Yiee, name pala niya kinikilig na ako


Cinlick ko naman ang name niya at napahinto. Ano ba gagawin ko? Hindi ko kasi alam pano mag-open ng topic. Bat ba kasi ganito ako pagdating sa kanya? Kinabahan na agad ako at pinagpawisan kahit ang lakas na ng AC namin. Hay, sana naman siya mauna noh, ang hirap kaya magbuild ng confidence machat lang siya


Napaisip naman ako kung anong topic. Tanungin ko kaya siya sa assignment namin, anubayan! Kababae kong tao diba pero ako uuna? Sana naman may himala ngayon at siya mauna magchat noh! Pero maghihintay pa ako ganun? Sabi nga nila, NO GUTS , NO GLORY kaya ako nauuna noh, bahala na basta sana magreply siya..


Nakatitig parin ako sa name niya, eto pala name niya sa fb Six Tee, ang complete name niya ay Six Terrence Evangelista . Ang ganda diba? Ako naman si Gee Trin, complete name Gelly Erica Trin , ewan ko bat wrong spelling yan Gelly nina mama basta yan na yan



Nagkakacrush sa makulit, jolly, gwapo at matalino kong classmate na si six.Palagi nga barkada inaatupag niyan eh at wala ako urge na magkwento man sa kanya,pero alam niyo ba ang gustong gusto ko at hinihintay ko tuwing may klase ,e kung dumating na siya kasi sisigaw din ang isip ko crush alert , crush alert at doon magsimula ang crushlandi mode hindi siya actually malandi ah, kasi di ko siya pupuntahan tapos manlalandi


Ganito kasi yan, kinikilig ako , mapapayuko at mae-energize ako basta magkatinginan kami, magulat nalang ako mamaya titignan niya ako ulit. Maski nga nag-uusap siya sa mga kaibigan niya eh para siyang bantay sarado sa actions ko!


Nakakakilig diba?Aminin niyo na, pag ba ganun meaning crush ka na nun? Naguguluhan nga rin ako pero hindi pa ako sure kaya hindi muna ako nagexpect kasi ang hirap, baka sa huli ako pa masaktan, charot! Hahahaaha pabayaan niyo na po ako , sa kwarto ko lang mapapalabas ang mga ito kasi sa classroom , silent type ako.


Hoo,ngayon kakausapin ko na ba?Ah, baka maglog-out pa siya.Sige na, wag ng magpatupik tumpik pa boom karakaraka!!


Kinlick ko yung Six Tee at nagsimula ng mag type


Kung pwede lang sabihin..


Hi crush ko!! ^-^
(ang awkward kaya niyan baka bukas di na niya ako papansinin)


Eto nalang,
Heeeellllooowww!!
masyadong jelly anoh?


Oneshot: A convo with crushWhere stories live. Discover now