Same Spot

108 16 49
                                    

Disclaimer: Nabuo ang story na ito no'ng bumiyahe ako pa Quezon City last saturday? (July of 2021). Tapos ang sinakyan ko ay e-jeep ('yong mini bus hahaha). The places and the names of the characters I used here are pure fiction. I hope you will like this one-shot! I love y'all and God bless!

*****

"Ang init..."

Pinunasan ko ang leeg kong naliligo sa pawis. Bakit ba napakainit na agad? Alas-siete pa lang ng umaga pero tirik na tirik na ang araw.

Hindi rin ako makahinga ng maayos dahil nakasuot ako ng face mask at face shield. Masyado kasi akong masunurin sa health protocol—ayoko lang din mamultahan ng violation. Wala naman ako budget para sa gano'ng klase ng bayarin. Pangbayad nga lang sa electric bills ay hindi kumakasya sa income ko.

Yeah, perks of being a bread winner. May dalawa pa akong kapatid na pinag-aaral, ang sumunod sa 'kin ay nasa college na at ang bunso namin ay grade 9 pa lang.

Kung minsan ay kargo ko lahat ng bayarin namin sa bahay. Ilaw, tubig, pagkain, mga past na utang...lahat na siguro ng puwedeng pagkagastusan ay ako ang sumasalo.

May small business naman ang mama ko kung saan kami kumukuha ng pangkain sa araw-araw: isang tailoring shop. Madalang na lang ang araw na maraming customer sa shop, in short, sobrang tumal ng kitaan sa shop ni mama.

Hindi iyon sapat sa pang araw-araw namin na gastos lalo na't kasagsagan pa rin ng pandemiya. Kahit pagsama-samahin pa ang income ko at ang income ni mama sa pananahi ay kulang pa rin talaga.

Ang shop at ako na lang ang kinakapitan namin, dahil wala naman ang papa ko para suportahan kami sa pangangailangan namin.

Mahirap maging panganay. Dahil wala na si papa at ako ang nag-iisang lalaki na naiwan sa pamilya, ay ako ang tumatayo bilang head of the family. Sa 'kin din nakapasan ang magiging kinabukasan ng pamilya namin.

Kaya wala pa akong panahon para humanap ng bagay na magpapasaya sa puso ko. Iyan ang inaayawan ko sa lahat ngayon. Gusto ko muna matupad ang pangako ko kay mama na iaahon ko sila sa hirap bago ako magliwaliw at maghanap ng babaeng ihaharap ko sa altar. Ayokong biguin ang pamilya ko gaya ng ginawa ng papa ko sa 'min. Ayoko iwan ang pamilya ko na hindi man lang nakaranas ng tunay na ginhawa sa buhay.

Sinulyapan ko ang wrist watch ko, 7:12 AM na. Two hours pa bago dumaan ang alas-dies ng umaga. 10 o'clock ang oras ng duty ko pero heto parin ako, nag-aabang pa rin ng mini bus na masasakyan. Wala kasi ako ibang puwedeng masakyan kun'di mini bus lang.

Mini bus lang kasi ang tanging transportation na puwede ko sakyan papunta sa trabaho ko.

Isa akong room attendant sa bagong tayo na hotel na malayo sa city, doon nakadistino ang trabaho ko ngayon. Dating gubat ang pinagtatayuan ng establishment na 'yon. Binili ng isang bilyonaryong negosyante ang masukal na lugar na iyon 'tapos ay pinagtayuan ito ng mga commercial building at mall.

Hindi ko nga alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at pinili ko ang magtrabaho sa hotel na iyon gayong marami akong nakukuhang opportunity sa abroad. Marahil siguro ay ayoko mawalay sa pamilya ko kaya mas pinili ko magtrabaho malapit sa masukal na gubat.

Madali akong tumakbo patungo sa mini bus na papahinto. Marami-rami rin kasi akong kasabay na sasakay kaya kailangan ko sila maunahan. Limited lang din kasi ang kailangan sumakay, hindi puwede ang siksikan. Dapat ay galit-galit muna para hindi magkahawaan ng Covid.

Sa pagtapak ko sa mini bus ay agad kong napansin ang babaeng nakaupo mismo sa tabi ng pinto ng sasakyan. Saglit pa akong natigilan dahil automatic na napako ang tingin ko sa kaniya.

Same Spot (PUBLISHED UNDER SKYWARD'S OPERATION: LOVE SHOT ANTHOLOGY)Where stories live. Discover now