PART 7

1.5K 61 8
                                    

JEMA:

ate pupunta ba si idol dito mamaya..tanong ni mafe nung palabas na ako nang bahay papunta na kasi ako nang shop,,nagmessage na ako kay deans pero wala pang message back baka tulog pa,,alam kong late na siyang natulog kagabi dahil tinapos nila yung plano para sa company nila ni tito,,natuwa naman ako sa naging desisyon niya na pag isahin nalang mas ok naman kasi total iisa lang naman yung bussiness ng company nila saka matutuwa din si tito dean sa naging desisyon niya kasi matagal na din naman gusto ni tito dean na mangyari yun ayaw lang ni deanna..sinabi niya sakin na idea na bea yun buti nalang nandyan si bea at tots para tulungan siya...wala akong masabi sa dalawa na yun talaga namang lagi silang nasa tabi ni deans...

hindi ko alam pangs baket..tanong ko nagkibit balikat naman siya saka tumalikod,,bastos na bata..

goodmorning maam jema..bati ni shaya kaya tumaas yung kilay ko kumamot naman siya ng ulo..

jema pala..kamot ulong sabi niya kaya napailing ako,,sinabihan ko na kasi siyang jema nalang itawag sakin,,siya ang cashier dito sa shop sa kabila naman si jasmine jowa niya...

ikaw talaga...ngiting sabi ko kaya natawa siya,,pero nawala yung ngiti ko nung makita kong sino yung tao dito sa shop,,i mean maraming tao pero may isang taong ang aga naman para makita ko..

hi jema goodmorning..bati niya na abot tenga ang ngiti,,ang aga naman dito ng taong to..

goodmorning din fhen..ang aga mo yata..tanong ko saka inabot kay shaya yung gamit ko nag insist kasi siyang ipasok na sa loob,,kinuha ko lang yung phone ko baka biglang tumawag si deans..

yeah kailangan mag relax masyadong toxic ng nakaraang araw,,seryosong sabi niya kaya napakunot yung nuo ko,,at bakit naman toxic..

ah ok..tipod na sagot ko lang at akmang tatalikod na ako nung hawakan niya yung kamay ko kaya napalingon ako sakanya na nakataas ang kilay..

aahh sorry..samahan mo naman akong mag breakfast oh,,ano bang best seller niyo dito,,tulog pa kasi sila deans kaya nauna na akong umalis ng mansion..seryosong sabi niya saka inalis yung kamay niya sa pagkakahawak sakin...

ah ganon ba..buti naman nabanggit mong tulog pa siya,,ako nalang magdadala ng breakfast nila..seryosong sabi ko kaya nagbago yung expression ng mukha niya..

sabi ko ako yung sabayan mo eh,,bakit sila ang dadalhan mo ng breakfast..parang batang reklamo niya,,eeww hindi niya bagay..

saka baka nakaalis na yun sila,,ang alam ko may meeting daw sila nung magandang investor kaibigan yata ni tots..seryosong sabi niya kaya napaisip naman ako kanina tulog pa ngayon nakaalis na ano ba talaga..

ok lang tatawagan ko nalang si deans,,saka yung order mong breakfast ipapahatid ko nalang sa crew..sagot ko saka siya tinalikuran,,hindi naman ako plastic na tao para sabayan siyang magbreakfast kahit ayaw ko..

jema hindi kaba natatakot na maagaw ng iba si deans o na baka tumingin siya sa iba..biglang tanong niya kaya napahinto ako sa paghakbang at humarap sakanya..

bakit naman ako matatakot kung alam ko namang hindi kayang gawin ni deanna yun..may tiwala ako sakanya at alam kung hindi niya sisirain yun..seryosong sabi ko saka siya tuluyang tinalikuran,,ang aga aga kung ano anong pinagsasasabi..

hello bb goodmorning,,sorry kagigising ko lang..boses ni deans na kagigising nga,,kawawa naman ang baby ko puyat na naman..

ok lang bb..gusto mo bang dalhan kita ng breakfast dyan..malambing na tanong ko,,narinig ko pang tinawag siya ni bie,,ang ingay na naman nilang tatlo..

no need na bb ako na ang pupunta dyan,,i mean kame na nila bie dyan kame magbebreakfast..sagot niya kaya napangiti ako,,may pambawi pala sa nambwesit ng umaga ko .

hey deans goodmorning nauna na akong mag breakfast dito sa shop nila jema..sigaw ni fhen sa likod ko kaya tumaas yung kilay ko at nilingon siya,,bwesit nakangisi pa..

its that fhen?seryosong tanong ni deanna kaya napabuntong hininga ako,,nakakunot na naman ang nuo nito panigurado..

yes bb..ang aga nga dito..sagot ko narinig ko nalang yung buntong hininga niya..

sige na bb mag paprepare na ako nang breakfast natin..iloveyou..paalam ko sakanya bago binaba yung tawag,,nilingon ko pa si fhen pero nginitian lang niya ako hays panira ng umaga..

THE HEART REMEMBERSWhere stories live. Discover now