PART 2

2.1K 69 18
                                    

JEMA:

sure kabang ok ka lang bb..tanong ko kay deans pag uwi namin sa mansion katatapos kasi ng libing ni tito,,kaya eto siya tulala na naman,,mahirap para sakanya yung nangyari,,sobrang mahal niya si tito dean at sobrang close nilang mag ama..alam kong mahirap lahat para kay deanna na tanggapin ang nangyari..

halika na samahan kita sa kwarto mo magpahinga ka muna..habang nakahawak ako sa braso niya,,open naman ako dito sa mansion at alam ko naman ang pasikot sikot dito dahil lagi naman ako dinadala ni deanna dito kasi pagdating ng dinner gusto ni tito sabay sila kaya pati ako sinasama niya..hindi ko lang maisip kung panong inatake si tito dean alam kong hindi siya nagpapabaya sa mga gamot niya,,pero bakit parang biglaan...

mahiga ka muna bb..kailangan mong magpahinga ilang araw ka  nang walang halos tulog nag aalala na ako sayo baka magkasakit kana nyan..pag aalalang sabi ko sakanya nung makaupo siya sa bed..napabuntong hininga nalang ako nung biglang tumulo yung luha niya,,nasasaktan akong nakikita siyang ganito,,hindi ako sanay na ganito si deanna..

sssshhhhh tahan na bb..pagpapakalma ko sakanya kaya mabilis siyang yumakap sakin..

i miss him...umiiyak na sabi niya kaya pati ako naluha din..ano bang magagawa ko para mabawasan yung sakit na nararamdaman mo bb...hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak sa balikat ko,,naramdaman ko nalang na bumigat na siya kaya alam kong nakatulog na..dahan dahan ko nalang siyang hiniga sa bed para makatulog siya ng maayos..

napabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan siya sana may magawa ako para maging magaan yang pakiramdam mo bb..

stay here..mahinang sabi niya saka hinawakan yung kamay ko...

yes bb dito lang ako..sige na matulog ka lang..sagot ko sakanya saka humiga din sa tabi niya saka yumakap...hindi ko namalayang nakatulog din pala ako...dahan dahan  naman akong bumangon para makapagluto ng pagkain ni deans,,ilang araw din siyang hindi makakain ng maayos,,ipagluluto ko siya ng steak...hhmm mag order din ako ng ramen alam kong kailangan niya to ngayon..kahit araw araw ko tong gawin bb para maramdaman mong hindi ka nag iisa...

inayos ko na yung sarili ko para pumunta sa kitchen,,napangiti nalang ako nung mapatingin ako sa mukha niya,,ang cute mo talaga bb..humalik muna ako sa nuo niya bago lumabas ng kwarto niya..

jema anak anong ihahanda kong pagkain niyo ni deanna..tanong ni nanay maria kasama nila dito sa mansjon tiga luto nag pagkain nila iba din yung tiga linis at laba..

nay ako na po,,ipagluluto ko si deanna ng paborito niya,,kailangan po niyang kumain ilang araw siyang hindi nakakain ng maayos..magalang na sagot ko kaya napangiti si nanay..

salamat naman kung ganon anak,,buti nalang nandyan ka para kay deanna..kung ako lang hindi ko alam kung anong gagawin para sakanya,,alam naman natin kung gano niya kamahal ang daddy niya..malungkot na sabi ni nanay kaya napabuntong hininga ako,,lahat naman ng tao dito sa mansion apektado sa nangyari lahat nagulat dahil biglaan nga naman...pagkatapos namin mag usap ni nanay nag start na din ako magluto nakiusap nalang ako na abangan yung inorder kong ramen para kay deanna.

hhmm mukhang masarap yan jema,,patikim naman..biglang singit ng isang tao sa likod ko nagulat pa ako dahil nung lumingon ako magkalapit na yung mukha namin,,tsk bwesit talaga to  kahit kelan,ewan ko pero kumukulo ang dugo ko sa taong to..

kung gusto mong kumain fhen ayun sa table luto na,,ikaw na bahala..seryosong sabi ko saka siya tinalikuran para tapusin yung paghahanda ng pagkain namin ni deanna,,dadalhin ko nalang to sa kwarto niya mukhang tulog pa naman siya..

naks swerte naman talaga ni deanna oh,,sana all may jema..ngising sabi niya kaya kumunot yung nuo ko,,hindi nalang ako umimik at iniwan siya sa dinning..naiinis ako sa pagmumukha niya,ewan ko ba kung pano niya nakuha yung loob ni deans bakit ganun nalang yung tiwala niya..

THE HEART REMEMBERSWhere stories live. Discover now