CHAPTER NINE

2.2K 125 3
                                    

Demonisse Brave Waller PoV

Aish! Bakit ba kasi ako sumama dito, nakita tuloy ako nila daddy..

Anak namin ng aso bakit ba sila pumunta dito? Wala naman sinabi si Blake na pupunta sila Daddy dito eh .

Agad akong nagtago sa gilid ng comfort room ng makita kong papalapit na si Diane

"Where did she go?" rinig kong tanong ni Daddy...

"I don't know dad" usal ni Diane

Hyst pano ako aalis dito ng hindi nila napapansin..

"Peter, search around kailangan niyong mahanap si Brave" rinig kong utos ni Daddy..

Aish! Patay na talaga ako neto..

Baka makita ako nila Daddy at tanongin ako ng tanongin, Masisira lang ang plano ko kung malalaman nilang nakabalik na ako ng bansa..

WAHHH..Alam na nga pala nila ang kailangan ko lang ay wag magpakita ulit sa kanila

Bad timing naman talaga oh, wala talagang magandang dulot ang Blake na yun eh.


Blake Ford Lavoski PoV

"Wife? Wife?" mahinang pag tawag ko kay Demonisse alam kong nandito pa siya dahil hindi naman siya basta basta makakaalis dahil sa daming nakakalat na nag hahanap sa kanya...

Pumasok ako sa comfort room dahil dun lang ang naisip ko na pwede niyang pag taguan..

"Wife?" muli kong pag tawag habang tinitignan lahat ng cubicle kaso andito na ako sa pinakang dulo wala pa din siya...

Hindi kaya nakauwi ka siya?

"Psst..Psst.."

nilibot ko ang paningin ko ng marinig na may sumisitsit...

"Up here,hubby" narinig ko ang boses ni Demonisse kaya napalingon ako sa taas...

"How the hell did you get there?" takang tanong ko ng makita siya sa maliit na butas ng bubong.

"Hinahanap pa ba ako?" tanong niya sakin pero hindi pa din bumababa.

"Yeah..They're everywhere" usal ko kaya ngumuso naman siya.

Aish, ang cute pero paano siya nakaayat at nakapasok sa ganon kaliit na butas.

"Bakit kasi hindi mo sinabing nandito si Daddy?" paninisi niya sa akin kaya napakunot ako..

"Tss..Wala ka naman kasing sinabi na tinataguan mo si Boss" usal ko sa kanya..

"Bumababa ka na dyan harapin mo na sila" kalmado kong usal sa kanya.

Nakita na din naman siya eh, wala na ding use kung magtatago siya at isa pa, bakit ba niya tinataguan si Boss.

Umiling siya ng sunod-sunod kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Bro ...Bro" tarantang tawag ni Miguel at deri-deritsyong pumasok sa loob.

"Oh..Hi there demonisse?" nakangiting usal ni Miguel at humarap ulit sakin..

"Eh? How did you get there?" biglang tanong ulit ni Miguel kay demonisse na hindi din makapaniwala kung paano napunta si Demonisse dun.

"Tss..It doesn't matter, what brings you here?" usal ko sa kanya.

"Ah yeah...May dumating kasing tatlong babae they are all wearing tiger mask" usal ni Miguel..

Tiger mask? May koneksyon ba yun sa tumawag kay demonisse?

"Wi--" napahinto ako ng hindi na makita si Demonisse sa taas..

Where did she go? Saan siya dumaan? Nasan na ang babae na yun.

Ng makalabas kami ni Miguel ay wala na yung mga nagkalat na bodyguard.

"Miss,hindi namin gusto ng gulo.. Ano ba talagang kailangan niyo?" naabutan naming nakikipag usap si Jake dun sa tatlong babae na may mga hawak na---is that a gun?

Hindi sila nagsasalita pero nakatutok ang baril kay Mr.Waller tanging kay Mr.Waller lang nakatutok ang baril..

At dahil pagabi na nga kami kami na lang ang nandito...

Pilit hinahanap ng mga mata ko si Demonisse pero hindi ko talaga siya makita.

Saan na naman ba lumusot ang babae na yun.

Binababa nung isa yung baril niya at tumingin sa cell phone..

"Put your guns down, girl" usal nung nasa gitna ay sumunod naman yung dalawa...

"We are sorry for the mess we made...It's nice to see you again Mr.Waller ,keep safe" usal nung nasa gitnang babae at tumalikod na.

Is that it? Aalis na sila? Kilala nila si Boss? Sino sila at ano ang totoong pakay nila.

Napatingin ako sa cellphone ko ng magvibrate iyon.

"Hubby hindi muna ako uuwi sa bahay..Baka puntahan ako ni Daddy eh.. Hindi pa ako handang makipag usap sa kanila"

-Wife

What the. Hindi siya uuwi? Somethig suspicious again,

Dumating yung mga babae at sabay biglang wala niya, meron ba silang kinalaman dito?

Kilala ba nila si Demonisse.

Aish... Nakakadugo ng utak mag-isip ng mag-isip.

"Bro are you ok?" takang tanong ni Jake kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Sinabi ko kay boss ang text ni Demonisse at napahawak na lang siya sa ulo

2 weeks past

I'm here again in Demonisse company.. Lagi akong pumupunta dito nagbabakasakali na maabutan ko siya pero tuwing pupunta ako dito lagi siyang wala.

Nagtetext at tumatawag ako pero never niyang sinagot, ni hindi din siya nagpaparamdam.

Hindi ko alam kung nasan siya, kung ayos lang ba siya.

"Ria, Kelan ang last na punta ni Demonisse dito?" Tanong ko kay Ria ng magdala siya ng mga documents dito sa office ni Demonisse.

Si Ria na muna ang pinagmamanage ko lahat ng kailangang taposin dito.

"Uhm ano po" Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sakin.

"It's okay kung ayaw ipasabi ni Demonisse, but please pag pumunta siya dito pakisabi naman na umuwi na siya" Pakiusap ko kay Ria.

Tipid lang na tumango si Ria at umalis na.

I hope na maisipan na niyang umuwi at harapin na din sana niya si Boss.

RIINNGGG! RIINNGG!!

Dali dali kong tinignan kung sino ang tumatawag nagbabakasaling si Demonisse pero hindi.

"Hello?" tamlay na usal ko..

"Tsk, We need you here.. I already got information about TigerClaw" pagkasabing pagkasabi ni Jake ng ganon ay pinatay ko kaagad ang tawag at umalis ng company ni Demonisse.

Meron kasing unknown caller na tumawag at sinabing ang TigerClaw na iyon ang pumatay kay Uncle Prittz pero base sa investigation ng mga pulis car accident ang ikinamatay...

At last day meron ding tumawag at nagpakilalang TigerClaw..

At tatlong transaction din namin ang nasira dahil sa TigerClaw na yun..

Kaya kung sino man ang taong iyon kailangan na niyang manahimik... Dahil hindi ko hahayaang sirain niya lahat ng transaction namin at nacucurious din ako kung sino at ano ang itsura niya... Gusto kong malaman  kung babae o lalaki ba talaga

And I will make sure that he will pay for what he did to our organization.

To be continued.....

Taming My Badass Wife | Book 1Where stories live. Discover now