HIS Side

14.5K 777 152
                                    

It's Marco's side already. Hihi. Enjoy!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Marco's POV

I never thought that I will fall for a girl na hindi ko man lang nakakausap at hanggang tingin lang ako. Torpe ba? Hindi rin. May dahilan naman ako. Ano bang laban ko sa babaeng may mahal ng iba? Oo, pwede sigurong makipagkaibigan ako pero malabo eh. Baka lalo lang ako ma-inlove. Masaktan pa ako. Yung totoo, diring diri na ako sa sarili ko. Ano ba ito? Kinakausap ko sarili ko? Wala na, may toyo na ako! Kasalanan nito nung babae na yun!

It all started with a stare. Stare talaga? Ewan ko. Normal day lang, I went to Wendy's to have lunch for a change since lagi na lang kami sa cafeteria kumakain. I ordered Baconator since hindi ko pa siya natitikman then, pagkatalikod ko BOOM! Nakita ko sya. Nasa likod ko lang naman siya kaya malamang kita ko agad sya. Pero ano ito? I felt something. Sparks ba? Pero I liked the feeling. I was mesmerized by her side profile. Pero baka mapansin nyang tinititigan ko siya kaya before pa siya humarap ulit umalis na ako agad.

Ok, so what was that? Kinabahan ako na baka mahuli nya ako. Bakit ano naman kung mahuli niya ako tinitignan ko siya? Maganda naman siya eh so may rason para tumitig. Abnormal na ako.

And after that incident, hindi na siya mawala sa isip ko. What spell did that woman put on me? I can never get her out of my mind. I kept on praying na sana makita ko siya ulit. Sumisilip ako sa Wendy's kahit hindi kami kumakain ng barkada dun dahil nagbabakasali na andun siya. Pero wala eh. Until that one time na tinext ako ni Ciacia na aking pinsan na hiramin yung Histo 1 notes ko. I saw her. SIYA YUN. KATABI NI CIACIA. ALLELUJAH! kaibigan nya ang pinsan ko!

Naisip ko, destiny na ba ito? Shet. Lalaki ako pero dumidestiny ako! Shet again. Konting ayos ayos muna bago lumapit. Sobrang excited ko dahil makikilala ko na siya sa wakas pero habang papalapit ako naririnig ko yung pinag-uusapan nila. 

TARAGIS. HINDI PA AKO NAGSISIMULA PARANG SUPALPAL NA AKO. PINAG-UUSAPAN NILA YUNG CRUSH NYA. 

"Grabe Cia! Sobrang saya ko! After two weeks, nakita ko na siya! Dito siya nag-aaral! Sobrang gwapo ng likod nya. Sana makita ko na yung mukha nya." Sabi ni crush.

Ciacia: "Talaga ateng?! Hindi ko pa rin nakikita yan! Sana makita ko na!" Narinig kong sabi ni Ciacia dun sa crush ko.

Seriously, nagkagusto siya sa lalaking nakatalikod? Try niya kaya ako! Likod o harap, gwapo lahat! Ruma-rhyming! Pero shit yun ah, nasaktan ako dun! Ang saya saya nya na after two weeks nakita niya na crush niya? Samantalang ako, two weeks ko na rin siya hinahanap pero pagkakita ko mas malulungkot pala ako.

"Sige gurl, alis muna ako. May class pa ako! See you later sa Wendy's!" Paalam ni crush kay Ciacia.

"Sige! See you! 6pm ah? May tutor pa ako eh."

Tumayo siya at nagtago agad ako sa puno. Yung totoo? Kriminal ako? Krimen na bang makinig sa girls' talk? Hehehehehe. Potek. Gay langz. Yan, wala na siya. Pasimple nga ako magtatanong kay Ciacia.

"Hey couz! Ito na notes oh."

"Uy! Marco! Salamat! Sayang, hindi mo naabutan yung friend ko. Papakilala ko sana sa iyo."

"Ayy, sayang? Ano name? Ganda ba yan?"

Taena. Malamang maganda. Nagkagusto nga ako eh. Pasimple amp. Parang high school kung maka-damoves eh.

Mr. Talikodgenic [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon