HER Side

38.3K 777 138
                                    

Hello! First time writing here. Experiment mode. Hihi. :3

Anyways, dahil trip ko yung mga HIS and HER side. Ganung type ito. Unahin natin si HER side. Hihi.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Courtney's POV

Hey yow! Zup peeps? Hahahaha! Chos! Hello! My name's Courtney Amoranto. Kasalukuyan kong kinakausap ang sarili ko sa hindi malaman na kadahilanan. Chos ulit! Halos nasa tapat lang ako ng PGH so baka bigla akong dalhin sa Mental Ward. Kasi naman eh, ang tagal ng close friend ko. Usapan namin mag-aaral kami rito sa Wendy's.

Time Check: 7:00 pm

Ugh. It's already 7pm but still Ciacia is nowhere to be found. Nasaan na ba yun? Kaloka talaga yung babae na yun! Ang usapan ay 5:30 pero 7pm na wala pa rin. Tapos tinetext ko pero walang reply. Susme, nag-cellphone pa wala ring kwenta. Nakakadalawang baconator na ako rito sa Wendy's ah but since favourite ko ito wala naman akong angal. Good thing also, hindi masyado ma-tao rito sa Wendy's Pedro Gil. Ok, sige kapag 8pm at wala pa rin siya aalis na talaga ako.

*phone vibrates*

Ciacia calling...

Ciacia: Uy, hello? Bakit?

Courtney: LEKAT KA! Yung totoo? Ikaw talaga magtatanong ng bakit? Sinong tumawag sa atin ateng?!

Ciacia: Hahahaha! Inaasar lang kita. Kanina ka pa ba dyan nag-iintay?

Courtney: Hindi naman. Pero nagpatawag na ako ng illegal logger, papaputol ko na itong ugat na tumubo sa akin! Seriously, Ciacia?! You're asking the obvious. Hoy babaita! Usapan 5:30 pero 7pm na! Wait, baka hindi ako na-inform na magkaiba tayo ng time zone.

Ciacia: HAHAHAHAHAHA! Grabe ka talaga! Kahit inis ka na nakukuha mo pa rin mag-joke! Pero sorry talaga girl, kasi naman itong tutee ko sobrang bombels! Hahaha! Ang slow! Kanina pa kaming 3pm sa isang problem! Dyusme teh! Hahahaha!

Courtney: Mas grabe ka! Alam mo na ngang naiinis ako, tumatawa ka pa sa joke ko! Hahahahaha! So 4 hours kayo sa isang problem? HOMAYGAHD! BOMBELS NGA! Hahaha! Oh pero aminin mo, yumayaman ka dyan sa tutee na yan. On the serious note, pupunta ka pa ba rito or uuwi na ako?

Ciacia: Wow teh ah! Ang bilis ng change of mood mo? Hahaha! Pero yun nga sasabihin ko. Sorry talaga girl, hindi na kaya ng powers ko pumunta today. Sobrang haggardo versoza na ko! Na-drain talaga utak ko. Promise sa Thursday talaga aagahan ko AND libre ko!

Courtney: Rawr! Ok. Ako na lang muna mag-aaral then para sa Thursday eh tuluy-tuloy na lang din yung pag-aaral natin. Sige na pahinga ka na. I-recharge mo na utak mo, kung meron mang ire-recharge. Hihihihi. Bye!

Ciacia: Bitch, please? Hahahaha! Bye rin girl! Ingat sa pag-uwi.

Yay! so mag-isa na lang pala ako mag-aaral ngayon dito? Hayy. Ok lang naman pero nakakairita lang kasi itong tatlong lalaki na nakaupo two tables away sa left side ko, parang kanina pa ako tinitignan! Yes naman! Haba ng hair! Sarap ipalupot sa leeg ko! Pero seriously, ganun naman yun di ba? Mafi-feel mo kapag tinitignan ka or pinaguusapan? Hayy. Ang awkward lang. Pagdating ko andito na sila eh. Tambay ba itong mga ito?

Sige para hindi na lang awkward isuot na lang si earphones at makinig sa music.

Pero kunyari lang may music. Medyo bobo ako eh. Nakalimutan ko yung iPod ko sa bahay. Hehehehe. Go! Aaral na lang ulit ako.

Mr. Talikodgenic [Short Story]Where stories live. Discover now