047 - VALUE

461 34 2
                                    


Habang hawak hawak ni Asteria ang Hourglass mula sa kanang palad nito, taimtim na naghihintay si Zioquel sa kanilang puwesto sa library kung saan nakatago ang kanilang pinagtatambayan. Nang nakararing na si Asteria sa pupuntahan ay agad itong tumabi kay Zioquel na nakaupo sa couch.

"Ano ang sasabihin mo? Okay lang sakin kung may tinatago ka pero sana huwag mo naman kimkimin lahat ng sikreto mo. Hindi naman kita aawayin o ano eh, ako din naman sayo nagiging tapat. Pakiramdam ko tuloy napaka unfair mo saakin." he pouted while typing something on his laptop dahil mayroon silang power point presentations sa tatlong subjects.

"Tungkol kahapon." pinakita niya ang Hourglass dito na saglitan lang ginawaran ng tingin ng binata at bumalik ulit sa ginagawa nito sa laptop.

"Huwag mo na ipakita saakin iyan, parang kinakabahan ako na malalaman kong malapit ka na mawala. At ako'y galit din sapagkat ang bilis ng daloy ng oras... Gusto ko na nandito ka lang sa tabi ko ngunit alam ko din na hindi maaari." he sighed. Bawat pag type nito ay lalong bumibilis at mabilisan na binitawan ni Zioquel ang ginagawa at ginawaran ng halik ang mga palad ni Asteria.

"Pag bumalik na ang totoong Shania... Hindi ko na mararanasan na halikan ka, na mahawakan ang palad mo na malaya at hindi na din kita makakausap nang may halong paglalambing." kinuha ni Zioquel ang bagay mula sa palad ni Asteria.

"Pag sinira ko ba ito, mahihinto ang oras ng iyong pagbabalik?" tinanong nito dahil may binabalak itong sirain ang bagay kung magkaroon ng kumpirmasyon ang binata na matitigil ang oras ng kinakasama pag nasira ang hourglass.

"Huwag. Baka lalong mapadali." agad na hinablot ni Asteria mula sa palad nito ang bagay na pinakapro-protektahan niya.

Agad na nag ring ang cellphone ni Zioquel at kinuha ito mula sa bulsa ng jacket nito. Oo, parang boang siyang tingnan na naka jacket tapos mainit ngunit iba din ang pakiramdam ng binata, para siyang may sinat kaso nilinaw nito sa kasintahan na okay lang siya.

"Bakit?" tanong nito sa kaklase.

"Nasan ka na? Agahan mo pagpunta dito sa room dahil una tayong magpre-present."

"Sige, sige. Pupunta na ako diyan."

Tumayo na ang bintana at mabilis na napasinghap sa ere...

"I'm sorry if I'm lying Asteria... Hindi pala ako okay. Medyo nahihilo ako. Pero mamaya-maya din magiging maayos ang pakiramdam ko–"

Naputol ni Zioquel ang sasabihin ng hinablot ni Asteria ang kaliwang braso nito at tinulak ang kasintahan sa couch. With a glare, Asteria threatened her boyfriend.

"Akin na iyang laptop mo. Mukhang inaabuso mo na ang sarili mo sa pag-aaral." parang nayuga ang ulo ni Zioquel pero tumango tango na lang siya. Agad na kinuha ni Asteria ang laptop at nagtanong.

"Anong mga section yung pagpre-presentan mo ng PowerPoint?"

"Math, History saka Etiquitte." umubo si Zioquel dahil nangangati ang lalamunan nito kahit kanina lang ay hindi ito kumain ng agahan dahil puro tubig ang kanyang nilantakan.

"Kaklase mo sina Beatrice diba? Same schedule kayo lahat nina Jairuss pati Purple?"

"Oo."

She speedly runs off their room to find Beatrice. Naalala niya na nakakausap naman ni Shania si Bea kaso bibihira lang sila magkaroon ng text sa isa't isa.

"Bea, nasaan ka?" kinuha ni Asteria ang dala dala nitong cellphone mula sa bulsa ng kanilang uniform. She's currently in the cafeteria to find Bea, kung hindi man nito makita ang babae then at least she could find Purple or Jairuss.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Where stories live. Discover now