015 - PALARO

3K 153 3
                                    

Minamahal kong Shania,

Ngayong araw na ito ay tila'y nakakaasar sapagkat para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ng dahil sa isang demonyitang nilalang ay napaaway ako ng wala sa oras. Pero huwag ka mag-alala, natikman niya kung paano ako magalit at tiyak na hindi na iyon magdadalawang isip na gambalain niya ako magpakailanman. Si Sienna ay pinatikman din ako ng iba't ibang putahe ng kanyang paboritong pagkain at inumin! And dila ko'y parang nasabuyan ng acido ng maramdaman ko ang kakaibang lasa ng 'coke'. Sa unang tingin aakalain ko talaga na isa itong lason ngunit sabi ni Sienna na ang inumin ay parang nagpapatanggal ng umay. At isa pa ay ang tinapay na tatsulok na nakapaibabaw ang piña! Nakatatlong kuha ako nito dahil tuwing kinakagat ko ang parte nito ay parang isang unan na sa sobrang lambot ay hindi mo matutukoy kung totoong pagkain ba talaga ang natikman mo. Medyo hindi ko nagustuhan ang lasa ng 'ice cream' dahil pakiramdam ko na hindi naman nakakabusog ang ganitong uri ng pagkain. Nawili ako sa modelo nito at nagulat sa nalaman na ito pala'y natutunaw at nagiging tubig sa ilalim ng araw. Para talagang may mahika ang ibang pagkain dito... Pagkatapos ng aming klase, agad kaming pumunta ni Sienna sa 'recruitment section' upang maghanap ng bakanteng club na masasalihan. Ikinalungkot ko lang na halos lahat ng nasa booth ay hindi na nag-aalok ng promosyon dahil puno na ang kanilang miyembro sa kanilang pangkat. Buti na lang, may lumapit saaming lalaki na kung interesado ba kaming makilahok sa banda. Marunong si Sienna tumugtog ng piyano at hindi nagdalawang isip na sumali. Kung saan si Sienna doon ako payapa kaya hindi din ako nagiisip na magpumilit sumingit at nagsinungaling na marunong ako tumugtog ng instrumento kahit hindi naman. Nagdadasal ako ngayon, na sana... Magkaroon ako ng mabilisan na solusyon sa hinaharap kong problema.

Nagmamahal,
Asteria.

Nasa cafeteria sila ngayon at nakaupo sa malaking lamesa na pang 30 na katao. May apat na malaking table at naka pwesto sila sa pang unang row. Katabi nito si Sienna habang nanonood ng paborito nitong anime na ang title ay  Kamisama Kiss. Habang kumakain, nakarinig sila ng malakas na palakpak mula sa kalbong lalaki.

"Pigpoy! Ano na naman iyan?" tanong ng ka-schoolmate nila.

"Laro tayo. Sagot ko premyo."

"Magkano?" sabay-sabay na tanong ng mga tao at mukhang interesado sila sa palaro.

"One hundred thousand lang." medyo may katabaan ang lalaki. Chinito at masigla ang kanyang boses. Mayroon itong dalawang gintong ngipin sa bandang itaas at maraming nakasalaksak na gintong pulseras at singsing sa kanyang kamay.

"OIII! pareng Pigpoy! May palaro ka na naman! Anong balita sa kumpanya ng papa mo aber?" sumulpot na parang isang mabilis na hangin si Zioquel mula sa likuran nito. Nasasanay na din ito magdamit ng uniform na pambabae at walang sumasaway sa kanya dahil pinayagan naman siya ng administrators. Sa kaliwang kamay ni Quiel ay ang branded na gucci bag ni Ione at sa kanan naman ay hawak ang blue berry lollipop.

"Bakit? Tuwing may palaro ba ako ibig sabihin nun may magandang nangyari sa bahay?" Pigpoy looks like a decent Chinese guy and an approachable one. Paniguradong hahabulin ito ng mga babae pag napagdesisyunan nitong magpapayat at mag ayos sa kanyang sarili.

"Oo, halata naman." sabat ni Zioquel at tumabi kay Shania pero hindi ito pinapansin ng dalaga.

"Sama ako sa palaro mo. Ano ba mekaniks! Sasali ko na din ang minamahal kong si Shania." Idinantay nito ang braso sa balikat ni Shania. Dahil sa pandidiri, winisik niya ang nakapatong na braso ni Zioquel na para bang ito'y isang lamok.

"Hindi kita kaano-ano. At hindi ako intereaado sa ganyang klaseng laro." diretsang sabi nito. May diin ang tono pero binaliwala lang iyon ng binata at kibit balikat na napatawa.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Where stories live. Discover now