chapter 21.1 ( my devil fox)

478 37 100
                                    

Chapter 21.1

Mom, you really look stunning with that dress of yours." puri niya sa kanyang ina.

"Talaga?..ikaw din naman eh ang gwapo mo din sa damit mo ang galing talaga pumili ni Zhan ano?." kinikilig na sabi ng kanyang ina.

"Mana kasi ako sayo, kaya ang gwapo ko,"

"Good evening madam and young master, this way please!." one of the staff of the hotel guided them.

Sa isang malaking function room sila nito dinala, pag kapasok nila sa function room ay puno na ng mga kamag-anak nila. Nagsimula na pala ang hapunan at agad na silang pumasok, ng makita ng kanyang ina ang kanyang ama nilapitan kaagad nila ito.

"Hello! sweetheart." bati ng kanyang ina sa kanyang asawa.

"Sweetie your late again." reklamo ng kanyang ama.

"Kailan ba hindi late si mama." komento naman ni Fox, na bigla ang kanyang ama ng makita siya nito

"Fox? your here?." gulat na sabi nito

" Yes! im here." agad nilapitan ni fox ang kanyang ama at niyakap. Malapit sya sa kanyang ama, lalo pa at nag iisang anak din si fox sa pamilya niya.

"Kailan ka dumating bata ka ha? wait where's jiyang?." tanong nito

"Hindi nya sinama ang asawa nya, miss ko na si Jiyang." paglalambing ng kanyang ina.

"Alam mo naman na busy sya at bago pa lang sya sa ospital na pinagtatrabaho.an nya." paliwanag nya sa kanyang ama.  Malapit sa pamilya nya si Jiyang, apat na taon narin kasi silang kasal.

Everyone was so busy, kanya kanyang chikkahan at bati.an sa mga pinsan nila at mga Aunties and uncle's. Hindi akalain ni Fox na magkikita sila ni Yibo sa gabing iyon. Wala sana siyang balak na magpakita sa kanyang pinsan si Yibo, pero andito sila sa  reunion walang siyang dahilan para umiwas.

Unang lumapit si Yibo sa kanya, ng makita siya nito

"Kailan ka lang umuwi?." diritsong tanong nito sa kanya.

"Ngayon lang, medyo may jetlag pa nga ako eh."

"Where have you been Hao Xuan?. saan mo dinala ang asawa ko?."  Yibo looked at him intently.

"Your wife? sino ba ang asawa mo? I didn't know who your wife was. kasi ang pagkakaalam ko you're already divorce. Oh! im wrong, you never have a wife, kasal lang kayo pero hindi legal." Sarcastic na sagot ni fox.

"Im asking you nicely, kaya umayos ka Hao Xuan." gigil na sabi ni Yibo sa pinsan niya.

"Hindi ako umuwi dito sa China para ipaalam sayo kung nasaan si Zhan, i'm here to bury someone, so stop bothering me, please!." agad na nya itong iniwan.

Hindi na hinabol ni Yibo ang pinsan nya, ayaw niyang mag eskandalo sa event.

Isa sa mga tao na nilapitan ni Fox ay ang kanyang lolo, na kasama ang kanyang Auntie, ang ina ni Yibo. Alam nyang magugulat ang mga ito sa pag dating nya, umalis kasi sya ng walang paalam sa mga ito.

"Good evening lo." bati nya sa kanyang lolo.

"Hao Xuan!. teka kailan ka dumating? where have you been, apo ha?." sunod-sunod nitong tanong,

"Hao Xuan, how are you, iho?."

"I'm good, pasensya na at ngayon lang ako nagpakita, busy lang kasi ako sa ibang bansa this past few months," paliwanag nya sa dalawa

"Alam mo bang umalis si Zhan sa ibang bansa? we keep looking for him pero hanggang ngayon wala pa rin kaming balita sa kanya." malungkot niyang kwento sa apo,

unconditionallyWhere stories live. Discover now