Chapter 2

265 78 2
                                    

Kinabukasan, naglilinis ako sa loob habang sarado pa ang tindahan. Pagkatapos 'non ay magpapahinga muna ako ng ilang minuto saka ko bubuksan ito. Kalimitan kasi ay alas diyes na rin ako ng umaga nagbubukas ng tindahan.

Ilang minuto pa lamang simula ng pagbubukas ko ay may bumukas na nang pintuan.
"Good morning po," bati ko sa unang customer habang nagpupunas ako ng counter.

"Mas good ka pa sa morning," tugon nito kaya napatingin ako sa nagsalita. Normal lang at walang emosyon ang makikita sa mukha nito kagaya ng pagkikita namin kahapon. Hindi mo rin naman masasabing malungkot siya.

Kagaya kahapon ay umikot muli siya sa tindahan para maghanap ng bibilhin. Makalipas ang ilang minuto ay pumunta na siya sa counter at inilapag ang dala-dala niya.

"Yung dating nagtatrabaho dito, kapatid mo ba siya?" tanong niya.

"Hindi,' mariin kong tugon.

Hindi na rin siya nag-usisa pa at umalis kaagad matapos kong mailagay sa plastic ang mga pinamili niya.

Simula noon ay araw-araw siyang nandoon at bumibili ng kung anong makita niya. Araw-araw din siyang nagtatanong ng tungkol sa akin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naging habit ko na rin na hintayin siya sa bawat araw para tanungin ako ng mga walang kwentang bagay.

Komportable ako kapag nandoon siya at nakikipagkwentuhan sa akin dahil ramdam kong pareho din kami ng personality.

"May aasikasuhin kasi 'yong tao na nagbabantay ng negosyo ko kaya wala akong choice but to look after my business," pagpapaliwanag niya.

Patuloy siya sa pag-oopen up ng mga problema niya sa pamilya, negosyo, at kung ano-ano pa. Hinihingian niya rin ako ng advice o personal na opinyon ko ukol sa mga problema niya. Masaya ako habang nagpapalitan kami ng mga ideya at plano sa mga future namin.

Hanggang sa...

Isang araw halos mabali na ang leeg ko kasisilip sa may pintuan. Parang may sariling isip ang katawan ko dahil walang tigil ang tuhod ko sa kayuyugyog habang ang mga mata ko ay hindi maalis sa pinto. Nag-aagaw na ang liwanag sa dilim pero wala ni anino niya ang nagpapakita.

And disappointment hits me everytime he's not the one thrown  inside by that door.

A few minutes ago, someone opened it and walked towards me. This time, I didn't know who it is nor check it because I don't want to disappoint myself again.

"Pwedeng makahiram ng ballpen" tanong ng isang taong may pamilyar na boses. Iniangat ko ang mukha ko at hindi nga ako nagkakamali sa may-ari ng boses na iyon. At ginawa niya pa ang isang bagay na babago sa lahat.

  He gave that sweetest smile to me.

Sa araw-araw naming pag uusap ay ngayon ang unang beses na nakita ko ang ngiting iyon.

"Here," tugon ko at ngumiti ng malawak sabay abot ng ballpen na hawak ko.

Tinanggap niya ito at may isinulat siya sa kapirasong papel. Pagkatapos ay agad niya ring isinauli ito at nagpasalamat bago tuluyang umalis.

That is our only interaction for a day but I don't know why it feels so valuable to me.

Sa bawat araw na lumilipas at sa paulit-ulit naming pagkikita at pag uusap ay tuluyang nakasanayan ko na ang presensiya niya.

Every time we looked into each other's eyes feels different. It's like I feel him and he feels me. I don't know why but it's a strange feeling. I even dreamed of him kissing that night that makes me confused and questioned myself.

The Convenience Store GuyWhere stories live. Discover now