Chapter 1

427 79 4
                                    

Ako nga pala si Chester Lamadrid at ito ang unang araw ko sa trabaho sa isang convenience store. Nahirapan ako no'ng una ngunit kinalaunan ay natutunan ko rin ang mga kailangan kong tapusing gawain sa araw-araw.

Isang linggo pa ang lumipas, nagkaroon na rin ako ng ilang mga kakilala na nagtatrabaho rin mula sa mga kalapit naming establisyemento. Pero dahil sa introvert nga ako ay hindi nagtatagal ang aming mga nagiging usapan dahil hindi rin naman ako 'yong taong interesado sa buhay ng iba. Hindi rin ako palakwento ng tungkol sa estado ng buhay ko.

I want to stay in a low profile as possible. I want to separate my life at home and outside the society.

Nagtagumpay ako at natapos ko ng maayos at walang naging problema ang unang buwan ko sa trabaho. At masasabi kong kahit papaano ay may naging improvement ako sa kung paano ako makitungo sa ibang tao. Mas lalo akong naging confident at positive-thinking nitong mga nagdaang araw.

Unti-unti ay minahal ko ang trabaho ko pero hindi ko alam na darating ang araw na hindi ko inaasahan.

Isang maalinsangang hapon, nakaupo ako sa may pwesto ko sa counter at dinadama ang bawat malamig na buga ng air conditioner sa loob ng tindahan. Kahit malamig sa loob ay parang ramdam ko pa rin ang init sa labas dahil sa taas ng sikat ng araw ng hapong iyon. Napabuntong hininga ako habang sandaling nagpapahinga dahilan sa katatapos ko lang mag-ayos ng mga dumating na mga bagong produkto.

Sabi nga ng mga tao diyan sa kalapit ko ay kung bakit hindi pa raw ako magrequest ng kasama dito tutal marami akong gawain at nakakapagod ang mag-isa. Bagay na sinabi rin sa akin ng boss ko. Nginitian ko lamang sila kasi ayoko namang isipin nila na weird akong tao. Sa totoo lang kasi mas nag-eenjoy pa akong kabonding lang ang sarili ko kaysa may kasama akong katrabaho.

Nasa gitna ako ng pagmumuni nang biglang bumukas ang pinto kaya umayos ako nang pagkakaupo.

"Meron ba kayong mga candy?" tanong ng customer na 'to kahit obvious naman ang sagot sa tanong niya. Gayunpaman, inassist ko pa rin siya at itinuro kung saan naroroon ang iba't-ibang klase ng mga candy.

Ilang oras din siyang nagpaikot-ikot kaya hinayaan ko na lang muna siya dahil wala namang ibang customer ng mga oras na iyon.

I closed my eyes for a while when he suddenly groaned which made me startled. Napaangat ako ng mukha at kasalukuyang nasa harapan na pala siya ng counter.

"Ikaw ba 'yong bagong nagbabantay dito?" pag-uusisa niya. Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing "obvious ba?" at tinanguan.

This is what I hate the most when people around me keep asking the same old question every day. Mahigit isang buwan na rin kasi ako dito pero hindi ko rin naman siya masisisi baka ngayon niya lang din ako nakita.  E kasi, ngayon ko lang din siya nakita.

Inabot lang naman siya ng mahigit dalawampung minuto para sa dalawang candy. But still, a customer is a customer kaya nagpasalamat pa rin ako sa kaniya bago siya umalis. Ngumiti siya saka naglakad papalabas sa pintuan. Nang mga sandaling iyon ay namawis ang mga kamay ko.  Marahil ay gawa lamang 'yon ng lamig na galing sa air conditioner.

The Convenience Store GuyWhere stories live. Discover now