My Childhood Friend

5.2K 55 3
                                    

Continuation......................

Umupo naman si Kaye sa harap ni Vice pati na yung ibang mga kaklase namin. "Diba yun si Kaye?" "Ang ganda niya sa personal noh!" "Mas maganda ako." "In your dreams" Nagbubulungan naman yung mga kaklase ko tungkol kay Kaye.

Pero parang nakita ko na siya eh. San ba? Maganda siya kaya hindi nako nagtataka kung maraming tumitingin sa kanya. Pero bakit kanina pa nakatingin sa kanya si Vice? Kanina ako tinitignan niya, ngayon si Kaye naman. =_=

Natapos ang ilang oras at recess na namin. Tumayo naman agad si Vice at pumunta sakin. "Tara. Baba na tayo.", sabi niya tapos bumaba kami. Pagbaba namin, ang daming tao dun sa isang table. Tinignan naman ni Vice kung sino nakaupo dun at nakita naming si Kaye.

May dumating namang teacher at pinaalis yung mga estudyante. Hinila naman ako ni Vice at umupo kami sa tabi ni Kaye. Nagulat si Kaye pero napangiti siya nung nakita niyang si Vice. "Kaye" "Vice", sabay nilang sinabi.

Kilala ba nila ang isa't isa? Hinug naman ni Vice si Kaye na ikinagulat nito pero yumakap na din ito. "Namiss kita Kaye.", sabi ni Vice tapos kumalas na. "I miss you too Vice. Ang tagal na nating hindi nagkita ah.", sabi ni Kaye.

Bigla naman napatingin si Kaye sakin kaya tinignan din ako ni Vice. "Nga pala Kaye. Si Karylle. Ang Baby Girl ko at soon to be Mrs. Viceral.", sabi niya habang nakayakap sakin. "Sira ka talaga.", sabi ko pero kinikilig ako.

"Karylle. Si Kaye nga pala, childhood friend ko.", sabi ni Vice."Hi. Nice to meet you.", sabi ni Kaye at nakipag shake hands sakin. Parang pilit lang yung smile niya. "Nice to meet you too. Nagkita na ba tayo?", sabi ko.

"Not yet. But maybe you saw me in T.V. I'm an actress by the way.", sabi niya. Ahhhh Kaya pala pinagkakaguluhan siya dito eh. Saka parang sa T.V. ko siya nakita. "Ok. Kaya pala familiar ka sakin eh.", sabi ko. "Paano nga pala kayo nagkakilala ni Vice?", tanong ko.

"Friends kasi ang parents namin at simula pa nung bata nagbestfriend na kami.Nagkahiwalay lang kami nung pumunta kaming Singapore at pinag-aral ako dun ng parents ko para matrain ako para malaman kung pano magpatakbo ng company namin.", sabi ni Kaye.

Pagkatapos namin mag-usap, kumain na kami tapos umakyat na kami. Tahimik lang ako kanina kasi sila lang ang nag-uusap. Nagexchange naman ng seats si Kaye at Bianca kaya nasa kanan ni Vice si Kaye.

Nalaman kong na magkarelasyon na pala si Bianca at Jhong kaya hindi na magseselos si Vice kay Jhong. Pero feeling ko may gusto si Kaye kay Vice. O baka guni-guni ko lang yun. Ang saya saya nilang dalawa.

Sa tingin ko nga bagay sila eh :( Siguro kung hindi ko sila kilala, mapagkakamalan ko na mag-jowa     sila. Pagkatapos ng klase, umuwi na kami. Pagdating namin sa bahay, pumasok na kami. "Kanina ka pa tahimik Karylle. May problema ba?", sabi ni Vice.

"Wala. Masama lang pakiramdam ko.", sabi  ko tapos pumunta sa kwarto ko. May kumatok naman at pumasok si Vice. "Karylle. Ok ka lang ba talaga?", sabi niya. "Oo nga. Matulog ka na.", sabi ko tapos humiga na.

Narinig ko namang hindi siya lumabas at naglakad papalapit sakin. "Matulog ka na.", sabi ko. "Hindi ako matutulog hanggat hindi mo sinasabi kung ano ang problema.", sabi niya kaya umupo ako at humarap sa kanya.

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon