Preparing for the Christmas Party

6.3K 72 4
                                    

KInabukasannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn

Vice's POV

Pagkagising ko, bumaba na ako. Nakita ko si Karylle na nagluluto. "Uy, aga mo yata nagising ah", sabi ko sa kanya. "Good Morning (^_^)", sabi niya at naghain. "Ba't ang saya mo yata ngayon?", tanong ko habang umuupo.

"Wala lang. Bakit? Masama bang maging masaya?", sabi niya. "Hindi naman.", sabi ko at kumain na kaming dalawa. "Uy, anong gagawin mo sa Christmas?", tanong ni Karylle. "Hindi ko pa alam eh. Ikaw?", sabi ko.

"Usually kasama ko nanay ko tapos naghahanda.", sabi niya. Umakyat na ako tapos naligo at nagbihis. Pagkabihis ko, bumaba na ako at hinintay si Karylle. Pagkababa niya, umalis na kami at pumuntang school.

Pagdating namin, ganun ulet. Pagkapasok namin, ang daming poster  na nakadikit sa school. "Ano yan?", sabi ni Karylle habang naglalakad kami. "Yan yung dance para sa christmas party.", sabi ko. Every year kasi may dance kami sa Christmas party namin. Yung parang prom.

"Ah Okay. May partner ka na ba?", sabi ni Karylle. "Wala pa eh. Gusto mo tayo na lang?", sabi ko. "Ok lang. Pero, payag ka ba? E diba dapat lalaki partner mo?", sabi niya. "Ok lang din. Wala naman akong alam na ibang sasama sakin eh.", sabi ko.

"Si Bianca?", sabi ni Karylle. "Wag na lang. Baka may partner na yun noh. Sige na punta na ko sa classroom. Kita na lang tayo mamaya.", sabi ko at pumunta na sa classroom. Pumasok na ko at ang ingay nila dahil pinaguusapan nila yung tungkol sa dance.

"Uy, may partner ka na ba?", sabi ni Bianca pagkatapos ko umupo. "Oo. Ikaw? Hulaan ko. Mayroon na no?", sabi ko sa kanya. "Wala pa kaya. Sino partner mo?", sabi ni Bianca. "Si Karylle.", sabi ko tapos dumating na ang teacher.

"Ok class. Alam niyo namang malapit na ang party diba? Kaya ngayon ay free day niyo dahil kada section ay gagawa ng sari sariling dance prod, o kaya may kakanta, food etc.", sabi ng teacher namin at naghiyawan lahat kami.

Lumabas na si ma'am kaya nagusap usap lahat kung ano ang gagawin nila. Yung iba sa food, dance at yung iba kakanta. Dun naman ako kasali sa sasayaw kasi magaling ako sumayaw. Walang kokontra.

Yung kantang sasayawin namin ay Let Me Love You. Bigla ko namang naalala si Karylle. Ano ba yan. Pati ba naman dito naalala ko siya. Nagusap usap ulit kami hanggang recess. Nagbreak muna kami at bumaba yung iba. 

Bago ako bumaba, pumunta muna ako sa classroom ni Karylle para tignan kung nandoon pa siya para sabay kami magrecesss. Pagpunta ko, nakita ko si Karylle. 'Karylle!", sabi ko tapos pumunta sakin si Karylle.

"Bakit?", tanong niya. "Sabay tayo magrecess.", sabi ko. "Sige", sabi niya tapos pumunta na kami sa canteen. Umorder na kami at umupo. "Anong gagawin niyo sa Christmas party?", tanong ko sa kanya.

"Kakanta.", sabi niya. "Sino kasama mo?", sabi ko. "Ako nga lang eh. Ikaw? Anong gagawin mo?", sabi naman niya. "Sasayaw. Balak ko nga ding kumanta eh.", sabi ko. "Bakit?", sabi niya. "Gusto kasi kitang kantahan eh.", sabi ko na may serious face.

Natulala siya tapos nagsalita ako, "Joke lang! Eto naman. Masyadong sineryoso." "Kala ko totoo. Pwede kang maging artista. Alam mo yun?", sabi niya. "Alam ko yun noh. Sa ganda kong to.", sabi ko tapos nagpose.

Nagtawanan kami tapos kumain. Pagkatapos namin kumain, hinatid ko na siya tapos pumunta na ko sa room ko. Pagkatapos ng recess, nagstart na kaming magpractice. Pinagiisipan ko pa rin kung kakanta ako eh.

Maya-maya habang nagprapractice kami, may tumawag sakin. "Jose!", sabi ni Bianca at pumunta ako sa kanya. "Bakit? Saka, Vice hindi Jose", sabi ko. "Ok Jose. Gusto mo bang kumanta?", sabi sakin ni Bianca.

"Bakit?", tanong ko sa kanya. "Konti lang kasi kakanta eh. Sabi ko sa kanila magaling ka kumanta kaya sabi nila ikaw nalang.", sabi niya. "Ok. Ano bang kanta ang kakantahin?", sabi ko. "Bahala ka kung ano gusto mo", sabi niya at umalis na.

Ano kayang magandang kantahin? Bumalik na ako sa pagpractice hanggang maglunch. Nakakapagod sumayaw. Buti na lang may dala akong extra t-shirt. Pumunta ako sa cr at nagpalit. Pagkatapos ko magpalit, lumabas na ko.

Habang papunta ako sa canteen, naisipan ko munang pumunta sa garden. Matagal na kong di nakakapunta dun saka presko dun. Pagpunta ko dun, may naririnig akong kumakanta. 

There are times when I wonder

How we can stand each other at all

And there are times it's so clear to me

You'll be there when my whole world falls

Sure we don't have a perfect life

Still people stop and say

What they have is so special?

I agree, wouldn't have it any other way

Pagkakita ko, si Karylle. Habang kumakanta siya. Hindi ko namalayang kumakanta ako kaya sumabay ako sa pagkanta niya:

K: Coz I love you

V: And I love you too

K: Coz I love you

V:And I love you too

K: No one can ever take this love away

V: No one can take me from you

K: No one can ever take your place

V: No one else will ever do 

K: There are times when I wonder 

V: How we ever survived it all

K: The problems go on and on and on

V: I'll be there when your whole world falls

K: Coz I love you

V: And I love you too

K: Coz I love you

V:And I love you too

"Uy, bakit ka nga pala nandito?", sabi niya sakin pagkatapos namin kumanta. "Wala lang. Matagal na kasi akong hindi nakakapunta dito eh. Saka narinig kitang kumanta. Ganda pala ng boses mo.", sabi ko sa kanya.

"Thank You. Ikaw din.", sabi naman niya. "BTW, gusto mo bang mag-duet na lang tayo? Tutal, mag-isa ka lang naman kakanta diba? Saka, kung gusto mo yun na lang yung kantahain natin", sabi ko sa kanya. 

"Sige ba.", sabi niya pagkatapos umalis na siya at pumunta ako sa room. Pagkatapos namin mag pracice ulit, pumunta na ako kay Karylle at umuwi na kami.

Kinabukasan............

My Gay......... Husband???!!! (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon