OS- kabanata 50

1.1K 35 4
                                    

Pinaghandaan ko ang araw na ito. Plinano kung paano ko papabagsakin ang mga taong sumira ng buhay ko at dahilan kung bakit nawala si Riley sa akin.

"Hindi kita susuportahan sa gagawin mo!" Galit na sabi ni Alice sa akin ng sabihin ko sa kanya ang plano ko. I want to take down all of Raj mom's assets and such. Kukunin ko ang lahat at sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.

"Why can't you support me now?" Tanong ko sa kanya. Simula bata kami ni Alice ay sinoportahan niya ako sa lahat ng bagay. Bakit hindi niya kayang ibigay sa akin ito ngaun?

Umiling si Alice sa akin ng sunod sunod. Dissapointment is all over her face kaya dismayado din ako sa kanya.

"Coz' you're doing it wrong! Ikaw sa lahat ang may alam na ang bawat tao may pinagdadaanan. Huwag kang magpadalos dalos. Let the the law give what she truly deserves." Sabi ni Alice. Umiling lang ako sa kanya. I don't wanna hear her beliefs and reason now. Hindi iyon ang kailangan ko. I want revenge for Riley! I want justice for my son.

"Nasasabi mo lang yan coz' you are not in my shoes. Nasasabi mo lang yan dahil hindi kapa nagiging ina." Salita ko. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga ng ni Alice. Isang malakas na sampal ang natamo ko sa kanya.

"Who are you? Hindi ikaw ang Gotica na kilala ko. How dare you! You think Riley will be happy to see you doing this? Mag isip ka Gotica! Wag puro emosyon ang gamitin mo! At buntis ka! There's another life in your tummy reason to think right and carry on." Salita ni Alice. Kalmado siya pero dama ko ang galit.

Hindi na ako kumibo. Tinalikuran niya lang ako at iyon ang huling araw na nag usap kami. After this mess I will go to her to fix things. Alice is my family and I don't want to lose her over this.

Kinuha ko lahat ng pinama sa akin as in everything, even the smallest. Lahat ng iyon ay nakuha ko pero Hindi ko pa din magawang maging masaya.

Rajan helped her mom kaya hindi ko pa di  nakuha yung hustisya na gusto ko. Nakuha ko lahat pero nawala sakin lahat ng mga taong mahal ko.

The worst part is hindi nakulong si Camille Esquivel. She is acquitted from Riley's death. Even her personal bodyguard is nowhere to be found!

I even plan bad things to people who hurt me. Kaya galit na galit si Alice sa akin. Nagsawa siya sa akin. I was badly hurt. Ano gusto nila gawin ko? Maging mabait? Even so, wala akong satisfaction na makuha sa sarili ko kahit naging masama ako. Pakiramdam ko ay nawala lang din sa tabi ko ung mga taong totoong nagmamahal sa akin at pamilya ko.


"Ayos kana?" Tanong ni Ate Reese. Siya kase ang kasama ko lately simula ng hindi na dito umuuwi si Raj. Hindi naman niya ako pinapakialaman sa mga desisyon at plano ko kaya ayos lang na manatili siya dito.

Lately, she's my companion. Sinusuportahan niya ako sa plano ko para sa hustisya sa anak na nawala. Lahat ng Meron ako ngaun at siya din Ang tumulong sa akin.

"Yup, magmimeet kami ni attorney later to sign all the documents." Sagot ko. Hinimas ko ang namimilog kong tiyan at inayos ang damit.

Tumango si Ate Reese sa akin. "This will change your life Gotica. You are doing it right. Para sa iyo at para kay Riley." Sabi niya. Hindi na ako kumibo. Lately, hindi ko din masyado nakakausap si Raj. Kapag may time siya ay pumupunta siya pero hindi ko din pinapansin. I even ignored all his messages and calls.

Napatingin ako Kay ate Reese ng mahuli Kong nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko ng mahuli ang makuhulugan niyang ngisi. Halata Ang pagkataranta sa mga mata niya na bigla din nawala. " Alis kana, baka mahuli kapa." Sabi niya. Nagkibit balikat ako at tumango sa kanya.

Aalis na sana ako ng biglang tumunog ang doorbell sa unit ni Raj. Nagkatinginan kaming dalawa. Sa huli bumuntong hininga si Ate Reese at tumayo mula sa pagkaka upo.

"Ako na," sabi niya sabay labas ng silid. Tinignan ko ulit ang mukha ko sa salamin at nang makutento ako ay lumabas na din ako ng silid.

Paglabas ko ay natigilan ako ng makita ko si Raj na umayos ng tindig ng makita ako. Automatiko na napatingin siya sa tyan ko at seryosong tumingin kay ate Reese. Ngumiti si ate Reese sa kanya pero Hindi niya ito sinuklian. 

"Goodmorning," bati niya sa akin. The gentleness of his voice towards me, somehow gave me comfort. Tila ba gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siya ng mahigpit at maging ayos ang lahat. But then, kapag naalala ko si Riley ay nababago ang lahat. Galit ang nanaig sa akin at hindi ko alam kung paano yung maalis sa akin.

"Why are you here?" Tanong ko. Hindi ko pinahalata ang matinding epekto niya sa akin. Bumuntong hininga si Raj. "I.. just want to show you something." He said. He trailed off too.

Kumunot ang noo ko. I can see the tiredness and loneliness on his eyes. Umiwas ako ng tingin dahil sigurado ako na magiging mahina na naman ako at bibigay. "It will take an hour. After this I wont bother you anymore." He said again. Hindi ko alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin pero may parte sa akin ang natakot. But then, kailangan ko ito. Kailangan ko muna unahin ang mga gusto ko at desisyon ko. If Raj really loves me, he will surely understand me.

"Okay." Sagot ko. Tutal ay maya pa naman ang meeting ko kay attorney maaga lang ako gumayak pars makapg muni muni.

Tahimik ang buong byahe namin ni Raj. Paminsan minsan ay napapatingin ako sa kanya na diretso lang ang tingin sa daan. Palitan kami ng buntong hininga kaya tumingin nalang ako sa labas.

The defeaning silence makes it awkward too. Hindi ko alam kung magsasalita ako o ano pero mas pinili ko ang manahimik nalang.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko ng makita ang gate ng subdivision kung saan nakatira si Alice at Raj. Hindi siya nagsalita. Hindi ko din alam kung bakit ako kinakabahan. Dumiretso siya at nilagpasan ang bahay nila. Pamilyar na daan ang dinaanan namin.

Nakita ko ang dati namin bahay ni tita Salve. Huminto si Raj sa tapat ng bahay. Wala pa din kahit anong lumalabas sa bibig niya.

Napatingin ako sa bahay na halos walang pinagbago. Ganun pa din ito kagaya ng nasa memorya ko. Halatang halata na inalagaan ito ng maayos.

Huminto si Raj sa gate at may kung anong dinukot sa bulsa niya. Nakita ko ang susi na hawak niya at binuksan ang padlock sa gate. Nagtataka man ako ay sumunod ako sa kanya. He opened the door using a remote. Napanganga ako ng marahan bumukas ang pinto. Ganito pa din ang itsura nito pero naging moderno. Madaming halaman sa paligid kaya hindi ko mapigilan na maisip si tita Salve.

Marahan akong naglakad at sumunod kay Raj na pumasok na sa loob ng bahay. Naninikip bigla ang dibdib ko ng makita na maayos pa ito at halos nandito pa ang mga dating gamit.

Bumalik sa utak ko lahat ng alaala nung kabataan ko. Pati litrato ko at ni tita Salve ay nandito pa lahat.

"How…" hindi ko matuloy ang sasabihin sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Gulat, saya at sakit sa memorya na tumatak sa akin sa bahay na ito.

"I bought it when you left and decided to preserved it. Alam kong balang araw ay babalik ka dito at mananatili dito. I'm giving it back to you, Icai. I want you to raised our child here. It's yours." Sabi niya. Napanganga ako saglit. I don't know what to feel pero sobrang tuwa ko at nabalik ito sa akin.

Nang maisip ko ang gagawin mamaya ay nakaramdam ako galit. "Bakit ngaun lang? Kase legal ko nang kukunin ko na ang lahat, Raj? Para mapagbago mo ang isip ko? Yun lang din talaga ang habol mo? Ang asset at kumpanya na iniwan sakin?" Salita ko.

Gulat na gulat ang itsura ni Raj at halata ang pagkadismaya. "Are you hearing yourself, Gotica?" Medyo galit niyang sabi. Tila ba napatid ang pagtitimpi sa akin. "I thought kapag binalik ko ito sayo ay mababawasan ang sakit at lungkot na nadadama mo.  I know you're still hurting pero fuck it! Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Don't push away all the people who care for you. Kase, baka pati ako.." hindi niya matuloy ang sasabihin niya.

"Ano ka,Raj? Baka ano?" Galit kong sabi. Pero sa kaloob looban ko ay natatakot ako. Nasasaktan at nalulungkot.

Huminga siya ng malalim at pagod akong tinignan." Baka mapagod na din ako.." he said at saka ako tinalikuran.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon