OS-Kabanata 43

1K 28 3
                                    

Simoy ng sariwang hanging ang sumalubong sa akin. Humampas ang alon at pumalo ang buhok ko sa aking pisngi. Pinong buhangin na nilalakaran ay nagbibigay kapayapaan sa akin.

"Mama look! May starfish!" Sigaw ni Riley na abot ang takbo sa dalampasigan. Lumingon sa akin si Raj at marahan akong inalalayan.

"I'm fine, Raj. Nag oovereact ka lang." Natatawang sabi ko. Medyo may umbok na ang akin tyan. Nasa Batangas kami kung nasaan ang resort nila sir Anton. Ikakasal kase si sir Brent sa susunod na araw kay Lakan dito mismo sa tabing dagat.

Ang galing talaga ng tadhana noh? Sino mag aakala na ikakasal sila dapat noon pero hindi natuloy sa dami ng pangyayari. Nagkahiwalay at nagkaroon ng sariling buhay.

God let them grow first and gave time for themselves. Until dumating ang araw na pinagtagpo ulit sila para sa habang buhay. Sila ang perfect example na kung kayo talaga, magiging kayo. And I envy them.

Kung tutuusin, pareho lang kami ng storya. The only difference is that they know that they loved each other back then. Noon kase, hindi ko alam ang feelings ni Raj. Sa aming dalawa, ako lang vocal at may alam na nagmamahal sa kanya.

"I just want you to be careful. That's all." Ngumuso siya at nagpatuloy sa pag alalay sa akin. Si Riley ay patuloy sa panood ng ng mga maliliit na isda. Ang araw ay unti unti nang nagpapakita sa kalangitan. Sumisilay tanda ng panibagong araw.

Hinayaan ko siya. Tahimik kaming naglakad sa dalampasigan. "Are you not hungry, still?" Tanong niya. Hindi kase ako kumain masyado kagabi dahil masama ang timpla ng tyan ko. I'm fine though. Siguro, hindi lang ako sanay talaga na madami kinakain or mas naging mapili ako.

"Hindi pa. Pero kung gusto mo balik na tayo para mag almusal." Sabi ko. Tumaas ang kilay ni Raj sa akin. Alam kong nagugutom na siya dahil hindi din siya masyado kumain kagabi kakapilit sa akin.

"No, lets continue para mapagpag ka at magutom." Medyo natawa siya. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Papa! Lets ride jetskie later, can we?"  sigaw ulit ni Riley.

"Yes anak, but you need to eat first. And be careful!" Sigaw ni Raj sa kanya. Nagdesisyon din kami mag stay dito para makapagpahinga sa lahat ng stress sa city.

Sabi naman ni Anton at Bree sy welcome kami dito kahit kailan namin gustuhin.

"Yes papa! Yehey!" Sigaw ni Riley. Umiling kami pareho at sabay pinagmasdan si Riley. Hindi ako makapaniwala na ganito kabilis ang panahin. Riley is not so baby anymore.

"Raj! Gotica! Riley!" sigaw ni Mika sa malayo. Sabay kaming napatingin sa kanya. Medyo hingal pa siya ay may dalang inumin.

Natanggap ni Raj ang pangyayari. They both took DNA test to prove that they are family. Masaya ako para kay Raj at sa kanilang dalawa.

They don't entertain dramas.  Tinanggap nila ang katotohanan at nangyare at pinatawad ang isa't isa. Pinili nilang magpatawad at wag nang balikan ang nakaraan. Kung tutuusin, sila nalang din ang pamilya.

Besides, parehong okay ang buhay nila. Nabuhay si ate Reese bilang independent na babae at malakas. I envy her kase lumaban siya at hindi niya tinigilan o hindi siya napagod na hanapin si Raj.

Napagdesisyunan namin na isama siya sa bahay. Lumipat kami sa condo ni Raj. Sinuporthan ako ni Alice pero kapalit noon ang pagiging mailap ni Raffy sa amin pati na din kay Riley.

Hindi ko makuhang magalit kay Raffy. Alam ko ang nararamdaman niya at naiintindihan ko siya. He's been there eversince for me and Riley. Siguro, nag expect lang din siya sa akin kahit pinaramdama ko sa kanya na kaibigan lang talaga siya sa akin.

Ganun pa man, hindi ko siya pipilitin na bumalik sa dati. I want him to heal and have his own life na halos sa amin na niya binigay ni Riley. Siguro, ganun talaga ang buhay. We can't hold two things all at once. Palagi tayong may masasakripisyo kahit ayaw naman natin. Hindi ko man gusto na mawala si Raffy, kailangan iyon para magpatuloy siya at mabuo ang pamilya ko.

"Kumain na tayo! Raj!" Ulit na sigaw ni ate Reese. Tumikhim si Raj at palihom na umirap . Natawa pa ako kase palagi niyang sinasabi na parang nanay daw namin si Ate Reese kung umarte.

"He just love us. Ayaw mo ba nun?" Salita ko. Piniga ko pa ang ilong niya na bahagyang namula ngaun. Lalo lang yata nadagdagan ang iritasyon niya dahil sa ginawa ko.

"No, selfish ako, Gotica. Gusto ko, ako lang ang nag- aalaga at nagmamahal sa inyo ni Riley." Umirap siya. Hindi ko alam kung kikiligin ako o matatakot sa kanya. Sobrang seryoso Kasi niya na para bang gusto ko nalang tawanan.

"Hindi mo ba gusto na madaming nagmamahal sa atin? The more the merrier and that's bad, Raj." Salita ko. Nagulat ako ng bigla akong binuhat ni  Raj na parang bagong kasal. Tumawa pa si Riley at tinukso kami dahil sa ginawa ni Raj. Bahagyang nag init ang pisngi ko sa panunukso ni Riley. Si Raj naman ay tawa ng tawa. Natigilan ako sa pagtawa at napatitig sa kanya.

He looks so happy. Napakagenuine ng tawa niya at alam mong masaya siya.

"I'm bad, baby. Pag dating sa inyo. Magiging masama ako." He said and kiss my forehead. Hindi ako nakapagsalita dahil tagos na tagos bawat kataga na binitawan niya.

Nang makalapit kami kay Riley ay binaba niya ako. Hinawakan niya ang kamay ni Riley at tsaka ang kamay ko. Sabay sabay namin tinanaw ang araw na halos pasikat na.

Nagulat ako ng bumitiw si Riley sa hawak ni Raj sabay takbo sa akin at yumakap sa tyan ko.

Nang kumalas si Rilay ng yakap ay pinatong niya ang maliit na kamay niya sa tyan ko.

"Join us, Scarlet. Iloveyou." Salita ng anak. Wala pa man ay alam kong magiging mabuting kapatid siya sa magiging kapatid niya. Nakakatuwa pa nga dahil palagi niyang sinasabi na babae daw ang magiging kapatid niya. And Riley's speech has improvement. He can say I love you instead of Yabyu he usually saying. 

Ginulo ni Raj ang buhok ni Riley at tska ito kinarga. Napatingin kami kay ate Reese na palapit sa amin dala dala ang camera niya.

"Hoy! Pamilya niyo din ako! Lets take a picture. Ang panget niyo kabonding." Salita niya. Nagkatinginan nalang kami at sabay sabay na tumawa.

Our Strings (Strings Series 3) Where stories live. Discover now