CHAPTER 57

247K 8.5K 7.9K
                                    

"You are wasting your time by calling him in your mind, Jazzie. Nalinlang ko na ang grupo ng dati mong asawa sa ibang lugar. Kung sakali man na mahanap niya kayo rito, isa na lamang kayong mga bangkay," Chaos spoke coldly.

"Why?" namamaos kong tanong at saka tumingin sa kanya. "I trusted you, Chaos," I said weakly.

He smirked. "That's the plan, Jazzie. Ang pagkatiwalaan mo ako," aniya.

Marahan akong umiling at pagak na nagpakawala ng tawa. "Is this necessary, Chaos? Kailangan ba talagang idamay ang anak ko sa paghihiganting gusto mo? Niyo ng pamilya mo?"

"My sister died in front of me, Jazzie. She shot herself," he stated.

"She killed herself. Your sister was the one who took her life, Chaos. Not me, not my son, not Valjerome either!" I snapped out of frustration.

Chaos clenched his jaw. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang muling pag-angat ng baril ng matandang Hevion patungo sa direksyon ko. Pinigilan lang iyon ng asawa niya at sinenyasang si Chaos na ang bahalang umasikaso sa akin.

"Julina, my sister, pleaded to your ex-husband for a little attention. Konti lang, Jazzie, saglit lang..." namamaos na sambit niya.

"You can't force someone to like us, Chaos," I murmured along with my streaming tears.

"She's depressed, Jazzie. And your ex-husband was aware of her condition. Ano man lang 'yong pakitaan niya ng konting kabutihan 'yong kapatid ko," he insisted.

Napailing na lang ako at hindi na nakapagsalita pa. It's useless. Chaos and his family already had their plan. Ang tangi ko na lang magagawa ay taimtim na magdasal para sa kaligtasan ng anak ko bago pa man maubos ang oras na nilagay nila sa bomba.

Para akong dinudurog nang paulit-ulit habang nakatingin kay Erom. He's still quiet, silently crying as he remains with his head looking down. It was like he did it purposely to avoid seeing what's happening right now.

10 mins...

Sampong minuto na lang ang mayroon kami ng anak ko bago sumabog ang bomba. Nakagat ko ang ibaba kong labi at impit na napaiyak.

"You see this, Jazzie?" Chaos spoke.

I slowly lifted my head and froze when I saw a detonator in his hand. Chaos smirked after seeing my reaction.

"C-Chaos," I stuttered, fear spread out all over my body.

"Paano ko ba kayo dapat patayin? Should I just let the bomb explode by itself or... should I press this?" He played the device with his hand.

I swallowed hard. "C-Chaos, please," I pleaded, then cried out loud.

Lord, please, kahit anak ko lang. Kahit si Erom lang po ang maligtas. Nagmamakaawa ako, Panginoon.

Valjerome, please... save our child.

"Press it already," Chaos' father said coldly.

"No, no, please, Chaos! Ako na lang. Ako na lang ang patayin niyo, huwag ang anak ko. Please!" I shouted panicky.

He scoffed, then slowly took his steps away. Lalong kumabog ang puso ko sa ginawa niyang iyon. Alam kong isa iyong paghahanda para hindi siya maabot ng impact ng bomba.

Nanghihina akong napapikit habang walang awat na lumuluha. "Val... please..." nakikiusap na bulong ko.

Sa mga oras na ito gusto kong yakapin nang mahigpit ang anak ko. Gusto ko siyang halikan nang paulit-ulit. Pero hindi ko magawa dahil sa pagkakagapos na ginawa nila sa akin.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now