CHAPTER 38

236K 9.5K 4K
                                    

"W-What did you say?" garalgal kong usal habang nakatitig kay Valjerome.

He kept crying as he leaned down towards my foot. "I'm sorry, Jazzie. I'm sorry for everything."

Nanghihina akong napaupo sa sahig, tulala at paulit-ulit na ipinapasok sa isip ko ang mga sinabi niya kanina.

Ang taong umampon sa akin ang mismong pumatay sa mga magulang ko.

Pagak akong tumawa habang lumalandas ang mga luha ko sa pisngi.

Ang itinuring kong ama ang dahilan kung bakit ako maagang naulila.

Gusto kong magsalita, sumigaw sa sakit, magwala, pero hindi ko magawa dahil gulung-gulo ang isip ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa mga nalaman ko.

"Patawad," muling pagsusumamo ni Valjerome, nanatiling nakasubsob ang ulo sa sahig.

Hindi ko na siya inintindi pa at nanghihinang tumayo. "Stop making a scene, Valjerome. Go to sleep, inaabala mo ang mga kasambahay mo," walang emosyon kong wika at wala sa sariling naglakad palayo.

Tuluyan ko na siyang iniwan sa kanyang silid. Hindi ko alam kung paano ako nakababa sa hagdanan ng hindi nalalaglag dahil halos nasa kawalan ang aking atensyon. Agad akong sinalubong ni Manang at nag-aalalang inusisa ngunit nilampasan ko lamang siya. Sunod na lumapit sa akin si Jaime para alukin akong sumakay ng sasakyan, tinitigan ko lang naman siya at saka marahan na tumango.

"Dal'hin mo ako sa bahay ni Mrs. Montevardo," mahinang wika ko nang pinaandar ni Jaime ang sasakyan.

Ramdam ko ang paglingon sa akin ni Jaime ngunit 'di ko siya inabalang tingnan. Ang paningin ko ay pinanatili ko sa labas ng bintana. Nag-iisip, nagtatanong, nasasaktan.

Muli kong inalala ang mga panahon kung kailan nakakasama ko pa ang mga magulang ko. Ang mga tawanan, kulitan, lambingan at iba pa hanggang sa kung paano iyon napalitan ng sakit sandaling ibinalita sa akin ng katulong namin na wala na sila. Dahil sa musmos kong edad, hindi na ako nanguwestyon pa nang sabihin nilang nasangkot sina Mommy sa isang aksidente, mas natuon ako sa pagluluksa at pagpapatibay sa loob ko na bumangon.

Nang araw din na iyon, nakilala ko ang mga magulang ni Valjerome. Nagpakilala silang malapit na kaibigan nina Mommy at sinabi na sila na muna ang mag-aalaga sa akin hanggang sa makayanan ko nang tumindig sa sarili kong mga paa. Hinayaan ko lang naman silang kupkupin ako dahil wala na akong iba pang pagpipilian. Bukod doon ay napakabait nila sa akin, maski si Valjerome ay maalaga sa akin unang araw pa lang nang pagkikita namin. Palagi niya akong sinasabayan na kumain, sinasamahan kahit saan para lang huwag kong maramdaman na nag-iisa ako. Nagpatuloy iyon hanggang sa paglaki namin, nagbago lang ang lahat nang ikasal kaming dalawa.

"Nandito na po tayo," pagkuha ni Jaime ng atensyon ko.

Doon ko pa lang nagawang ituon ang atensyon ko sa paligid. Tipid akong tumango bilang pasasalamat at saka bumaba ng sasakyan.

Nakaalis na si Jaime ngunit nanatili akong nakatitig sa bahay ng mga magulang ni Valjerome. Nakakatawang isipin na mukhang nakikisabay pa ang langit sa nararamdaman kong hirap ngayon. Kasabay nang pagbuhos ng ulan ang siyang pag-alala ko sa mga nabuo kong alaala sa bahay na nasa harapan ko. Pagak akong tumawa at napailing.

Ni minsan hindi ko sila pinag-isipan nang masama.

Nanatili ako sa posisyon ko sa loob ng ilang minuto. Kita ko ang pag-aalala ng mga bantay ng mansyon at kagustuhan nilang lapitan ako ngunit hindi nila ginawa, marahil ay alam din nila na kailangan kong mapag-isa sa mga oras na ito. Nang nakuntento sa pagbabaliktanaw ay saka pa lang ako naglakad patungo sa mansyon. Basang-basa man at nanlalamig dahil sa tubig ulan ay hindi ko iyon pinagtuunan ng atensyon. Kapapasok ko pa lang ay agad na sumalubong ang ina ni Valjerome.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now