Chapter 6. Awkward Moment

36 3 0
                                    

Chapter 6. The Awkward Moment

Lakad. Lakad. Lakad. San na ba ako pupunta nito? Mag hohotel na sana ako, kaso... Wala sakin ang wallet ko. San ko ba iyon naiwan? sa Kalsada? o sa Hospital? Haaaaaaaaay naku. -_____-

Kapag naman pupunta ako ngayon ng hospital, baka mahuli pa ako ng daddy at pwersahan pang iuwi ako. Ayuko nga! Baka magkaroon pa ng Gyera sa Mansyon. Edi, mas mapupunta pa niyan ako ng tuluyan sa Hell na iyan. Tsss... 

Napatingala ako sa langit, Dumidilim na ang langit, tapos kumukulog pa. A-anu ba yan... Ku-kulog?... Sheet of paper. Ayuko ng kulog... Anong gagawin ko? San ako ... magpapalipas ng gabi? San ako matutulog? Na.. Naku poo.... Huhuhu! Mommy! Help! Ahhhh! Bahala na! Uuwi na lang ako! Lulunukin ko muna yung pride ko. Ngayon lang 'tuh ihh, tapos lalayas naman ako agad! at hindi ako magtatagal. OO! Ngayon lang talaga tuh! 

-----------------------------------------------------------

---- Aris POV----

Ang boring. Napa upo nalang ako sa sofa, habang pabasa-basa lang ng Libro. Kung tinatanong niyo kung Sino at ano ako sa kwentong ito? Sige, magpapakilala na ako sa inyo. 

Ako nga pala si Aris. College student. 19 yrs old. 3rd yr. Independent na. Ang mga parents ko, nasa kung saan lang. No Girlfriend since birth. Architecture ang course ko. Hmm... Ano pa kaya... Ahh... Kung tinatanong niyo kung kaano-ano ko si Rona, mag kaibigan kami. Hindi bestfriend, hindi close friend. Kaibigan lang talaga. Para sa kanya, wala lang ako. Pero siya para sakin, isa siyang espesyal na tao. Importante siya sakin, Ayukng nakikita siyang umiiyak o nasasaktan kasi nasasaktan at Naiinis  ako  sa sarili ko kasi hindi ko siya ipinagtanggol. Dehins ko alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko... Gusto ko siyang protektahan, at alagaan siya... ahhh... kaya nararamdaman ko lang siguro iyon dahil... Dahil ano nga ba? Dahil ba sa special siya? Oo ih, special child yun. XD 

Napabuntong-hinga nalang ako. Ilang beses ko nang nabasa tung libro na ito. Ano ba kasi ang binabasa ko? Ahh... the Notebook lang naman ni Nicholas Sparks. Wala ihh... Sa naadik ako sa Kwento. Try niyo din kayang basahin. XD 

inabot ko naman yung kape ko sa tabi ko at uminom. 

Biglang  Kumulog ng malakas. Uulan ata ngayon ahh... Ansabi sa balita kanina, may dadating na bagyo bukas ikalawa. Edi WOW! Walang pasok niyan ng dalawang Araw! Nakakatuwa naman .

Ano na kayang ginagawa nang babaeng iyon? Naiintindihan ko naman siya kung bakit ganun siya... yung tipong, may galit sa mundo. At galit sa buong lalaki. Ang buong pangalan niya ay Ronalyn Chua. Pinanganak nung  April 1 . Mahal niya si James. Andami ko na bang alam sa kanya? Wala e. Hoy! Hindi ako stalker nun ahh.. 

(Sighed)  Isinarado ko na ang librong hawak ko. Hindi naman ako maka Concentrate sa binabasa ko, kung saan-saan kasi lumilipad isip at diwa ko. XD

Pipikit ko sana mata ko, nang may marinig akong nag do-doorbell. Tinignan ko yung wristwatch ko, it's 8:30 pm. Gabi na aah... Sino ba namang tao ang bibisita sa ganitong oras? 

Tumayo na ako sa kinauupuan ko, bumaba na ako ng hagdan at nagtungo sa may pintuan. Baka dumating na ang kapatid ko. Oo, may kapatid akong babae. Her name is Czanna Samaniego. Nakatira siya kasama ang parents ko sa malayong lugar. and.... Mahabang istorya kung bakit ako nag-iisa rito. 

Pagbukas ko ng pintuan... 

" Dumating ka ... Buti hindi ka naligaw. " Yun lang nasabi ko, habang siya napakagat-labi nalang at napakamot ng atok.

Sabi ko nga ba at dadating siya. Sa totoo lang na miss ko na yung Ngiti niyang napaka mahal.

-------------------------------

( Yeloooow! Sorry kuung matgal akong nakapag-update XD PAsensya na po dahil masyadong busy sa Research paper at sa Hip-Hop dance namin sa PE ... Thank You For reading... Please Comment, Sana hindi naman Harsh ahh? Lab yu! XD )

Second Chance to LoveWhere stories live. Discover now