Ewan

5.2K 73 12
                                    

Mahal Kita Pero…

Ewan

Kanina pa siya kanta ng kanta. Wala pa kasing teacher kaya siguro punong-puno siya ng energy. Kahit wala siya sa tono, o kahit wala siyang natamaan sa lyrics ng kanta, sarap na sarap pa rin akong pakinggan siya. Kaya lang, minsan, sa inis ko, nababara ko na siya. Hahaha. Hindi ko rin sure kung nagrereklamo na ako sa boses niya o sadyang namamangha na ako. Basta, in between inis at in-love? Ang corny ko.

                “Tumigil ka na nga!”pabiro kong sigaw sa kanya habang kinakanta niya ‘yung paborito kong kanta. Ewan ko lang kung alam niyang paborito ko ‘yon. Feeling ko tuloy, tadhana na ito. Kakilig.

                “Kunwari ka pa, Joshyyy. Alam ko namang gustong-gusto mo ‘tong boses ko. Dahan-dahan a, baka pati ako, magustuhan mo.” Nakakainis ‘di ba? Nang-aasar ba siya o ewan? Ang galing niya kasing magpakilig. Sagutin ko kaya ng “Oo. Gusto nga kita!” si Harold, para matahimik.

                “Kadiri ka kamo, friend. Pinaka-imposible atang mangyari ‘yan sa buong mundo. Ewan ko sa’yo.”

                Nasa classroom lang kami kasama ng iba naming classmates at naghihintay sa adviser namin pero para sa akin, parang sa kanya na lang umiikot ang mundo ko. Syempre, kahit graduating na ako, hindi ko naman pinapabayaan ‘yung pag-aaral ko. Sadyang magaling lang akong mag-manage ng oras para sa kanya.

                Kapag mahal mo kasi ang isang tao, gagawa ka ng paraan para sa kanya.

                Ang corny ko. Going back. Naghihintay kami sa adviser namin, pero walang tigil sa pagpapatugtog ng gitara ang mga classmates ko. Kahit wala sa tono at lyrics kumanta si Harold, siya pa rin ang pinapakanta ng mga kaklase ko dahil sa taas ng confidence nito.

                Magkatabi kami ng upuan. Maria Joshe Delos Santos ang buong pangalan ko at Prince Harold De Vera naman ang sa kanya. Salitan kasi ang babae at lalaki sa upuan kaya nagkataong magkatabi kami. Hay. Sobra na ata ang isang school year na pagiging magkatabi namin kung hindi ko masasabi sa kanya ‘yung feelings ko.

                Magtatapos ata kami ng senior high school nang hindi niya nalalaman ‘tong nararamdaman ng puso ko. Hay. Isa na talaga akong martyr na seatmate.

                “Ang tagal naman ni Ma’am,” sabi niya sa akin habang paulit-ulit niyang pinapaingay ang ballpen niya. Ganoon siya kapag naiinip. Lahat ng mahawakan, pinapatunog. Buti na lang hindi applicable ‘tong theory ko sa tao. “Bakit ba wala pa si Ma’am? E alas-ostso na. Seven thirty ang homeroom natin ‘di ba?”

                “Ewan,” sagot ko sa kanya.

                “Ano ba ‘yan. Lagi na lang ewan sagot mo sakin. Halos isang taon na ‘yan,” may pagmamaktol niyang sagot sa akin. Sa lahat ng nagmamaktol, siya ang pinaka-cute sa lahat. Parang hinihiling ko na sana araw-araw siyang nagmamaktol para lalo siyang maging cute. Haha. Smiley.

                “Para ‘di ka na mangulit ng mangulit,” sagot ko. Hindi ko na hinabaan ang sagot ko sa kanya dahil napansin kong papasok na ‘yung adviser namin.

                “Buti sana kung nakakabusog ‘yang ewan na ‘yan,” bulong nito.

                Kung alam niya lang. Ang bawat na “ewan” na sagot ko sa kanya ay katumbas ng I love you na malabong masabi ko sa kanya. Alam kong hindi niya rin ‘to ma-ge-gets kahit kailan.

Mahal Kita Pero...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon