43 - ♡

2K 87 21
                                    

"Good morning po."

Liningon ko si Mira at agad na napangiti nang buksan niya ang pintuan at sumakay sa kotse ko. I sighed. She always looked so beautiful. What am I gonna do to her?

I tucked some strands of her hair behind her ear making her cheeks turned into crimson. I stifled a smile. She's so cute!

"Good morning, Mira. Saan mo gusto kumain?" tanong ko bago buhayin ang engine at nag-simula ng mag-maneho. Kinagat niya ang labi niya bago tumanaw sa labas.

"Uhm, kahit saan na lang po," then she turned to me and smiled. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil baka matunaw ako sa ngiti niya.

Napahilot ako sa sentido. Fuck, tamang-tama ako ah? Ganito ba talaga kapag gusto mo 'yung tao?

I smiled like an idiot as I propped my elbow on the side and played my lips with my fingers.

Napabuntong-hininga ako dahil para talaga akong kinikilig dito. Tangina, nababaliw na ata ako.

"May problema po ba?"

My head craned on her side, seeing her looking at me worriedly. I frowned. Nakakainis siya. Bakit ba kasi ang ganda niya? Hindi pa nakakatulong na mukha siyang inosente.

I sighed and shook my head. "Wala. Ang ganda mo lang kasi talaga kaya ako namomroblema."

She looks taken aback with my response, making her avoid my gaze and chewed her bottom lip.

"U-Uhm, thank you po."

We arrived at the nearest restaurant after minutes of driving. We just talked about random stuff along the way for her to be entertained. Ayoko namang ma-bored siya kasama ko.

"Thank you po," aniya nang paghilahin ko siya ng upuan. I nod my head and sat on my chair.

"What do you want to eat?" tanong ko bago ibigay sa kaniya ang menu board na ibinigay ng waiter sa amin.

Her eyes wander on the menu before pointing a meal that she likes.

"Do you want anything more?" marahan kong tanong na inilingan lamang niya bago ako ngitian.

"'Yun lang po."

Tumango ako bago bahagyang itaas ang kamay para tawagin muli ang waiter. I told him our orders and minutes after, he served us our meals.

After silently praying, we started to dig on our foods.

I asked permission to her parents for a date with her today. And gladly, they let us but I should drive her home before 7 o' clock in the evening.

"Where do you want to go today?" tanong ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. Even her way of eating is very prim and proper. Napakahinhin niya. Nagagaya na tuloy ako sa kaniya. Napa-halakhak ako sa isipan.

"Uhm, arcade?" she hesitatedly asked. I smiled and nod my head.

"Sure. Do you want to watch movies too?"

Napaangat ang tingin niya sa akin. "We can po?"

Masaya akong tumango at tinitigan siya. "Oo naman, bakit hindi?"

I heard her silently giggled. "Thank you po."

I sighed. "What did I say, Mira? Drop the po and opo na lang."

Tumingin siya sa akin at bumagal ang kaniyang pag-nguya. "Uhm, sige.. E-East."

"Good."

(◍•ᴗ•◍)

Only her laughs are the thing that my ears are hearing. I smiled as I stared at her smacking the small creatures toy with a hammer. It keeps on showing up and disappearing after Mira smacked them down.

Nilapitan ko siya at inabutan pa ng bagong mga tokens na binayaran ko. Natigil siya sa pagpupukpok at nilingon ako bago bumagsak ang tingin sa palad ko na may mga supot ng token. Her eyes widened.

"Hala, okay na ako sa tokens ko, East. Sobra-sobra na," aniya at inangat ang token na mayroon siya. She kept on insisting earlier na siya na lang ang magbabayad ng token niya kahit sinabi kong ako na. Pero sa huli, hinayaan ko na lang din siyang gamitin ang pera niya.

"Hindi na, mukhang gusto mo pang mag-laro. It's okay, mura lang naman," kinuha ko na ang palad niya at nilagay doon ang 3 set ng token. Ngumuso siya at tiningnan ako.

"Thank you."

Ngumiti ako at pinisil ang pisngi niya. "You're welcome. Gusto mo laro tayo do'n?" sabay turo ko sa tekken section.

"Suntukan?" tanong niya na siyang nakapagpatawa sa akin.

"Oo."

"Uhm, sige po."

Buong hapon ay nag-laro lang kami sa arcade. We tried basketball, shooting, hockey game, and many more. Napangiti ako nang sobrang dami ng ticket na naipon namin. Tiningnan ko kung ilang points ang kailangan sa tinitingnan niya kaninang stuff toy at napakagat ng labi nang makitang kakayanin ng tickets namin ang stuff toy na iyon.

"Ano pong gusto niyo, Ma'am?" tanong ng babae pagkatapos sabihin ang points namin. Tiningnan ako ni Mira.

"Uh, hati tayo? Anong gusto mo?" tanong niya at ngumiti bago ibagsak ang tingin sa mga pagkain na nasa glass cabinet.

"Diba you want that stuff toy?" tinuro ko ang nakasabit na laruan sa harapan namin. Nag-angat siya ng tingin doon at kaagad na umiling.

"Pero hati dapat tayo.."

Umiling ako at natawa. "Miss, ayun po ang kukunin namin," sabi ko at tinurong muli ang stuff toy.

"E-East.."

"Okay lang, dinamihan ko talaga 'yung tickets para makuha natin 'yan.. 'yung gusto mo," sagot ko bago bahagyang guluhin ang buhok niya.

But then I saw her eyes watered. Kaagad ko siyang dinaluhan. "Mira.. Bakit ka umiiyak?" nag-aalala kong tanong at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"T-Thank you," bulong niya bago punasan ang luha niya at ngumiti. Masaya niyang tinanggap ang stuff toy at niyakap.

Nakahinga ako ng maluwag. "Akala ko naman kung anong nangyari," sabay natatawa kong kinamot ang batok ko.

Magpapasalamat na sana ako sa babae na nag-assist sa amin pero nabigla ako nang tinawag ako ni Mira at mabilis na binigyan ng halik ang aking pisngi. "T-Thank you ulit, East."

Pagkatapos no'n ay mabilis na rin siyang naunang lumabas ng arcade at ngumiti.

Napahawak ako sa pisngi ko bago tumikhim. A smile escaped from my lips.

"Nababaliw ka na, East," bulong ko at sinundan na palabas ng arcade si Mira.

A Dare For You, East ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon