Chapter 7 - Si Yugo, ang lobo.

41 1 0
                                    

"Gamitin mo ko," sabi ng isang boses.

Tumingin tingin si Eksdi sa paligid at ang nakikita niya lang ay si Jaypee at ang lalake. Meron pa bang ibang tao maliban sa kanila doon?

"Bago ko kayo patayin, sasabihin ko muna ang pangalan ko para naman alam niyo kung ano pangalan ng taong pumatay sa inyo. hahaha!" sigaw ng lalake.

"Ingay nito ha, kanina pa sigaw ng sigaw", bulong ni Eksdi sa sarili pero sinagot din niya ang lalake.

"Pangalan MO? O pangalan NIYO? Bakit hindi mo pa rin sabihin ang pangalan ng kasama mo?"

"Kasama ko? Umalis na ang kasama ko dahil sabi ko sa kanya kunin niyo na ang naiwan naming pera dahil pupunta na kami sa kabilang bayan. Kahit sabihin ko pa sa inyo ito, wala na kayong magagawa dahil mamamatay na kayo! ahahahaha!" sigaw nanaman ng lalake. "Bago ko pa makalimutan, ako si Bert, ang taong papatay sa inyo," sabay ngiti na parang demonyo.

"Gamitin mo ko," narinig ulit ni Eksdi ang isang boses.

Bigla nalang naisip ni Eksdi na sa isipan niya lang nagsasalita ang boses kaya sinubukan niya ito kausapin.

"Sino ka? Paano mo ko nakakausap?"

"Ako si Yugo, isa akong lobo at  isa ako sa iyong mga kapangyarihan." sumagot naman ang kanina lang ay bumubulong na boses.

"ISA sa aking mga kapangyarihan? Ano ang ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong ni Eksdi.

"Hindi na muna importante yan. Sa ngayon, ang importante makalabas ka ng buhay dito."

"Paano kita gagamitin?"

"Sabihin mo lang sa isipan mo ang pangalan ko." mabilis na sagot ni Yugo.

Nakita na lang ni Eksdi na naglalaban na si Jaypee at si Bert. Pinalulutang ni Jaypee ang mga di kalakihang bato at binabalibag kay Bert pero dahil hirap pa rin si Jaypee sa pagpapalutang ng mabibigat na bagay, madali lang kay bert iwas-iwasan ang mga batong hinahagis ni Jaypee. Maghahagis pa sana ng isa pang bato si Jaypee nang bigla siyang suntukin ni Bert sa tiyan. Nagsuka ng dugo si Jaypee pagkatapos at nawalan ng malay.

"One down," sabay baling ng tingin naman kay Eksdi, "last one! ahahahahaha!"

"Wala nang malay si Jaypee. Kailangan ko siyang dalin sa ospital!" sigaw ni Eksdi sa isipan.

"YUGO!"

Nag-iba ang itsura ng kanang mata ni Eksdi. Naging kulay dilaw ito na para bang mata ng isang lobo. May dilaw rin na aura ang pumapalibot sa kanya.

Sinugod na siya ni Bert na hindi pa nagsayang ng oras. "Eto ba ang kapangyarihan niya na sinasabi ni Boss? Tsk" Sa isip-isip ni Bert, parang Anime Force SOUL lang dahil napansin nito ang mata ni Eksdi na parang mata ng lobo.

Susuntukin na sana ni Bert sa mukha si Eksdi ng biglang sinakmal ng kamay ni Eksdi ang mukha ni Bert sabay hagis pababa sa lupa. Bago pa man masugatan ng tuluyan si Bert, nagawa niya nang patigasin ang katawan niya. Tatayo na sana siya ng tuhurin siya bigla ni Eksdi sa tiyan!

"Paano nangyareng andito na bigla si-"

Sabay binalibag ni Eksdi sa ere si Bert. Ang kaninang dilaw na aura na pumapalibot sa katawan ni Eksdi ay ngayon ay nasa kamao niya. Pabalik na ulit sa lupa si Bert mula nung hinagis siya ni Eksdi pataas nang nakita niya si Eksdi na hinihintay siya sa baba at aakmang susuntukin. Pinatigas niya ng todo-todo ang katawan niya pero...

"BOOOOOG!"

Inupper-cut ni Eksdi si Bert sa tiyan nito at hindi kinaya ng sing-tigas nang bahay ng pagong ang kamao ni Eksdi.

 To be continued...

EKSDI Afterlife AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon