Chapter 6 - Unang Laban sa Kabilang Buhay

49 1 0
                                    

"Pare, tingnan mo yung susunod sa pila (si Eksdi ang tinutukoy niya), mukang siga ah, kanain kaya natin to?" - lalake 1

"Mamaya pre, pag nalaman na natin kung ano ang lakas niya. Kailangan din nating mag ingat, huli na natin tong buhay." - lalake 2

"Sabagay saglit nalang din to, kalma lang tayo." - lalake 1

Si Eksdi na nga ang kikilatisin. 

"Ako si Kuroma, ang nagmamay ari ng shop na ito."

"Eksdi," sabay abot ang kamay.

"Eto ang papel, patakan mo ito ng dugo mo." - Kuroma

"May tanong muna ako, magkano ang makukuha kong pera dito?" - Eksdi

"Depende, kung isa kang:

Animal Force SOUL: 20,000 Pebos

Superhuman SOUL: 50,000 Pebos

Legendary SOUL: 500,000 Pebos." - Kuroma

"Okay, handa na ko." Sabay kagat sa kanyang daliri para makakuha ng dugo.

Binigay ni Eksdi ang papel pabalik kay Kuroma. Si Kuroma naman ay nagulat pero hindi niya pinahalata.

"Ang iyong SOUL ay superhuman. Ito ang 50,000 pebos" Sabay abot ng pera kay Eksdi.

"Ano po ang kapangyarihan ko?" tanong ni Eksdi.

"Hmmmm... mas mabilis ang reaction time mo kesa sa ibang tao," sagot naman ni Kuroma.

"Kailangan ko na ipaligpit ang batang 'to habang konti pa lang ang kaalaman niya," bulong ni Kuroma sa sarili.

Umalis si Eksdi at Jaypee sa lugar na iyon. Di nila alam may sumusunod na pala sa kanila. Napansin na lamang nila ito nang nasa kalagitnaan na sila ng gubat.

Unang nagsalita si Jaypee...

"Anong kailangan niyo samin?" sigaw nito dahil hindi niya pa rin alam kung nasaan ang mga sumusunod sa kanila pero alam niyang nasa paligid lang ang mga ito.

"Pakisabi diyan sa kasama mo na ibigay samin ang kanyang nakuhang pera kung ayaw niyong masaktan," sagot ng isang lalake.

Biglang may naisip si Eksdi na plano. Pinigilan niya si Jaypee na magsalita pa at sumenyas na siya na ang bahala.

"Paano ko ibibigay sa inyo ang pera ko kung hindi kayo magpapakita?" sigaw ni Eksdi na hindi pa rin alam kung nasaan ang mga kausap.

"Mabuti naman at susunod ka. Walang masasaktan,"

Bumulong naman ang kasama ng lalake sa kanya,

"Uy pre, sigurado ka ba magpapakita ka dyan? Baka kung ano mangyari sayo, dalawa sila oh. Sumama nalang kaya ako?" - lalake 2

"Hindi, mauna ka na sa hideout natin para kunin pa yung mga nakatagong pera at pupunta na tayo sa kabilang bayan. Masyado na tayo nagtagal dito," sagot naman ng unang lalake.

At lumabas sa kinatataguang puno ang lalake. Nakita nila Eksdi na ang lalakeng ito ay ang kanina pang tingin ng tingin sa kanila nung nasa SOUL trader pa sila. Bigla nalang siyang nagulat nang bigla siyang sugurin ng lalake at suntukin. Buti nalang at nakasangga ang isa niyang braso kaya hindi siya napuruhan.

Binalibag naman ni Jaypee ang bola niyang hawak sa nakatalikod na lalake pero bumalik rin sa kanya ang bola dahil may shell ng pagong sa likod ng lalake!

"Hahahaha! Nakuha ko ang tigas ng bahay ng isang pagong nung dumating ako dito. Buong katawan ko ay kaya kong patigasin nang kasing tigas nito! Hahahaha!" malakas na sigaw at tawa ng lalake.

"Tsk..." inis na sabi ni Jaypee. 

Hindi pa kaya ni Jaypee ang magpagalaw ng malalaking bagay. Sa ngayon, ang kaya niya palang pagalawin ay ang mga bagay na kasing laki ng bola.

Si Eksdi naman ay nag-iisip kung paano niya gagamitin ang kakadiskobreng kapangyarihan. Habang nag-iisip, bigla na lamang may nagsalita sa isipin niya.

"Gamitin mo ko," sabi nito.

Tumingin tingin si Eksdi sa paligid at ang nakikita niya lang ay si Jaypee at ang lalake. Meron pa bang ibang tao maliban sa kanila doon?

 ===TO BE CONTINUED===

EKSDI Afterlife AdventureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon