13. Just You And I. OFFICIAL.

4.7K 66 4
                                    

Excited ako sa out of town namin ni Atasha, it took me days before she said yes. Actually, akala ko ako lang ang magiging sweet sa aming dalawa since ako naman ang manliligaw, but she's exerting efforts too. Kahit minsan ay nagmamatigas sya, she's always sincere and nice.

Marahil kung sasagutin niya ako, wala na akong mahihiling pa.... Ai meron pa pala! Ang maging asawa ko sya at ina sa magiging anak ko. Yung magkaron kami ng masayang pamilya. That's my only dream but means everything to me.

At dahil atat ako sa trip namin, naisipan kong agahan ang pagsundo sa kanya. Sinabwat ko na si yaya para sorpresahin si Sasa.

"Yaya tulog pa ba sya? Maaga ata ako masyado eh."


"Okay lang yan Sir Jiro para maabutan mo pang tulog si Sasa. I'm sure matutuwa yun pag ikaw ang naunang makita niya sa pag gising niya."


"Naks naman yaya. Salamat po. Pinalalakas mo ang loob ko."

Yaya let me entered the house and pinahintulutan niya akong umakyat sa room ni Sasa.

Tahimik akong umakyat and being careful not to make any noise para hindi ko sya magising. Pagkarating ko sa pintuan, medyo nagsimula na akong kabahan dahil ngayon lang ako papasok sa kwarto niya. Usually kasi ay sa sala at sa garden lang kami nag-istay sa tuwing dinadalaw ko sya.

Okay this is it! Dahan dahan kong binuksan ang pintuan... I slowly entered and get in. Malaki ang kwarto niya kaya hindi mo agad matatanaw  ang kama and you have to take few more steps para marating ito..

Teka! Akala ko ba tulog si Atasha? Eh nasaan sya???

Lingon. Lingon. Lingon. 


"Oh my god!!!! What are you doing here????!!!"

 

"Shit. Sorry Atasha. Sige tatalikod muna ako."

 

****************************

Ngayon ang araw ng alis namin ni Jiro pero kagabi pa lang ay nakapag-impake na ako ng kaunting gamit. Naalala ko na naman nung nahalikan ko sya sa pisnge ng isang gabi sabay takbo papasok sa loob ng bahay ko. Nakakahiya talaga ang eksenang yun. Pero buti at hindi niya ipinapaalala sa akin. Para naman kasi akong sira eh, nanghalik tapos tatakbo. Nakakatawa man but I find that moment sweet.

Ahhhhh! Makabangon na nga! Ayoko syang maghintay sa baba kaya gusto kong maaga maligo at mag-ayos. 

Habang naliligo ako, naiisip ko sya. Kung ano ang ginagawa niya, gising na ba sya, papunta na ba sya? Para akong teenager pero sa eto talaga ang nararamdaman ko eh.

His One-Sided Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now