WA 13 - Unleash The Codes

89.5K 2.9K 537
                                    

Comments will be highly appreciated ;)

CHAPTER THIRTEEN

UNLEASH THE CODE

Wala akong masabi sa sobrang bilis ng pangyayari sa paligid namin. After Rachel told us that we should go back to Worthwood because it's not safe anymore, I wasn't been able to respond because I'm trying to sink in everything. Nasabi na rin niya na ang matandang pinatay ay isa sa naging guro niya dati. Rachel told us that the woman was Amethrine Ford and she's a witch. She casts spells of protection to anyone who is at danger.

Sinunod namin lahat ng sinabi ni Rachel. Kahit si Uryll, wala na siyang imik matapos kaming makauwi. Umakyat kaagad ako para mag impake. Nang matapos ako, pagbukas ko pa lang ng pinto ay naroon na si Uryll at naghihintay sa akin. Tumango lang siya at kinuha ang mga gamit ko.

I smiled a bit at pinauna siya sa pagbaba. Rachel, her husband and kids are already in the living room. Nakaupo ang mga anak nila habang seryosong nag-uusap naman ang mag-asawa sa gilid ng malaking cabinet.

Nilingon kami ni Rachel nang tumikhim ako. Ngumiti siya ng mapait sa akin at lumapit.

"Naayos niyo na ba ang lahat ng gamit niyo? Wala na ba kayong naiwan?" sunod-sunod niyang tanong. Tumango ako bilang sagot. Pinasadahan niya kami ng tingin saka napabuntong-hininga. "Pasensya na kayo at ganito pa ang nangyari. It's very unfortunate for Amethrine." Iling niya, "Sa pagbalik niyo sa Worthwood, Dilus and Cosdyn will guide you all the way to the gate of the Academy."

Tumango ako, "Maraming salamat sa tulong mo, Rachel." Ngumiti ako at niyakap siya. Sa ilang araw na kasama ko siya, magaan na ang loob ko. She was like my Mama Esme. She's soft spoken and very caring. "I hope to see you again soon."

She smiled and hugged me once again. She only patted Uryll's cheek and pinched his nose—which he shockingly did not mind at all—hinayaan niya lang si Rachel.

"Uryll, remember everything that I said to you." Saka niya kami inihatid sa pinto.

We bid goodbye to everybody.

Dilus and Cosdyn are Centaurs. Nakakailang na nakasampa kami pareho ni Uryll sa mga katawan nila. They seem to do not mind at all. We were silent throughout the whole ride.

I can still remember the way back to the portal. Pero nang nasa may kanto na kami, nag-iba ng daan sina Dilus.

"Hindi ba natin gagamitin ang portal?" Tanong ko.

Kay Cosdyn ako nakasampa kaya siya ang sumagot. He looks intimidating pero hindi naman katulad ni Uryll na magdadalawang-isip kang kausapin talaga. "No. We'll use the vortex near the cliff."

"Rachel said that there is no other way than the Portal near her house." Sagot ni Uryll. He looks puzzled too. "Where are you taking us?"

Lumingon si Dilus sa kanya, "We, Centaurs, have our own passage. Mas mabilis kung sa vortext tayo dadaan dahil aabot ito hanggang sa bukana ng Academy. If we use the portal in Nydumm, it will take hours before we get to the gate because we need to walk all the way until we reach it that far."

"We can't risk walking unguarded too. Your safety is our priority now."

Talking about safety means one's life is at stake, and that is ours.

Hindi na kami umangal pa ni Uryll. Hinayaan na lang namin sila na dalhin kami sa sinasabi nilang vortex. Minutes later, nasa isang cliff na kami. It was muddy and dark. Pinababa kami at kaagad na lumapit si Dilus sa isang kwebang madilim. I can't really see it but when he whispered something, a black hole like appeared in the entrance of the cave.

Worthwood AcademyWhere stories live. Discover now