Chapter 28: Torn Between Two Hearts

382 7 5
                                    

{Nandyan po sa external link sa side ang teaser photo para sa next chapter.}

pakitignan po --------------------------------------------> 

Chapter 28: Torn Between Two Hearts

Steph's POV 

Napatingin na Lang ako sa sarili ko sa salamin habang nakikita ko ang sarili kong luhaan.

Ba't ba kasi nagkaganito? Naguguluhan na ako. Mababaliw na ako. Ayaw ko ng ganito.

Napasabunot ako sa sarili ko. Ayaw ko ng ganito. Ang sakit sakit e. Para akong mababaliw na ewan.

Nakita ko ulit ang sarili ko sa salamin.

"Ano ba Steph, mababaliw na ata ikaw sa sobrang sakit." sabi ko sa sarili ko habang tuloy ang pag-agos ng aking mga luha.

*Flashback

Dahil sa ginawa ni Joshua ay di ako natahimik. Di ko na alam Kung ano ang nangyayari, naguguluhan na ako. Kaya minabuti kong kausapin si Joshua ng masinsinan.

Napagpasyahan naming magkita sa botanical garden ng school namin. Tumakas na ako sa afternoon work ko sa cafe pati na din yung play. May mas importante Lang akong gagawin. At isa pa isang hamak na tree # 4 lang naman din ako e. Sa classroom naman eh marami naman kami kaya walang kaso na yun.

Tinakasan ko na din ang 3 idiots. Nga Lang kalbaryo din yun. Grabe yung tatlo! Parang mga alepores ko na sunod ng sunod mahiya na ata ang anino ko sa kanila. Pero atleast natakasan ko na sila.

"Hi Yumi." masayang bati ni Joshua sa akin.

Napatingin lang ako sa kanya. Di ko alam kong ano ba talaga ang dapat kong sabihin. Nalilito na kasi ako e.

"oi~ Yumi!" tawag sa akin ni Joshua.

"a-a. . . " halos walang salitang lumalabas sa bibig ko.

Ngumiti nalang si Joshua at ginulo ang buhok ko.

"hahaha naguluhan ka ba?"

Napatingin Lang parin ako sa kanya.

"wag kang mag-alala wala ako balak na litohin ka . . ."

Nakahinga ako konti. Mukhang tama nga ang hinala ko, pinagtitripan Lang ako ni Joshua. Mukhang pinairal ko lang agad ng bonggang-bongga 'tong emosyon ko.

"pero seryoso ako sa mga binitawan kong salita kanina." 

Bakas sa mukha ko ang gulat. Di ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kirot sa puso ko.

"Alam kong ikakasal ka na sa kuya ko. At alam kong mali 'tong ginagawa ko pero takte naman 'tong puso ko e! Ayaw niya!" 

Unti-unti nang namumuo ang luha ko at sigurado akong papatak na ang mga ito any minute.

Hinawakan ni Joshua ang magkabila kong balikat at tinitigan ako ng seryoso. "Mahal kita Yumi. Seryoso ako, walang halong biro."

Sabay ng pagbigkas niya sa mga salitang yun ay tuluyan na umapaw ang mga luha ko.

"mahal na mahal kita Yumi. Simula pa nung una kitang nakita, simula nung hinalikan kita di ka na nawala sa isip ko. Walang araw at gabing di ako nagdasal at naghangad na sana maikita kita ulit." pinunasan niya ang luha ko. "Laking tuwa ko nung nakita kita sa may simbahan. Sobra kong pinasalamatan ang Panginoon dahil sinagot niya ang akin dasal."

Love Monster ~ONHOLD~Where stories live. Discover now