Chapter 27: It's not PDA it's PDLC

425 7 8
                                    

Chapter 27:  It's not PDA it's PDLC

Steph's POV

5

4

3

2

1

BOGSH~

Wow! Ang ganda ng mga paputok!

Pero ang cheap Lang kasi 25 na fountain lang yun na pinagsabay-sabay na sinidihan. Sus kung ako Lang ang masusunod Goodbye Philippines, Bin Ladin, Super Lolo o di naman kaya ay Sinturon ni Hudas talaga yung ginamit ko.

Iba din ang trip ng school namin no? Parang new year Lang? Eh ganito kasi talaga dito e pag opening ng school festival.

Eto ako ngayon takbo ng takbo. E Sino bang di mawewerla? Kung dalawang task ang gagawin mo? 

Sa klase kasi namin ay magkakaroon kami ng cosplay cafe at eto ako ngayon tumatakbo papunta sa classroom namin which is at the 3rd floor para magdali-daling magbihis ng costume bago mag-open.

Yung isa  ko namang task ay bilang tree #4 pero thank God at mamaya pa ang play.

"o Steph, ba't di ka pa bihis?" alalang tanong ni Maxine, ang class president namin.

"ah..e..sorry echosera kasi ako tinignan ko pa kasi ang opening." e paano Kung di ko titignan, e nagperform kaya ang Super Senior. Shucks! Fangurl mode ako ng bonggang-bongga kanina :)

"o siya mamaya ka na magpaliwanag magbihis ka na." sabay abot sa akin ng costume. "wag magreklamo diyan a? Yan nalang kasi ang natira e."

"ok na 'to" sabay kuha ko nung bigay niyang damit ng di tinitignan Kung ano. At agad na dumeretcho sa may maliit na sulok ng classroom namin. Na kadalasang gingawang dressing room.

"teka may ta--" di ko na narinig ang sinabi ni Maxine. Dumeretcho na ako agad at nagsimula nang maghubad.

Tinignan ko yung hawak hawak kong costume.

Ba't stockings 'to at may bunny ears? Umm kinulkol ko muna.

O.O eh?  

Ba't bunny outfit 'to?

At di Lang basta-bastang bunny outfit dahil pang Play boy magazine 'to.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang damit.

"Sigurado ba silang pangcosplay talaga 'to?" tanong ko sa sarili ko.

Tinignan ko yun ulit at kina-usap ko.

"hoy! Sigurado ka bang pang-cosplay ka talaga? E parang matatalo ko si Christine Reyes nito sa kaseksihan. Baka mamaya may magscout sa akin para magpose para sa cover ng Playboy magazine." 

oo na. Shunga na Kung shunga. E di ako makapaniwala na susuotin ko yun e. Kaya sa sobrang shock ko ata ay na-apektuhan na ang turnilyo ng utak ko at kinakausap ko na ang mga bagay-bagay.

"Ano pa ba ang hinihintay mo? Suuotin mo ba yan o hanggang hapon kitang titignan na naka-underwear lang?" shemay! Nagulat ako nun a. Naku! Ba't ba nagsasalita ang isang costume?

"hoi! Ewan ko ba kung nababaliw na ako pero naririnig kong nagsasalita ka." turo ko sa costume.

"oo nababaliw ka na."

Napabitaw ako sa costume. Naku! Baka tulad 'to sa Wansapanataym! 

Pero alam niyo pamilyar yung boses. Napatingin ako ulit Kung saan ko natapon yung costume at sa laking gulat ko.

Love Monster ~ONHOLD~Where stories live. Discover now