Karinderya (Untold Stories) Part 1

8.1K 97 38
                                    

"Mang Nato, ang sarap naman nitong kaldereta ninyo. Ano ba secret recipe ninyo at ganito ito kasarap." tanong ng isang parokyano ng Mang Nato's Eatery na nakatayo sa bayan ng Atimonan, Quezon.

Napangiti lang ang may edad ng lalaki na tinawag na Mang Nato. Ito ang may-ari ng Mang Nato's Eatery. Sunod sa pangalan nito.

"Tamang sangkap lang at siyempre sariwa dapat ang karne." sagot ni Mang Nato.

"Kaya pala napakamalinamnam ng karne nitong menudo. Sarsa pa lang ulam na. Ipagbalot mo nga ako nito at maiuwi kay misis. Naglilihi pa naman iyon kaya tiyak magugustuhan nito ito." mahabang sabi ng isa pang parokyano.

Ang Mang Nato's Eatery ay maraming parokyano. Itinayo ito limang taon na ang nakararaan at talaga naman binabalikbalikan ang mga pagkain dito. Masarap, malinamnam, suwak ang kalimitang sinasabi kapag natitikman ang mga luto dito. Kaya hindi nakapagtataka na dinarayo ito.

"Mercy" tawag ni Mang Nato sa kahera nito. "Ikaw na muna ang bahala dito. Uuwi muna ako sa bahay at kukuha na rin ng mga karne.

"Okay, boss!" sagot ni Mercy.

Si Mercy ay dalawang taon ng kahera sa Mang Nato's Eatery pero kahit kailan ay hindi pa siya nagagawi o inuutusan man lang na magpunta sa bahay ni Mang Nato. Ayon dito ay nasa gitna ng kakayuhan ang kintitirikan ng bahay nito kaya mahirap puntahan at baka daw maligaw lang daw sila. Nyie! Puwede naman siguro silang samahan nito di ba. Ganoon pa man ay hindi na niya ipinagpilitan na makapunta sa bahay nito. Ang ikinapagtataka lang niya ay kung bakit nasa kagubatan ang bahay nito, nabanggit naman nito na para daw hindi makabulahaw ang ingay ng mga hayop na kinakatay doon. Isa rin sa ipinagtataka niya ay pagdating ng karne dito sa Eatery ay hiwa-hiwa na ito at napakuluan na yung iba. Naisip niya na maaari naman na dito na lang hiwa-hiwain ang mga karne dahil maluwag at malaki ang kusina dito.

Kahit isa sa kanila ay wala pang nakakapunta doon kahit ang cook na si Mang Ricky na tatlong taon ng cook ng eatery. Ganoon pa man ay hindi na lamang pinagiisip ni Mercy ang tungkol doon dahil galante si Mang Nato sa mga tauhan nito. Gabi na pero marami pa rin ang kumakain sa Mang Nato's Eatery. Inabala na lamang ni Mercy ang sarili sa pagbibilang ng kinita. Jampak na naman si bossing! Saloob-loob ni Mercy.

>>>

Sa kabilang banda. Inihinto ni Mang Nato ang owner type jeep nito malapit sa isang may kalakihag bahay. Ito ang kanyang bahay na may mataas na gate. Pawang nakakandado ang mga pintuan at walang sinuman ang maaaring makapasok. Alas siyete na niyon ng gabi. Tahimik ang paligid at tanging yabag ng sapatos ni Mang Nato ang maririnig. Umikot si Mang Ato sa likurang bahagi ng bahay. Binuksan ang pinto, pagkapasok ay agad na hinagilap ang switch ng ilaw. Lumiwanag ang buong paligid. Hinagilap agad ni Mang Nato ang kutsilyong may kalakihan at hinasa ito.

"M-maawa na po kayo sa akin. P-parang a-awa na p-po n-ninyo." pakiusap ng isang tinig sa may sulok na sa wari ay hirap na hirap sa pagsasalita. Inisang hakbang ni Mang Nato ang pinanggalingan ng tinig at inuumang dito ang bagong hasang kutsilyo.

"H-huwag po!!" sigaw nito at mahabang katahimikan ang sumunod na namayani. Pero maya-maya lamang ay tanging tunog ng pinagtatagang laman at buto ang sumunod na maririnig sa katahimikan ng gabi.

>>>>>>>>>>>

A/N: Part two is out . Please copy paste >  http://www.wattpad.com/31429676-karinderya-untold-stories-part-two

My Horror Stories : One Shot (Unedited)Where stories live. Discover now