Simula

11 4 0
                                    

Masasabi ko talagang Parang Ampalaya yung buhay ko eh, *hays* alam nyo ba kung bakit? kasi syempre yang gulay na yan parang buhay ko, mapait na napaka hirap lasapin.. pero kahit naman ganoon ay atleast merong masustansya sa buhay ko.. at ako 'yon.

Ako lang yung masarap no! kahit naman ganoon ay atleast i have my self, I don't need anyone to be here right by my side, i have me who can understand all of my problems, kaya ko ang sarili ko. pwe!

Bata palang ako namatay na si papa at mama kaya naman naiwan ako sa puder ni Tita at Tito, kahit palagi silang galit saakin iniintindi ko nalang kasi sila nalang yung nandyan eh, ano pa nga ba ang magagawa ko? kahit naman palagi nila akong sinasaktan sa bawat salita nila eh hindi parin mawawala na kadugo ko sila, kapatid ni Tita si Mama kaya kadugo ko parin sila. nananalaytay parin yung dugo ko sa dugo nya kaya ewan ko kung bakit palagi nyang sinasabi na kumukulo raw dugo nya kapag nakikita nya ako.

20 years old na ako pero NBSB parin wala naman akong pakielam sa pag boboyfriend eh, ang mahala ay ang pag kain ko sa araw araw. kung paano ba ako mabubuhay kapag nawala na sina tito at tita sa fucking life ko.

"Hoy Babae! Ano tutunganga ka nalang dyan buong araw? Oh! Ayan Ihatid mo kina Manong Reynald.." Ang lakas ng bunganga ni Tita! Akala mo naman hindi ko rinig eh! kulang nalang mag mic sya para marinig ng buong baryo.

Nagtitinda si Tita ng mga ulam at ako ang palagi nyang pinag dedeliver kasi nag iinom ang fucking husband nya sa kabilang kanto, lagot na naman iyon dahil puro inom ang inaatupag, for sure nakakabasag na naman si Tita ng mga Plato mamaya. I'm so excited!

"Manong Reynald! Nandito na ho yung ulam nyo!" sigaw ko, nakatayo ako ngayon sa labas ng kanilang bahay dahil ayokong pumasok kasi ang creepy takot pa naman ako sa mga ghost. "Manooongggg, ano na?" naiinis na napa padyak ako sabay kamot sa ulo.

Dahil hindi parin sya lumalabas ay ako na ang pumasok sa loob, wala namang tao kaya pinatong ko nalang yung dinuguan sa lamesa nila. akmang palabas na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod.

"Pasensya na, naligo kasi ako eh." Hindi naman si Manong Reynald ang nagsalita kaya lumingon ako. Oh shit-- ulam na ulam 'to ah?

"Ah okay... sino ka ba? nasaan si Manong Reynald?" Tanong ko habang umiiwas ng tingin sa kanyang abs na mabasa basa pa, ngayon ko lang sya nakita at malamang galing 'to sa ibang mundo i mean sa ibang lugar.

Hindi sya nakasagot pa dahil sa boses ni Tita Maricel na ngayon ay umaalingaw ngaw sa buong bayan. hays ano na naman bang problema nitong babaeng haliparot na 'to?

Pumasok si Tita Maricel sa loob ng bahay ni Manong Reynald, napatingin sya agad sa lalaking walang saplot ngayon.. mas lalo naman syang nabwesit dahil nakita nya akong nasa harapan nung lalaki. "Ikaw talagang bata ka!" sigaw nya tsaka lumapit saakin at piningot at hinigit yung buhok ko. "Ah Tita-- Nasasaktan ako--" Reklamo ko.

Nakakahiya dahil may mga tao sa labas na nanonood maging si Manong Reynald andoon na nakasilip sa mismong pamamahay nya. nagtama ang tingin namin nung lalaki, walang reaksyon ang mukha nya, napansin kong nakadamit na sya agad pero basa parin yung buhok.

"Ang landi landi mo talagang bata ka! at talagang dito pa sa bagong dayo sa bayan natin!" sigaw ni Tita Maricel.. kumunot naman ang noo ko, huh? hindi naman ako lumalandi ah! sya nga ang makapal dahil sya yung utos ng utos tapos kapag nahuli nya akong may kausap na lalaki sasabihan nya kaagad ng Malandi, impakta. yak tita!

"Tama na nga iyan Maricel, hindi ba't ikaw ang nag uutos rito sa pamangkin mong mag hatid ng mga ulam na inoorder ko sayo? bakit naman pati si Zillian nadamay?" Awat ni Manong Reynald tsaka ako inilayo sa kamay ni Tita Maricel.

The WishWhere stories live. Discover now