Part 9

80 4 0
                                    

DANA

UMIGKAS ang kilay ko dahil ang sabi ni Kingston ay kakausapin niya ako pero nang pumunta kami sa isang lugar sa campus na walang tao, tumitig lang siya sa akin habang nakakunot ang noo.

Hindi ko dapat siya pinansin nang tanungin ako kanina kung puwede akong makausap pero naisip kong kailangan kong sabihin sa mayabang na lalaking ito na wala akong gusto sa kanya.

"So, ano? Did you bring me here just to stare at me?"

Halatang nasorpresa siya sa unfriendly tone ko.

"What happened to you?" he asked. "The last time we talked, you acted nicely and even apologized to me. And now, you seem mad at me. What is your problem?"

At ako pa talaga ang may problema. "What is my problem? You." I pointed my finger at him. "You and your oversized ego!"

Halatang nabigla si Kingston. "What?"

Mukhang kapag hindi ko sinabi ang tungkol sa mga narinig ko, he would continue to act as if he did not say mean things about me.

"I was there at the final game. I even brought you drinks. I was serious when I said gusto kong bumawi sa inyo. Pero noong pumunta ako sa locker room na ino-occupy n'yo para ibigay 'yon, I heard you and your team talking ill about me."

He paused as if he was trying to recall his team's conversation that day. Suddenly, he seemed to understand why I was mad at him. But I saw no trace of guilt in his eyes.

"You might find me plain-looking, loud, annoying, and childish. That's fine. I don't care what you think about me. But I do care about one thing. Stop thinking that I have a crush on you. And I am absolutely not obsessed with you. Hindi ako katulad ni Quinn o halos lahat ng mga babae rito sa campus na nagkakapandarapa sa 'yo. Not everyone gets attracted..."

Nahinto ako sa pagsasalita dahil nasilip ko ang amusement sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. As if hindi niya sineseryoso ang mga sinasabi ko. As if hindi siya naniniwalang wala talaga akong gusto sa kanya.

Right. Narinig ko rin ang tungkol sa babaeng nagpanggap na walang gusto kay Kingston pero obsessed pala. Iniisip ba niyang ganoon din ako? Na nagde-deny lang ako ng feelings para pagtuunan niya ako ng atensiyon?

I felt the gritting of my teeth. I could not let him think that way. I needed to prove to him that I did not like him.

Ginawa ko na lang ang unang pumasok sa isip ko. I slapped him. Siyempre, nagulat siya sa ginawa ko. Nanlalaki ang mga mata niya nang sapuin ang pisnging dinapuan ng palad ko. Parang ngayon lang siya nakaranas na masampal ng babae.

"What did you do that for?"

"To prove to you that I don't like you," walang ka-guilt-guilt na sagot ko.

"What?" manghang reaction niya.

"I don't like you! And I will never like someone like you. From now on, let's treat each other like strangers. Bumalik tayo sa dati. Noong hindi mo pa alam ang existence ko. Noong hindi pa tayo nag-uusap o nagtitinginan kahit magkasalubong. Understand?"

Binigyan ko si Kingston ng malupit na irap at tinalikuran ko na siya.

Natanaw ko si Caleb na nakatayo sa haligi ng roofed walkway at nakasilip sa amin. Mukhang nakita nito ang ginawa kong pagsampal sa kaibigan dahil halata ang shock sa mukha nito. Siguro naman, hindi na iisipin ni Caleb na obsessed ako sa friend nito.

Save Your Heart For Me *TO BE PUBLISHED BY LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon