Hidden treasure

2.1K 17 1
                                    

*The Writer:

Hola! :) di ko matiis di magupdate agad,wala kase magawa dito sa bahay. Anyway,I'm trying my best naman para matakot kayo at mapaganda yun kwento kaya dinadagdagan ko nalang. Kung may nakokornihan,pasensya hanap nalang po kayo ng ibang story. Hehe :p

Etong next story ko eh kathang isip ko lang. Sensya,wala magawa eh.

------------------------------

Roberto: alis na ako. ikaw na bahala sa mga anak natin.

Aurea: sige ingat ka.

Magasawa sila na nakatira sa tabeng ilog. Isang taxi driver si roberto at may bahay nya si Aurea,may 3 anak sila.

Mangilan-ngilan palang ang mga nakatira sa naturang lugar na iyon .... malinis ang ilog. Katunayan nyan ay may mga naglalaba at naliligo dito.

Katanghaliang tapat nuon at parang antok na antok si Aurea,tinignan nya mga anak nyang natutulog. Tuwing tanghali kase pinapatulog nya mga to,kaugalian na nakasanayan na nya para daw 'mabilis ang paglake'

Nagpasyang maidlip si Aurea.

Napadilat si Aurea ng may naulinigan na sutsot.

Psssstt! psssttt!

Bumangon sya para hanapin kung sino iyon. Nakahiga kase sya sa papag na kawayan sa labas ng bahay na nakatapat sa ilog...

lumingon lingon sya ...

kaliwa.,

kanan...

wala talaga!pero nagtaka sya kase gabe na pala,napatingin sya sa loob ng bahay. nakita nyang tulog pa mga ito.

naisip nya na baka napagod lang maglaro,at napagpasyahan nyang gisingin nalang kapag kakain na.

Papasok na sana sya ng...

Ppssssttt!

Awtomatikong napalingon sya.

Nang mapansin nya sa may ilog,bandang kawayanan parang may pigura ng tao.

Nagtaka sya pero di nalang nya napansin. Naisip nya na baka may naliligo lang.

Pagkatapos nilang kumaen magiina.,nagligpit na sya...

.....nagising sya ng madaling araw ,pagtingin nya sa orasan 3:30am na.

Bumangon na sya at naginit ng tubig. Dahil mamaya maya dadating na ang kanyang asawa.

4am dumating na si Roberto , lasing na lasing ito.

Aurea: san ka nanaman naginum?

Roberto: dun sa tindahan. alam mo naman sila kumpare mo.

Sa sobrang kalasingan umupo nalang ang asawa nya sa upuang kawayan sa labas ng bahay.

Habang nagtitimpla si Aurea ng kape sa loob ng bahay...

pssssttt

pssstt

ayan na naman,sa isip ni Aurea. natatakot na sya pero di nya pinapahalat. nagkunwareng wala sya naririnig.

lumabas na sya at ibinigay ang kape sa asawa ng...

pssssttt

napatigil sya,at mas lalong kinabahan sya ng makita reaksyon ng asawa nya habang nakatingin sa ilog..

dahan-dahan nya nilingon ang dereksyon na tinitignan ng asawa nya

pagkakita nya..

biglang nanigas katawan nya .

Isang lalake,nakapangsundalo na damet ...

may bitbit na sako sa likod ...

ang ikinatakot nilang magasawa dahil parang transparent lang ito -!

roberto: waaaaah!

sabay karipas ng takbo sa loob ng bahay.

si aurea.naiwang tulala dahil nakita nya yung tao na kinakawayan na parang sinasabe na pumunta sya dun.

Nang makabawe sa gulat,tumakbo na din sya papasok ng bahay.

>>>>[wakas]

*The Writer:

Ayun,sensya di ako magaling manakot! yan lang kinaya ng powers ko eh. Hahah! Alam nyo ba,sabe ng lola ko dati (sumalangit nawa) ang mga ganung tipo ng multo daw ay may dalang kayamanan,kaylangan lang ng tapang ng loob at kausapin kung ano kaylangan. Pero kadalasan daw kase,may mga kapalit din yun.

Ayun,di ko lam next update ko. depende sa mood swing ko. Hahah! Salamuch :*

Mga Kwento ni Ms.LWhere stories live. Discover now