Mahiwagang Kalmot

2.7K 31 11
                                    

*The Writer:

Sensya,wala kase magawa kaya kahit di pa dapat magupdate eh eto ako. Hahah! Anyway,etong next story ko eh totoong nangyare samen, dinagdagan ko para may thrill. Heheh! Enjoy reading ^_^

------------------------------

Ordinaryong araw lang yun para sa mga magpipinsan. Bakasyon iyon kaya napagpasyahan nilang magpicnic nung araw na iyon sa tabe ng ilog.

Di naman kalayuan sakanila yun kaya nilakad lang nila...

Masaya ang magpipinsan habang nagkkwentuhan,ang iba naman ay nagtatampisaw sa ilog. 6 sila at isa lang lalake sakanila.

Maya-maya tinawag na sila ni Kim,ang pinakamatanda sa magpipinsan.

Kim: ui,tara kainan tayo! nakahanda na mga pagkaen natin.

Lahat naman sila ay nagsipagpuntahan na., sa gitna ng kainan bigla nagsalita si Martin.

Martin: ate,kwento ka naman!

Kim: ano naman ikkwento ko sainyo aber?

Riz: nakakatakot!

Lahat: oo,yun na lang ate. bilis!

Ely: ate,kwento mo yung sa white lady!

Ianne: sus,makapagsuggest kala mo di takot.

nagtawanan ang lahat,sakanila kasing anim si Ely talaga pinakamatatakutin. Pero lage nangungunang magsuggest.

Kim: yun na naman? hahah. paborito mo ha.

Pero nagsimula na din sya magkwento. Sakanila kase,si Kim ang may experience na kakaiba bukod kay Ianne. Magkasundo sila pag tungkol sa horror.

Maya-maya,tumigil si Kim at napatingin kay Ianne. Agad namang naintindihan ni Ianne.

Ianne: tara,hapon na pala! uwe na tayo.

Lysa: nu ba yan,nagkkwento pa si ate!

Lahat: oo nga. maya nalang.

Ianne: sa bahay na ituloy yan!

Pagkadating sa bahay,biglaang nagpuntahan ang magpipinsan kina Kim.

Ely: te,kwento ka na ulit!

Kim: oh sige na nga.

At nagsiupuan na sila sa harap ni Kim. Si kim naman ay nasa bandang bintana. Habang nagkkwentuhan sila ...

Wooossh! Woossh!

biglang humangin ng malakas,napatigil naman sa pagkwento si Kim. Mejo kinabahan naman ang mga pinsan nya kaya nagsalita na ulit sya.

Wooooossshhh...

at humangin ulit. Nagkatinginan naman si Kim at Ianne. Naguusap ang mga mata.

Ely: ate!

yumakap si ely sa katabe nyang si Ianne. Natatakot na sila. Wala naman kaseng napapabalita na may bagyong dadating.

Maya-maya pumasok tita nila ,nagtatakang tinignan nya ang magpipinsan dahil bakas sa mga mukha nila ang pagkatakot.

Mich: ano nangyare sainyo?

Kim: ah,eh tita. nagkkwentuhan lang ng nakakatakot.

Mich: hilig nyo magtakutan eh mga duwag naman kayo! Sarado mo na nga yang bintana sa likod mo.

Sabay turo sa likuran ko. Lahat naman sila napatingin sa bintana. Nang mapansin ng tita mich nila na walang nagalaw eh lumapit na sya para sya na magsasara ng biglang ...

WWWOOOOOOSSHHH!!

biglang umihip naman ang hangin ng malakas. natatakot na ang magpipinsan ...

Mich: sus,mga batang to! hangin lang yan.

nang aktong isasara na ni Tita Mich nila ang bintana biglang.,

Mich: aray!

at kasabay nun ay ang pagihip ulit ng hangin. para namang tinangay ang magpipinsan sa sulok dahil sa nangyare..lahat takot na takot na.

naglakas ng loob si Kim para ituloy ang pagsara ng bintana. paglingon nila kay Tita mich,.

Mich: ang saket,pucha. parang may kumalmot sa braso ko.

Nagkatinginan silang lahat. dahil wala naman silang nakitang pusa,tanging hangin lang naramdaman nila. Sa takot nila,nagsiuwian nalang sila.

Si Ianne naman,sa di malamang dahilan nagbaon ng kutsilyo at nilagay sa ilalim ng unan.

Dahil alam nya,babalikan sila ng di alam na nilalang .Malakas kase pakiramdam nya at ni Kim sa ganitong mga bagay.

>>>>[wakas]<<<<

*The Writer:

sensya! bitin. pero yan lang kase talaga ang nangyare. Pero kung kayo siguro ang nasa sitwasyon namen nun,talagang matatakot kayo. Kase,may naramdaman kame ni 'ianne' kakaiba that time. Parang may ibang nilalang sa labas ng bahay,nakikinig,ganun. Ayun..yun lugar kase namen ang kwento ng lola namen,dati daw liblib at taguan daw ng mga sundalong hapon. Kaya yun. Heheh. Gang ngayon di namen alam kung ano o sino yung kumalmot sa braso ng tita namen :|

Til next update :) kayo na bahala kung gusto nyo magfan,vote o comment. Gusto ko lang kase talaga magshare :) Salamat sa makakaappreciate!

<3 L

Mga Kwento ni Ms.LWhere stories live. Discover now