Get It Right

107K 2.5K 63
                                    

16

'What can you do when your good is not good enough?

When all that you touch tumbles down?

My best intention keeps making a mess of things

I just want to fix these somehow'

"Sit down Leria." Mahinhing sabi ni Lana. I timidly smiled bago umupo sa sofa. Agad niyang kinuha ang notebook niya at inayos ang kanyang salamin.

"Thank you. Siningit mo pa ako sa schedule mo." Nahihiya kong sabi. Ngumiti siya sa akin bago nagkibit balikat.

"Of course gagawin ko iyon Leria. We're friends, remember?" aniya. Pakiramdam ko ay may kung anong init na humaplos sa akin noong sinabi niya na magkaibigan kami. Tumuwid ako sa pagkakaupo at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Now, tell me. Anong problema?" tanong niya. Mariin kong nakagat ang labi ko bago yumuko. Pinaglaruan ko ang laylayan ng blazer ko bago huminga ng malalim.

"May..mga panaginip ako which is quite disturbing for me.." anas ko. Tumango siya at mabilis iyong sinulat sa notebook na hawak.

"And?"

"That's it." Mabilis kong sagot. Tinitigan niya ako mula sa ilalim ng kanyang salamin. Ibinaba niya ang notebook niya at sa mahinahong boses ay muling nagsalita.

"Leria tell me, your dreams, are they really dreams or did it really happened to you back then?" walang paligoy ligoy niyang sabi. Napalunok ako at umiling.

"So, they were your memories?"

"Memories that I want to forget. Kaya nandito ako Lana, I want you to help me forget those things. Nagawa ko na iyon noon, hindi ko lang alam kung bakit bumabalik na naman ngayon." Pagkekwento ko. Tumango si Lana at muling kinuha ang kanyang notebook.

"Bakit gusto mong kalimutan?" patuloy niyang paghuhukay. I shifted on my seat. Hindi ako komportable na pagusapan ang ganito but Lana is a psychologist. Alam kong maututlungan niya ako sa aspetong ito.

Noong sinubukan kong buksan ang bibig ko para magsalita ay wala akong nasabi. Maging ako ay hindi alam ang rason kung bakit ayaw ko ng balikan ang mga alaala. Basta ang alam ko lang ay gusto ko na iyong ilibing at wag na muling balikan.

"I..I don't know." Imbes ay sagot ko. Napapikit ako. I feel like a complete stupid. Tumingin ako sa kape na nakahain sa akin at sa repleksyon ko na naroon.

"Because I don't want to look weak Lana. Those memories, they were the evidence of my weakness. Malakas na ako ngayon. I can tolerate pain now. But because of those memories, humihina ulit ako." Sabi ko. Nagsulat ulit siya sa notebook at tiningnan ako.

"Kaya gusto mong lumimot?" pagkakalaro niya. Mabilis akong tumango.

"What are those dreams about Leria?" sunod niyang tanong. Inasahan ko na ang ganitong tanong, pero hindi ko pa rin mapigilan ang paglamig ng dugo ko kapag naririnig ko iyon. Matagal akong hindi nagsalita, si Lana naman ay matyagang naghihintay sa sasabihin ko.

"Leria, kung hindi mo sasabihin ang lahat sa akin, hindi kita matutulungan." Aniya.

Nagkibit balikat ako sa sinabi niya. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko bago umiling kay Lana. Huminga siya ng malalim saka tumayo. Kumuha siya ng isang libro at bumalik sa tabi ko.

"I don't think you want to forget." Mabilis niyang sabi habang may binabasa. Agad akong umiling sa narinig. Natawa na lamang sa assumption niyang iyon. Ngumiti lamang si Lana at inilapit sa akin ang libro.

"Dreams are the manifestation of our repressed desires and wishes Leria. Dreams come when we are unguarded, specifically kapag tulog na tayo at hindi na natin alam ang nangyayari sa totoong mundo. When we are conscious, we deprive our selves of the things that we desire the most—sa kaso mo, iyong mga laman ng panaginip mo. Bumabalik sila sayo because the desire comes back. At mas dadalas ang mga ganitong pangyayari kapag mas lalo mong pinipigilan ang sarili mo sa totoong gusto mong mangyari. You want to remember, but you're just holding yourself back." Mahaba niyang sabi. Napanganga na lamang ako at namangha. Hindi sa talino niya kung hindi dahil sa sinabi niya.

Taming The Cold Boy (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now