Chasing Mr. Vreauxe

1 1 0
                                    

//𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏

Yancè's POV;

Makalipas ang isang araw, ay nakauwi na rin ako galing hospital. Grabe talaga yung takot ko nung atakihin na naman ako kala ko mawawala na ako ih.

Nag bihis na ako ng uniform, hindi na tulad ng dati na pang manang. Tulad na ito ng uniform na sinusuot nila Yen, 1 ½ inch above the knee. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko gamit ang hair blower bago ito plinantsa.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na akong mag ayos ng sarili. Marahan akong lumapit sa salamin at saka tiningnan ang aking repleksyon.

"Ang ganda ko" mahangin kong turan. Pero totoo naman siguro eh, sabi nga ng ibang tao maganda daw talaga since i was a child.

Pagkatapos pag sawaan ang pag tingin sa sarili ko sa salamin, ay bumaba na ako diretso sa garahe. Nung nadaanan ko sila mommy at daddy, ay mismong sila nagulat din sa ayos ko. Siguro nasanay na sila sa manang na Yancè HAHAHAH.

Nag drive ako mag isa papuntang eskwelahan, inabot din yun ng about 13-15 minutes dahil medyo malapit lang naman ang school sa bahay namin.

Pagkababa na pagkababa ko palang ng kotse ay rinig ko na ang mga sigawan at bulungan (kung matatawag pa yung bulong dahil rinig na rinig ko na-,-) ng mga kapwa ko estudyante.

'𝑡𝑟𝑎𝑛𝑠𝑓𝑒𝑟𝑒𝑒 𝑏𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎?'

'𝐴𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑝𝑟𝑒'

'𝑀𝑖𝑠𝑠 𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑚𝑜?'

'𝑀𝑖𝑠𝑠 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑘𝑎 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔!'

Samu't saring bulungan ng mga estudyante, hindi ko na sila inintidi at nag lakad nalang papasok ng school. Naaninag ko agad ang mga pigura ng mga kaibigan ko, nakaupo lang sila sa bench habang hawak ang kanilang mga cellphone.

Nakangiti akong lumapit sakanilang direksyon at tumabi kay Zabbie, natawa nalang ako ng bahagya sa gulat na ekspresyon nito na tila ba ibang tao ang kanyang kaharap ngayon.

"Ganda ko noh? Hahaha" napakurap ito ng ilang beses bago nilingon sila Mattee, Bright, at Yen na gulat rin sa nakikita nila.

Ganun na ba ako kaganda?

"Kyahhhhh! Sabi na maganda ka talaga ihh!" Biglang sigaw ni Mattee kaya napatingin samin ang ibang mga estudyante.

Ang ingay talaga ng gaga kahit kailan.

"Pwede ba Matilda, hinaan mo boses mo wala ka sa palengke." Iritadong turan ni Yen bago tumutok mula sa cellphone niya.

Nagkukuwentuhan lang sila ng nagkukuwentuhan nang makita ko sila kuya Vincent na kasama si Braye kaya nag ningning na naman ang aking mga mata.

Wahhhhh, Braye my loves!

Agad akong tumayo at patakbong lumapit sakanila, pag kadating na pag kadating ko ay kumapit agad ako sa braso ni kuya na ikinakunot ng noo nila.

"Ahh miss, excuse lang ah? Pero bawal kaseng hawakan ang kaibigan namin eh." Tinanggal ni Thristan ang kamay ko na nakakapit sa braso ni kuya kaya nakanguso kong binalingan ang aking kapatid.

"Kuya, bawal ka na ngayon lapitan?" Bakas ang gulat sa mga mata ng mga kaibigan ni kuya Vincent ngunit nag kibit-balikat na lamang ako bago nilingon si Braye.

"Hi, Braye!" May malaking ngiti kong bati sakanya. Umiling nalang ito bago ako tiningnan at saka inirapan at kalauna'y umalis.

"Woyy, Baby Braye saan ka pupunta?!" Sigaw ko pero ni hindi man lang ako nito nilingon kaya napasimangot ako.

Saan ba lagi pumupunta yun?

"Ehem, lil sis. Masyado ka na atang in love sa lalaking yun." Makahulugang ani kuya kaya napalingon ako dito.

"Na love at first sight ako kuya eh, ganun talaga." Malokong saad ko na ikinatawa nila kuya at ng mga kaibigan niya.

Biglang sumulpot ang mga kaibigan ko sa kung saan kaya nag paalam na ako kila kuya na papasok na sa first class namin. Gaya namin, nag paalam na rin sila na papasok na rin sila kaya kinawayan nalang namin sila bago nag tungo sa aming silid-aralan.

Habang naglalakad ay naisip ko na naman si Braye kaya napahinto ako.

Asan na kaya yung lokong yun?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing Mr. VreauxeWhere stories live. Discover now