Chasing Mr. Vreauxe

1 1 0
                                    

Yancè's POV;

Nang makarating sa café ay agad kong nabungaran sila kuya na nagtatawanan kasama si........kyahhhhh! Kasama na nila si Braye!

Patakbo akong tumungo sakanila at tatawagin na sana si kuya ng biglang may bumunggo sakin kaya naman ang kanina'y puting puti kong uniporme ay ngayo'y basa na at kulay pula dahil sa tea na natapon dito.

"Oh gosh! I'm sorry miss, but I'm not sorry." Nakangising sambit ng babae kabang nakahalukipkip. Mariin akong napapikit bago nakangiting tiningnan siya.

"Alam mo Miss, sa nilawak lawak ng daanan. Bakit ako ang tinapunan mo?" Nabura ang ngisi na kanina'y namumutawi sa kaniyang mukha. Tumayo ito ng maayos at saka lumapit sakin.

Hinaplos nito ang pisngi ko kaya nama'y umapaw ang inis na kanina ko pa pinipigilan. Bigla ako nitong sinampal na ikinagulat ko ng bahagya.

Wtf?!

"Bagay lang yan sa isang malanding kagaya mo!" Sigaw niya kaya lumapit na sa amin ang ibang mga estudyante na nasa cafeteria at ang iba pa ay kinukuhanan kami ng litrato.

Malapit na akong umiyak dahil sa mga nangyayari. Malandi? Kailan ba ako naging malandi? Nilingon ko si kuya na nakatiim bagang at nakakuyom ang kamay. Lumapit ito agad sa akin at hinila ako papunta sa likod niya.

"How dare you to slap her?!" Galit na sigaw ni kuya kaya naman hinawakan ko ang braso nito para pigilan sa tuluyang pag sabog niya sa galit.

Kilala ko si kuya, pag ako na ang nasasaktan ng kung sino, ay walang pag-aalinlangan itong hinaharap ang nanakit sakin mapalalaki man o babae.

"Tama na....." Bulong ko pero parang hindi niya narinig dahil lalo lang humihigpit ang pagkakakuyom ng palad niya.

"Why are you angry? It should just be him! She's flirty, the first one she flirted with was Danzel and now it's you. Tell me, woman, to whom did you inherit your flirtation? To your mother?"

Sasapakin sana ni kuya ito ng agad ko itong niyakap para hindi na makapanakit ng babae.

"Put*ngina mo! Hindi kami pinalaki ng magulang namin para lang sabihan ng malandi! Isa pa, saan nagmana ng kalandian? Sa nanay? At paano mo napatunayan na malandi ang nanay at kapatid ko, huh? PAANO?!"

Nanggagalaiti na si kuya sa galit pero ako eto lang, umiiyak dahil walang magawa. Hindi ako ganoon katapang tulad ni kuya, lagi nalang akong umaasa sakanya, pero hanggang kailan?

"K—Kapatid mo siya? P—Pero paano?" Utal nang turan ng babae. Rinig ko ang pag ismid ni kuya.

"At bakit kailangan ko pang sabihin say———Yancè? Lil sis anong nangyayari sayo?"

Hindi ako makahinga, ni hindi ko kayang sagutin ang tanong ni kuya.

"YANCÈ!" Rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko at pilit na humihinga ng maayos. Sh*t! I forgot to not cry. Whenever I am crying, inaatake ako ng sakit ko sa puso. Tang*na talaga!

"Sh*t, bro help me!" Ramdam ko ang pag buhat sakin ng kung sino pero hindi ko na inintidi pa kung sino iyon.

Kaya ko pa, hindi ako mamamatay dito. Hindi pa ako pwedeng mamatay, nangako ako sa mga magulang ko na sasamahan ko pa sila ng matagal.

Hindi pwede.....wag muna, self. Wag ka munang sus.......uk......o..........

Chasing Mr. VreauxeWhere stories live. Discover now