Chapter 47

1.3K 44 1
                                    

Elaine's Pov.

"really? Then saan kayo nagkikita gusto ko sumama please....im sure kuya drake will be broken dahil hindi na siya ang gusto ng ma—"


"girls!" sabay kami napalingon kay drake na nakangiti samin kaya nahihiyang ngumiti nalang din ako bago siya lumapit samin na nakaligo at nakabihis na ng damit.



Hindi namin napansin na tapos na pala ang practice at unti unti na rin umalis ang mga nanonood.


"Ano ba ang pinag uusapan niyo? Tuwing titingin ako sa dereksyon niyo ay hindi kayo nanonood." parang nagtatampo niyang tanong samin dahilan para mapatawa ng mahina si diane.



"sorry kuya, na excite kasi ako bigla ng sabihin ni elaine na may taong mahal na siya alam mo na? First love ng bestfriend ko yun." namula naman ang pisngi ko sa sinabi ni diane at the same nagtaka kong bakit parang biglang nawala sa mood si drake.


Magsasalita pa sana ako ng bigla ako makaramdam ng hilo kaya bigla ako napahawak sa braso ni diane.

"hey, anong nangyayari sayo?" nag aalalang tanong ni diane at tinignan ako


"namumutla ka elaine, kailangan natin siyang dalhin sa clinic." sabi ni drake at lumapit sakin at dahan dahan akong binuhat pinikit ko naman ang mata ko dahil sa subrang hilo hanggang hanggang sa tuluyan akong lamunin ng dilim.

Diane's Pov.

Nang bumukas ang pinto ng clinic kong nasaan si elaine at lumabas doon ang doctor na tumingin sakanya ay agad na tumayo kami ni kuya at nilapitan siya.


"kamusta po ang bestfriend ko?" nag aalalang tanong ko

Hindi sakitin si Elaine kaya subrang nag aalala ako kung bakit siya bigla namutla kanina at nawalan ng malay habang buhat ni kuya.


"your friend is just fine, nahilo lang siya dala ng pagbubuntis niya." sabi niya bago nagpaalam na umalis at iniwan akong tulala

"f-ck shes pregnant?" bigla ako napalingon kay kuya na bigla tumulo ang luha niya


Paanong.....buntis siya?

"kuya." inis na ginulo naman niya ang buhok niya bago lumingon sakin.



"kilala mo ba?.....kung sino ang mahal ni elaine? Sigurado siya ang ama."  nabuntong hininga naman ako


"hindi niya binabanggit ang pangalan." sabi ko kaya napatango naman siya bago umalis kaya naglakad nalang ako papasok sa clinic kong nasaan si elaine na hanggang ngayon ay tulog parin.



Masaya ako para sa bestfriend ko dahil magiging Mommy na siya at the same time nalulungkot para  kapatid ko dahil alam ko nasasaktan siya ngayon dahil........Mahal niya ang bestfriend ko si Elaine.



©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon