Chapter 33

1.3K 42 0
                                    

Elaine's Pov.

Nang matapos ang klase namin ay agad na ako tumayo at lalabas ng sana ng room namin ng biglang may pumigil sakin kaya napalingon ako at nakita ko si Diane na nakataas ang kilay sakin.



"bakit?" nagtataka kong tanong sakanya kaya binitawan niya ang kamay ko at nag cross arm



"i can't beleive this! Nakalimutan mo ba na sasamahan natin si kuya pumunta ng mall?" napakagat naman ako bigla sa pang ibabang labi ko dahil nakalimutan ko nga talaga. Buong klase kasi lumilipad ang isip ko kay Jasper e hindi ko alam kong bakit.




"he-hehe sorry." umirap lang siya bago ako hinila palabas ng room namin at pumunta sa building ng class ni Drake. Nang makadating kami sa room ni Drake ay hindi pa nila dismissal kaya naghintay pa kami sakanya ng ilang minuto bago sila lumabas at nakita ko pa na nagula siya na makita ako.



"nag change of mind si Elaine kuya kaya wag ka ng magulat." natatawang sabi ni Diane dahilan para samaan siya ng tingin ni Drake bago binalik ang tingin sakin at ngitian ako kaya ngumiti din ako pabalik bago kami nagsimula mag lakad papunta ng parking lot.



Tinext ko na din si Papa at ang driver na nagsusundo sakin na wag niya na ako sunduin dahil mag co-commute nalang ako mamaya pag uwi.



"ano ba kasi ang bibilhin mo sa mall kuya?" tanong ni Diane kay drake ng magsimulang paandarin ni Drake ang kotse niya.



"girls stuff. Ewan ko ba kong bakit ako ang inutusan ni Mom na bumili ng mga ganun kong pwede namang ikaw nalang?" narinig ko ang pagtawa ni Diane



"akala siguro ni Mommy bakla ka kuya never ka la kasi nagka girlfriend e." bigla napalingon sakin si Drake kaya napaiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa labas ng bintana.



"e kong iwan kaya kita sa kalsada?" inis na sabi ni drake


Ngayon ko lang nakasama ng sabay si Drake at Diane kaya natatawa ako sa bangayan nilang dalawa.



©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonWhere stories live. Discover now