wakas

120 8 2
                                    

Sa pagsikat ng araw, alam kong siya ang una kong makikita.

Minsan kong inisip, papaano kami humantong sa ganito? Isa lamang akong hamak na guro sa San Joaquin-Kalawaan High School at siya naman ay isang punung-lungsod. Napaka-imposible, hindi ba?

Nakakatawa, ang dami naming pinagdaanan ngunit nalagpasan namin iyon lahat. Napasilip ako sa maamo niyang mukha at napangiti. Marahan kong iginalaw ang kaniyang mga balikat imbes na magising ay mga munting hilik ang aking natanggap bilang tugon.

Dahil do'n ay mas hinigpitan ko ang aking pagyakap sa kaniya, kung pwede lamang ay dito na lamang siya at huwag na umalis sa tabi ko. Kaso hindi, tinatawag siya ng kaniyang tungkulin bilang ama ng Pasig at ako naman ay ang pagiging ikalawang magulang ng mga estudyante.

"I love you," mahina ngunit rinig kong sambit niya. Hindi niya talaga kayang pawiin ang mga ngiti ko. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasuwerteng babae sa mundo dahil ako ang kaniyang minamahal.

Sinuklian ko na lamang siya ng isang halik sa kaniyang pisngi. Napakasarap sa pakiramdam na walang nakakaalam tungkol sa ugnayan niyong dalawa, tanging mga kamag-anak at kaibigan lamang. Malayo sa mata ng madla para gawan ng mga 'di totoong usap-usapan o paninira.

"Victor, huling araw mo na. Hindi ka pa rin ba babangon?" Tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko na lang dito, sa tabi mo," he replied even he is sleeping.

"Sige na, huling araw mo na bilang mayor. Isang pagpapakita na lang sa media at tapos na!" Hindi ko namalayan na tumaas na ang boses ko.

Tuluyan niya na binuksan ang mga mata niya, "pagkatapos no'n, anong mangyayari?"

I bit my lower lip. Iniwasan ko rin ang tingin niya sa akin. "Pagkatapos no'n ay malaya na nating magagawa ang mga gusto natin. Katulad ng mga sinabi mo sa akin no'ng birthday mo."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan, "usapan iyan, ha?"

Natawa ako. "Kailan ba ako hindi tumupad sa pinagkasunduan natin?"

"Oo na, huling araw mo na rin bilang pagaasikaso sa akin."

Tama nga siya, makailang umaga ko na siya ang una kong aasikasuhin imbes na sarili ko. Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga para ihanda ang mga dapat kong gawin.

Inilabas ko mula sa cabinet ang kaniyang susuoting damit, as usual, blue na polo at black na pantalon. Naalala ko nga ang binigay kong regalo sa kaniya na dalawang blue polo.

At ang kaniyang reaksyon? Nakasimangot.

"Hindi naman porket ito sinusuot ko lagi, ito na rin ibibigay mo!" 'Di ko alam kung sarcastic 'yung approach niya o sadyang naasar siya sa binigay ko.

Sa isang maliit na apartment na malapit sa unit Calixte kami nanirahan. Kahit na sinabi niya na sa malaking bahay kami manirahan ay naipilit ko na rito na lamang. Aanuhin namin ang malaki na bahay kung tanging kami lang ang magiging tao no'n, 'di ba?

Sinimulan kong magluto ng kaniyang magiging agahan, kailangan niya ng lakas para sa inugarasyon ng bagong mayor ngayon ng Pasig. Isang simpleng almusal lang naman ang inihanda ko, tapsilog at chop suey.

Nang makaupo siya galing sa pagkakaligo, agad niyang kinain ang mga inihanda ko. Tinitigan ko lang siya habang ninanamnam ang niluto ko. Hindi niya iyon napansin dahil naka-focus talaga siya sa pagkain.

Matapos niyang kumain ay tumayo na siya, para bang nagmamadali. Kinuha ko ang bag pack, jacket, at ang wrist watch niya at inabot bago pa siya tuluyang makaalis ng apartment. "Hindi mo talaga hahayaan na may maiwan ako, ano?" Pindot niya sa kapanguan kong ilong.

"Kailangan ay maging presintable ka, Victor. Huling—!"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong ninakawan ng halik sa labi. "Ang daya mo!"

"Bleh!"

"Maaga kang uuwi mamaya, ah?"

"For you, my Monsoon."

Niyakap niya ako at hinalikan ang noo ko. Parang may kung ano ang nangyari sa paligid ko, bigla na lamang dumilim ang nakikita ko.

"Amihan!"


"Amihan!"

Napailing ako ng maraming beses dahil sa isang pamilyar na boses, nakatayo sa harapan ko ang isang teacher na halos ka-edad ko. Nakapamewang siya at hindi maipinta sa mukha ang ekspresyon niya.

"Lintek ka, kanina pa tapos 'yung program!" Ngayon ko lang napansin na si Kate pala ang kumakausap sa akin ngayon. As if I was programmed, lumingon-lingon ako at parang may hinahanap na tao.

"Hindi ka na namin ginambala kasi ang lalim ng iniisip mo, mukhang six feet ang lalim," pabiro pang saad ni Kate bago lumabas ng conference. Para bang may nag-uutos sa akin para sumunod ako kay Kate.

Tahimik ko lang siyang sinundan habang inaalala kung ano ang mga nangyari, sa pagkakatanda ko ay ang mga halik niya sa aking noo bago siya pumasok sa munisipyo.

Umiling muli ako, hindi ko namalayan na nasa faculty room na kami ng Araling Panlipunan. Pagkapasok ko ro'n ay tumambad sa akin ang mga kapwa ko teacher na hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin nila. Payuko na lamang akong umupo sa desk ko at iniisip kung ano bang nangyayari sa akin.

Hindi nila ako kinausap o nilapitan, para akong may nakakahawa at nakakamatay na sakit. Nagbulung-bulungan sila hanggang sa may lumapit muli sa akin.

"Amihan, ayos ka lang ba?"

Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang boses na iyon. Ayoko siyang makita, ayoko!

"Amihan, sisteret Jerome mo 'to!"

Nanlaki ang mata ko at tuluyang tinignan ang nasa harapan ko. Magkasalubong ang mga kilay at nakapamewang din. "Kakalurkey ka! 'Di ko knows ano ganap diyan sa iyong brain!"

Bigla akong kinalabutan, pasimple kong niyakap ang sarili ko. "Tama nga sila, ang weird mo na. Ateng, 'di ko pagnanasahan 'yang katawan mo!"

"Huh?"

"Nakalimutan mo na bang Barbie ako at hindi Ken?" Pagiirap niya pa sa akin at bumalik sa desk niya. Nakita ko siya na pakembot-kembot pa ang bewang niya habang papalayo sa akin.

Sa sobrang gulo ng isip ko napagdesisyunan kong bumalik sa conference room kasama ang ibang mga teacher. Pagkadating namim do'n ay naabutan namim ang mga officers ng Supreme Student Government na naghaharutan, naghahanulan at panay picture. Sinita sila ng adviser ng SSG pero umapela sila na fifteen minutes pa para makapagbonding naman sila. Wala na magawa ang katrabaho ko kung hindi ay payagan sila.

Sinimulan namin ang pagaayos ng conference room, mula sa pagbabalik ng mga monobloc chairs, mga dekorasyon sa stage, at sa pagpatay ng mga aircon. Nahinto lamang iyon nang may biglang pumasok sa pintuan at umalis ang mga estudyante at guro.

Tanging kaming dalawa na lamang ang nandito.

Magpapanic ba ako o hindi? Ang gulo.. sobrang gulo! Hindi ko na kaya!

"You really look familiar to me, have we met before?" Parang may kung anong kumirto sa aking puso nang dahil marinig ko ang boses niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may naiipong bigat sa dibdib ko at luha sa mga mata.

"Me-mayor!" 'Yon lamang ang nasagot ko.

"Para ka namang nakakita ng multo," tumawa siya. Nakakahiya, baka kung ano ang isipin niya.

"May I know what your name is?"

Teka, hindi sa ganitong paraan kami unang nag-usap, ang alam ko ay nagpa-picture ako sa kaniya! Hindi, hindi!

"A-Amihan Marasigan."

Kumidlat nang napakalakas para may pumasok sa isipan ko.

Ngayon lang nag-sink in sa akin na imahinasyon ko lang kanina ang mga scenario na iyon. Ang pagyakap niya sa akin sa tuwing umuulan, pagsayaw sa Bahay na Tisa, at paghalik sa aking mga labi.

He showed his hand to me, offering a handshake. "Vico."

Sa Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon