Enroll Now sa Shuriken Class

236 12 0
                                    

ENROLL NOW, PAY NEVER.

ENROLL NOW, HANG OUT FOREVER~

Opo, tama yang nababasa niyo sa taas. Huehue. A wattpader encourages me to pursue this program. Gusto niya daw matutong magsulat at alam kong marami yan sila, nahihiya lang at hindi alam kung saan magsisimula. Ganyan din ako dati eh. Buti na lang at may nag encourage din sa’kin non. Buti na lang at may naniniwala sa’kin na KAYA KO. Kasi kaya din ng iba.

IKAW DIN. Kaya mo rin.

Hindi naman lahat ng tao ay naturally genius pagdating sa pagsusulat. Hindi lahat marunong. Pero ang bawat isa ay merong taglay na storya sa kaibuturan ng puso nila–hindi nga lang nila alam kung pano susulatin.

Pero naniniwala ako sa salitang HARDWORK at DETERMINATION. Naniniwala din ako sa salitang PASSION. Kaya naman kung naniniwala ka din sa mga salitang yan, JOIN ka na teh! May experience ka man sa pagsusulat o wala, it’s okay, you’re openly welcome here. Lahat ng gustong matuto sa pagsusulat ay ineengganyo kong sumali dito as “coaching program” ko. NOPE, nagkakamali ka teh! Wala po tong bayad! AS IN TALAGA.

Libre to mga ate at kuya!

Kaya wag ka nang magpatumpik-tumpik pa. Wag ka ng KJ. Bawal mahiyain dito OHKAY? Mahirap humanap ng libreng coaching programs ngayon sa pagsusulat, halos lahat kasi may bayad na, lalo na kapag writing workshops or seminars. Pero may good news ako SAYO. Pag sumali ka sa programang to, kahit isang sentimo ay wala kang babayaran! Maliban na nga lang sa internet connection, huehue.

Opo. Totoo to.

Kung ayaw mong maniwala, maniwala ka na lang.

Wala namang mawawala sayo di ba? Sa katunayan nga oras at effort ko ang mawawala, pero okay lang kasi alam kong meron akong natutulungang nilalang.

Sa ngayon po, linggwaheng Tagalog lang ang tinatanggap ko. At dahil career woman din ako at may sariling katikaran sa mundo, limited lang po ang SLOTS na tatanggapin ko. Hanggang 50 neenjas lang po ang pwedeng mag-enroll for the first batch. Opo. Libre to. At dahil libre, first come first served talaga.

Ano pong gagawin sa Programang to? MARAMI.

- Writing tips and advises

- Workshops and activities

- Coaching

- Sharing and brainstorming

- Ask Me Anything

- Constant and personal communication

- Online conference using Google Hangouts (audio only)

- Writing Contests with goodie prizes

And many more!

Ano pong kailangan para sumali?

IKAW. Ikaw mismo ang kailangan dito.

One time registration lang po ito, mga ate at kuya. FREE. Pero para kasali ka sa OFFICIAL LIST, kailangan mong ifill up ang form na ibibigay ko. Yong mga nasa official list ko lang ang eligible na sumali sa mga contest ko--with prizes yan ha.

San makikita ang form? I-pm mo ko at bibigya kita ng link. Ayy, bat ganon? Bat kailangan pa akong iPM? Malamang, kasi hindi naman lahat ay sasali sa programang to. Yong determinado lang talaga at maging part ng Shuriken Class. huehue. May mga neenjas nang nakafill-up sa form the other day, so wag niyo na akong iPM kasi tapos na kayo. Ipolish ko na lang ang official list, then we're off to go. Magtatapon na rin kayo ng shurikens gaya ko. huehue.

Ay teka. Meron palang kailangan aside yourself. huehue. I-add mo to sa LIBRARY mo para updated ka lagi sa Shuriken Class nato. Yun lang. K bye.

Out na 'ko. Mag-iipon na ulit ako ng chakra at shurikens eh. Para may pangtapon ako sa next update. huehue.

k bye.

- Coach Jenine

Hang-out Ng Mga NeenjaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant