▶︎[ 03 ] ♡

3K 164 387
                                    


Easton Ycarrius' POV

March 16, 2021

I heaved a deep sigh as I looked myself at the mirror. Bihis na bihis ako ngayon para sa meet up namin ng mga magulang ni Keira. Nakakakaba talaga pero ayos lang, mukhang pasado naman siguro ako sa kanila.

“Yoona, gwapo ba si tito?” I asked my 9 year old niece.

Agad naman siyang tumango na ikinatuwa ko. Hinalikan ko ito sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto. Sumunod naman siya at si Lili, ang bunso niyang kapatid. Puno ng pagtatanong si Lili kung saan daw ba ako pupunta, habang si Yoona ay titig na titig lamang sa akin. Talagang proud siya na ako ang tito niya, gwapo e.

“Lili, tito is going to meet your soon to be tita's parents.” I smiled at my 7 year old niece. Ngumuso naman ito kaya kinurot ko ang pisngi niya.

“Tito, when are we going to meet tita Keira, personally?” tanong naman ni Yoona.

Ang englishera talaga nito, mga Pilipino naman sana ang magulang. Palibhasa, mahilig manuod ng english movies kaya siguro nadadala na siya sa pag-e-english.

“'Pag pumasa na ang tito niyo sa parents niya, papupuntahin ko rito si tita Keira niyo. Okay ba?” tanong ko sa dalawa na nakangiting tumango sa akin.

Ginulo kong pareho ang mga buhok nila bago nagpaalam kay ate. Syempre alam na niya kung saan ako pupunta. Si ate nga naghanda ng isinuot ko ngayon.

Pagsakay ko sa kotse, isinuot ko agad ang face mask at inihanda ko sa gilid ang face shield. Kahit na nasa ilang kilometro lang ang layo ng village nila Keira, kailangan ko pa ring maghanda nitong mga isusuot sa mukha. Baka may checkpoint doon, lalo na't naghihigpit na naman ang gobyerno.

Maayos akong nakarating sa village nila Keira hanggang makaabot sa bahay nila. Buti na lang, hindi masyadong mahigpit ang bantay sa village na 'yon.

Nang makalabas na ako sa kotse, bumungad agad si Keira na nasa labas na pala ng gate nila. I can't help but to smile widely as I saw her once again. Second meet up na namin 'to at syempre grabe pa rin yung kilig ko. Dinaig ko pa ata siya na mukhang kalmado 'lagi.

“Hi, Silangan!” she greeted me.

Bwisit, nagmumukha na naman siguro akong tanga kakangiti rito.

“Sumagot ka naman, mamaya na 'yang kilig mo kasi hinihintay ka na nina mommy.”

“Sorry na, ikaw kasi e. Hello, baby!” niyakap ko siya.

Natutuwa talaga ako kapag tinatawag ko siyang "baby", it's not a "landi" endearment as they said, dahil wala pang matatawag na "kami". They just don't understand why I am calling her that. "Baby" suits her, because for me, she is really like a baby at dahil 'yon sa soft and cute personality niya which made me amused always.

Yumakap din naman siya pabalik sa akin pero agad niya rin akong inilayo sa kaniya. “Ikaw naman, nakasilip si Krypton doon sa bintana oh!”

Napatingin ako sa itinuro niyang bintana at nakita ko nga ang kapatid nitong si Krypton na naka-poker face ang mukha sa amin. Mukhang mas strict pa ata ang spoiled na 'to kaysa sa daddy niya? Masaya naman daw siyang kausap, pero hindi niya nga pinansin ang message kong "hi" sa messenger. Mahirap ata siyang ka-bonding.

“Hayaan mo na 'yan, pasok na tayo.” hinila na ako ni Keira papasok ng bahay nila.

Nagmano ako sa mga magulang nito at bumati. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng parehong bumati rin sila sa akin. Grabe, akala ko lalamunin na ako ng tiles nila.

Admin, Let's TalkWhere stories live. Discover now