Chapter 33: Missing

37.9K 566 37
                                    

***

(Althea)

Sabi nila, You'll never know a person's feeling about a certain situation unless you've been there too. Pero kahit anong unawa ang gawin ko, I still don't understand why. Why he left us.

Naglandas na naman ang mga luha ko nang pasadahan ko na naman ng tingin ang sulat na iniwan nya.

Honey,

Trust me.

Jacob.

Two words, dalawang salita lang pero di ko alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin nun.

How can I trust him, kung hindi nya naman nagawa yun sa akin. Hindi man lang nya sinabi kung ano ba ang problema. Nanghahawak ako sa wala. Hindi nya rin sinabi kung kelan sya babalik, o kung babalik pa ba sya.

Pero hindi dapat ako maging selfish. Isinasaksak ko sa utak ko na, there's a reason behind. Tampo. Yun ang nararamdaman ko. He failed to fulfill his promise. Yung pangako nya kay God na kahit anong mangyare, sa hirap man o ginhawa, magsasama kami, magtutulungan.

Ang higit ko pang inaalala ay ang kambal. How can I tell them about this?

I quickly wiped away my tears when I heard a knock on our door.

"Mommy!" Isang masayang mukha ang sumalubong sa akin. He's smiling from ear to ear. Isang napakalakas na impact ang dumagundong sa puso ko. Natatakot ako. Natatakot akong mabura ang mga ngiti sa mukha nya kapag nalaman nyang, iniwan kami ng Daddy nya.

"C-Chans." Sambit ko.  Isang nagtatakang tingin ang ipinukol nya sa akin.

"Mom? Did you cwy? Whewe is Dad?" How will I answer that question? Yung totoo ba? O pagtatakpan ko sya?

"No baby. Hindi umiyak si Mommy. Si Daddy, may pinuntahan lang sya." Mapait akong napangiti. Sana nga ganun lang. Yung may pinuntahan sya tapos babalik din agad, pero hindi. Napakalayo nun sa katotohanan na, hindi ko alam kung kelan sya babalik.

"Where is Chase baby?" I asked. Pero isang kibit balikat ang isinagot nya sa akin.

"Chans, where is Chase?" I asked once again.

"I do not know Mommy. When I woke up, wala sya. Maybe, he's with Dad." Nagsimulang mamawis ang mga kamay ko. It can't be.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kwarto ng kambal. I search for Chase. Pero no sign of him. Nanginginig kong binuksan ang damitan nya at nag unahang pumatak ang mga luha ko nang, makitang kakaunti na lang ang mga damit nya roon. Bukod pa rito, wala ang bag nya. Yung wolverine, na paboritong paborito nya.

"Mommy." Patuloy lang ako sa pag iyak kahit pa, niyakap ako ni Chans.

"Maybe, we should ask Uncle Wio and Uncle Andwew." Napatunghay ako dahil sa suhestiyon ni Chans. Bakit nga ba nakalimutan kong nandirito sila?

Pinahid ko ang mga luha ko at hinanap si Rio at Andrew sa kabahayan. Naabutan ko sila, sipping their coffee on the kitchen.

"Oh Thea, bakit ganyan ang itsura mo?" Rio asked. Wala na akong pakialam sa itsura ko. What matters right now is ang pamilya ko.

"Alam nyo ba kung nasaan si Jacob?" Tanong ko. Kita ko kung paano nabigla si Andrew at nabitawan nya ang tasa ng kape nya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa inasal nya.

"Tell me Andrew, anong alam mo? Where is he?" Kailangan kong malaman kung nasaan sya. Hindi ko ito pwedeng ipagsawalang bahala. Sana. Sana nga kasama nya si Chase.

Jacob's Eighth Collection (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon