CHAPTER 22

44.4K 1.7K 546
                                    

Chapter Twenty-Two

Hiking



Everything went smooth between Achilles and I. Hindi masyadong tumalab ang pagpapaepal ni Evelyn rito dahil talagang gwardiyado siya sa akin.

Archi doesn't mind. Ni wala itong binanggit na reklamo tungkol sa harapang pambabara ko kay Evelyn. Pumapagitna lang siya kapag alam niyang nanggigigil na ako.

So far ay wala namang sakalang naganap. Nagagawa ko na ring kontrolin ang aking galit kahit paano kaya maswerte pa rin siya.

"He called you again?" tanong nito isang araw habang nasa rooftop kami ng lumang building.

Ilang beses na rin akong nagawi roon kasama siya nitong mga nakaraan dahil talaga ngang mas mapayapa ang lugar at mas nakakapag-aral siya roon kaya sumasama rin ako lalo na kapag gusto ko siyang tulungang mag-memorized at mag-review.

I nodded at his question. Kinuha ko ang telepono ko at walang sabing ibinigay sa kanya para ipabasa ang usapan namin ni Brixton.

We still exchange messages and call each other sometimes pero lahat ng iyon ay simpleng kumustahan lang. He was doing fine at the moment. Ang isa sa kanyang mga Tita ang ngayo'y gumagabay sa kanya at kahit paano ay nakapagpapatuloy na ulit lalo na sa kanyang pag-aaral.

He would still break down sometimes and would call me just to say how much he missed me and how sorry he was for what happened between us, but I never gave him false hope.

Diretsahan kong sinabi sa kanya na may gusto na akong iba at totoong naka-move on na ako sa kanya. Naintindihan niya naman pero hindi ito tumigil sa pag-asa na balang araw ay magkakaroon ulit ng kami.

Mabilis lang na tiningnan ni Achilles ang usapan namin at ibinalik na ang aking telepono.

"Nangumusta lang. He was struggling with some of his subjects and I offered him help, that's it."

Isang mabilis na tango ang isinagot niya sabay balik ng mga mata sa kanyang binabasang libro. Inayos ko ang upo sa kanyang harapan at nangingiting nangalumbaba sa lamesa upang titigan siya.

"Nagseselos ka ba?"

He chuckled nervously at that. Hindi nagawang tumingin sa akin. Napangisi ako.

"Huwag ka ng magselos. Alam mo namang ikaw lang."

"I'm not."

"Sus..." sandali kong itinigil ang pagnguya sa aking bubble gum. "So kung hindi ka nagseselos, okay lang sa 'yo na kausap ko ang ex ko gabi-gabi?"

Marahas ang naging pagbaling niya sa akin.

"Gabi-gabi kayong magkausap?" gulat ngunit inosente pa rin niyang tanong.

"Uh, minsan?"

Muli siyang nagbaba ng tingin. Napansin ko ang mas pagdiin ng sulat niya sa kanyang binder. He has good penmanship. Mas pang-doctor pa nga ang sulat ko kaysa sa kanya na parang pang babae ang sulat sa linis at ganda. Parehas sila ni Lana na maganda kung sumulat. Parang may mga sariling font.

"Okay." he coldly said.

Natawa na ako. "Okay lang nga?"

"If that's what you want."

"Hindi ka nagseselos? Sure na?"

"Hindi. Why would I be jealous? May dahilan ba?"

Of course he's jealous! Sa titig niyang dumiin sa akin ay alam ko na kaagad ang sagot! My baby is jealous of my ex! Mahal na talaga ako...

Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)Where stories live. Discover now