[01] Mokong na hinayupak/Hinayupak na mokong

27.6K 295 8
                                    



SHIN'S POV

Dahil kay Granny Aurora, andito ako ngayon sa NAIA. Susunduin ang future Wife ko. Oo, hindi ako tutol doon. Granny is the only family I have. And I don't want to disappoint her. Ayokong ma disappoint ko sya, kaya hindi na ako tumutol pa.

Well, at first ayoko talagang makasal. Twenty-two pa lang ako. Ang bata ko pa para matali sa isang relasyon na kailan man hindi ko na pwedeng wakasan. Marriage is sacred. And Granny is very important to me. So, wala na akong choice. I mean, choice ko'ng sumunod sa kagustuhan niya.

Naputol ang pag-iimagine ko sa magiging posibleng mukha ng babaeng kikitain ko ngayon nang biglang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

["I'm sorry for disturbing you, Sir."]

"No, it's okay. What is it?"

["There's an emergency meeting right now. And you have to attend this meeting, Sir."]

"Okay. I'll be there in a minute away." Binaba ko na ang phone ko sabay lingon sa driver ko/best friend.

"Bakit, Shin?"- Ayoko kong tinatawag ng Sir. He's my childhood friend. Matagal ng nagtra-trabaho ang Mama nya sa'min. Sabay na kaming lumaki kaya naman, magkapatid na ang turingan namin.

"Kailangan kasi ako sa opisina. Pwede bang ikaw na muna ang humawak nito." Sabay abot ko sa violet board na may pangalang BRIANNA ALEXANDREA C. MONTENEGRO. Well, she's my future wife. Kaya nga ako andito dahil ako sana ang personal na susundo sa kanya. Utos ni Granny. Pero dahil may emergency meeting, kailangan kong pumunta doon.

"Pero Shin, ang sabi ni Madame, kailangang ikaw mismo ang sumundo sa kanya." Pero kinuha rin naman ang board sabay taas. Naglabasan na kasi ang pasahero sakay ng eroplano kung saan sakay rin ang misis ko.

"Oo nga eh. Pero may emergency, hindi naman malalaman ni Granny na hindi ako ang sumundo sa kanya kapag hindi mo ako isusumbong." Sabi ko sabay ayos pa ng kamay nya para maitaas pa. Maliit kasi si Harrold. Kaya pinataas ko pa ang kamay nya.

"Malalaman nya 'yon kasi do'n natin sya dadalhin sa bahay nyo di'ba?" Paalala nya. Oo nga pala. Tsk!


"Ahh- ganito nalang. Dalhin mo na muna sya sa condo ko. Dala mo ba ang spare key?" Tumango naman sya. "Sige, mauna na ako. Susunduin ko nalang sya sa condo ko." Nagmamadali na akong lumabas ng airport, may na bunggo pa ako pero hindi ko na pinansin iyon, dumerecho na akong parking lot.

Pag bukas ko ng kotse ko pumasok na ako, pero laking gulat ko ng pagpasok ko may babaeng nag bukas ng side door at agad pumasok na sa passengers seat.

"Hey! What are you doing?" Tanong ko. Lumingon sya sa'kin sabay pout ng lips.

"Please, get me out of here. I need to be out of here. Please!" Nagpout pa ulit sabay kurap ng mga mata niya. She begged, exposing her please sign.

"And do you think I'll help you?" Tanong ko sabay taas ng isang kilay. Swerte naman nya, hindi ko nga sya kilala tapos hihingi sya ng tulong sa'kin? Hindi ba sya natatakot? Ni-hindi rin nya ako kilala. Tapos humingi pa sya ng tulong sa isang total stranger?

"Please!!!" Halata sa mukha niya ang pagkainis.
"I need your help! Kung hindi ka pa aalis ngayon dito, mahuhuli na nila ako." She almost cry out loud. Mahuhuli? Bakit, ano ba sya? Magnanakaw?

"Are you a criminal?" Tanong ko na ikinalaki ng mga mata nya.

"Are you nuts?! Sa ganda ko'ng 'to, pagkakamalan mo 'kong criminal?" Malay ko ba. "PLEASEEEE!" Sigaw pa nya.

Fated To Love YouWhere stories live. Discover now