ENDURING LOVE - TSIYWIOSSMC SEASON 3 [RANK 1]

527 43 33
                                    

A/N: Salamat sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa nito :) Nanalo po ito hihi :)

*********


"Sid! Sid, where are you honey?" malakas na tawag ko sa aking asawa. Naalimpungan kasi ako at nakita kong wala siya sa aking tabi kaya't napabangon ako.

Nakailang sigaw na ako ng kaniyang pangalan, pero wala pa ring sumasagot. Nagpasya na akong lumabas sa aming silid at hanapin siya. Una akong pumunta sa library kung saan siya madalas magbabad, pero wala siya roon. Tiningnan ko siya sa aming mini gym, pero hindi ko rin siya nakita. Maging sa kusina ay hindi ko rin siya natagpuan.

'Saan kaya nagsuot ang taong 'yon?'

Nang hindi ko siya makita ay minabuti kong bumalik na lang sa aming silid. Naisip ko, marahil ay may emergency nanaman kaya't tinawagan siya ng ospital kung saan siya nagta-trabaho bilang isang doktor. Malamang ay hindi na niya ako ginising dahil alam niya na kanina'y masama talaga ang aking pakiramdam. Ngayon nga'y nakakaramdam nanaman ako ng di masukat na pananakit ng katawan.

Napagpasyahan kong muling matulog at bukas na lamang tanungin si Sid kung ano nanaman ang nangyari. Hihiga na sana ako nang bigla akong napatingin sa malaking salamin sa aking tokador. 'B-bakit iba na ang suot kong damit?' Nagtaka ako, bestidang pink na bulaklakin ang suot ko kaninang natulog ako... ngayon ay kulay pulang bestida na! 'Binibihisan ba ako ni Sid?'

Nagtaka man ako ay parang may kasiyahan ding nadama ang puso ko. Naisip ko kasi, pinapantasya pa rin ako ng aking asawa kahit na ako'y mahimbing na natutulog! Napangiti na lamang ako sa isiping iyon.

*****

"Sid, honey... wake up," malambing na bulong ko sa natutulog kong asawa. Malamang ay kauuwi lang niya kaya't mahimbing pa ang kaniyang tulog. Umungol lang siya at dagli ring bumalik sa pagtulog.

Hindi ko na siya ginising, nakakaawa naman kasi... mahirap din talagang maging doktor! Tinitigan ko na lang ang maamong mukha ng aking esposo. Napaka-gwapo talaga niya. Dinampian ko ng pinong halik ang kaniyang noo at sinuklay ng aking kamay ang kaniyang buhok.

"Hummmm... Lara, honey, ang aga mo naman yatang nagising mahal ko?" malambing na pahayag niya habang ang mata'y kakalahati pa lamang ang nakabukas. Nginitian ko siya at masuyong hinalikan sa pisngi.

"Anong maaga? Alas-onse na po kaya! Ginigising na nga kita para makapag-brunch ka na," nakangiting pahayag ko.

"Ha? T-tanghali na pala? O, damn! Kailangan ako sa ospital ngayon mahal!" gulat na bulalas niya. 'Kailangan sa ospital? Hindi ba't inumaga na nga siya doon?' Hindi ko maintindihan, pero parang may kapirasong kabang sumundot sa puso ko.

"Di ba hon, k-kararating mo lang? N-nagising kasi ako kaninang madaling araw pero wala ka sa tabi ko e. M-may emergency ba sa ospital?" mahinahong tanong ko sa kaniya. Tinatantya ko kung ano ang magiging reaksyon niya kung malalaman niyang alam kong umalis siya kagabi.

"H-ha? Nagising ka ba mahal? O-oo nga e, m-may emergency kagabi... ahm... may car accident kasi sa Orosa Street kaya doon sa San Martin Hospital dinala. Apat ang sugatan, k-kaya kinailangan ako nina James," pautal-utal na sagot niya.

Malikot ang kaniyang mata at parang umiiwas ng tingin sa akin. Hindi ko gusto ang magduda sa kaniya, pero ramdam ko ngayon na nag-sisinungaling  siya! Parang hinigit ang puso ko sa isiping iyon!

"Okey... sinabi mo e. Hindi ka man lang ba kakain? Ipinagluto pa naman kita ng adobong manok na may itlog," matabang at may himig pagtatampong sagot ko sa kaniya.

"Are you mad? Uy, nagtatampo na yata ang mahal kong misis a! Halika nga dito!" malambing na sabi niya sabay hila sa akin.

Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa labi. Para namang naglahong parang bula ang mumunting agam-agam na naramdaman ko kanina. Marahil ay marami lang talagang pasyente sa ospital kaya halos maubos na ang oras niya doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENDURING LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon