DALI | NINETEEN - KINDNESS

137 8 0
                                    

WE ALL THOUGHT that Marcia's appearance in front of her family would ease her pain and she could finally say her goodbyes to them may it be verbally or through her actions.

Honestly speaking, I wanted to tell her that she can just give her parents a hug while she tells them how deeply she feels the grievances of the family. That way things would be a little strange but it is understandable.

Pero sa lagay na 'to, hindi na siya lumayo pa sa tabi ng pamilya niya simula noong lumapit siya sa mga ito. Kami ni Yannie ay sumunod na rin sa sementeryo kung saan ililibing ang labi ni Marcia.

Nasa isang gilid kami, nakatingin sa halos hindi aabot na dalawampung mga tao na dumalo sa libing. Sa likuran ng pamilya ay nakatayo si Gracie, Lenard, at iilan pang mga kabatchmates namin na hindi ko naman kilala ang pangalan pero minsan ko ng nakasalubong sa school. Ngayon ko lang din napansin na dumalo ang ilan sa mga teachers' ng SHS faculty.

Napahinga ako nang malalim habang nakatitig sa kanila. "I'm sure they didn't expect me to stand beside the family while the ceremony continues and everyone is starting to cry their hearts out again," sabi ko.

"Mahirap nga 'to sa part mo," sagot ni Yannie sa 'kin. She gave me a small smile bago niya ipinahinga ang isang palad sa balikat ko. "You are kind enough to help her, Dali."

Naging emosyunal ang boses ni Yannie kaya napakurap-kurap ako. Huminga ulit ako ng malalim.

"Alam mo bang halos magwala siya doon sa lugar kung saan kami nagkakilala? Sa realm of souls, maraming mga kaluluwa doon-" Natigil siya dahil natawa nang bahagya sa sariling sinabi. "Malamang. S'yempre puro mga kaluluwa ang mga nandoon."

Natawa na rin ako.

"Maganda naman ang lugar. Maaliwalas ang paligid. Hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Sariwa ang hangin. Parang normal lang ang paligid. Kung hindi mo alam na patay ka na aakalain mong naliligaw ka lang sa isang paraiso na hindi mo alam kung ano ang pangalan."

Unti-unting sumeryoso ang ekspresyon ni Yannie. Hindi ko inalis ang paningin sa kanya habang mataman na nakikinig.

Malungkot ang mga mata niya nang sumubok siyang ngumiti. "Gusto ko ngang malaman paano nagagawa ng ibang mga kaluluwa na maging mapayapa ang pananatili nila doon habang hinihintay ang pagtawid sa bridge to eternity na hindi man lang sumasagi sa isipan nila na baka may paraan pa para makabalik sa mundo ng mga buhay. Parang gano'n lang kadali. Tanggap na agad nila."

"How long did both of you stayed there?"

"Dalawang araw si Marcia habang tatlong araw naman ako. Pero pagkabalik namin dito sa mundo ng mga buhay—" She motioned something using her fingers."—na tinatawag nilang realm of the living magkaiba ang oras doon at dito. Nang nakabalik kami... sinabi ni Marcia sa akin na wala pang nakakakita sa katawan niya."

Tahimik lang ako habang nakikinig.

"Awang-awa ako sa kanya. Gusto ko siyang tulungan. Pero pareho na kaming mga kaluluwa na lang."

"Magkasama ba kayo buong pagkakataon? Simula noong nakabalik kayo rito?"

Umiling-iling si Yannie. "Hindi. Umuwi ako sa amin. Binisita ko ang mga magulang ko."

"Tapos?"

"Gusto mong malaman kung bakit kami magkasama ngayon?"

"Yes," I answered without any hesitation.

Tumango siya at umayos sa puwesto. "We were supposed to meet each other after three days," ani Yannie. "Babalik kami sa realm of souls."

When she prolonged her next words, I just continued nodding my head, letting her know that I'm a hundred percent listening to what she's saying.

Vengeance and Regrets (Death, Youth, and Love Trilogy #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora