#13: Friday the 13th

6.8K 125 12
                                    

Hi! ito po ung sinasabi kong real story, ito po ay kwinento or tinext sa kaibigan ko nung katxtmate niya and friend narin niya XD. Ito ay nangyari dun sa katxtmate nya dalawang taon na ang nakakaraan.

 Binago ko yung ibang scene, usapan, date, mga pangalan ng tao at kompanyang nasangkot dito sa storyang ito upang sa ganoon ay hindi makaapekto ang naturang kwento sa pangpribadong buhay ng sino man. Salamat.

~~~~~~~~~~~~~~~~


"HUWAG NA KAYONG TUMULOY DIYAN! DAHIL MAARING MAGAMBALA NIYO SILA"

~~~~~~~~~~~~~~~

JANUARY 13, 2012 (FRIDAY)

 May mga magkakabarkadang itatago nalamang natin sa pangalang Tricia, Rex, Miguel, Sunny at Arnold, sila ay mga highschool student sa isang sikat na paaralan dito sa Bicol. Sa tagal nilang magkakasama hindi nila akalain na may mangyayari sa kanilang nakakangimbal.

Buwan ng Enero noon, ng nagkaroon ang klase nila ng kumpil. Pagkatapos ng kanilang kumpil ay agad tumungo ang magkakabarkada sa isang salon na pagmamay- ari ng pamilya ni Rex. Napagkasunduan kasi nila na pagkatapos ng kumpil ay pupunta sila roon upang magshooting ng ipapasa nilang proyekto sa Filipino.

“ Tol, adik ka ba? Paranormal/ Horror yung genre natin tapos sa salon tayo magsho-shooting?” natatawang sabi ni Arnold kay Rex, habang papasok sila sa salon.

“Psh.. di naman kasi tayo dito magsho-shooting sa salon dun tayo sa 3rd floor, as in tamang-tama yun sa genre natin..” sabi ni Rex at inakbayan ang kanyang kaibigan.

“Kaya ako sayo tol ay!” sabi naman ni Miguel..

“Hi tita!” bati ni Tricia sa ina ni Rex na itatago natin sa pangalan na Ella.

“Oh hi hija!”  sabi nito at nakipagbeso kay Tricia at kay Sunny.

“O bat nga pala kayo nandito? Magpapasalon ba kayo?” tanong ni Ella sa mga bata.

“Actually mommy, hindi kami nandito para magpasalon, uhmm nandito kami para dun sa shooting naming, doon sana kami magsho-shooting sa abandonadong room dun sa may 3rd floor.” Pagpapaliwanag ni Rex.

“ahh, bakit dun pa? uy  anak di yun sa atin, magpaalam kayo kapag may tao ha!” sabi ni Ella..

Tumango naman si Rex.

“..nga pala nak 6:00 na, may pupuntahan pa ako.. so, ikaw nalang bahala magsarado dito, aalis na kami nila Bakla” sabi ni Ella sabay inabot sa anak ang susi at padlock ng salon.

“sige po.. kami na po bahala dito mommy,” sabi naman ni Rex.

“o siya mauuna na kami, wag kayong masyadong magpagabi ha and.. Rex again, huwag mong kalimutan ilock dito okay?!”  sabi ni Ella..

Pagkaalis ng mommy ni Rex ay agad pansamantalang sinarado ng magkakabarkada ang salon upang sa ganun ay hindi mapasok ng magnanakaw ang salon, dahil iniwan nila ang mga bag nila doon.

“uhmm Rex, may daan ba sa likod?” tanong ni Sunny.

“ahh yup, kasi sa pinakataas ng building may stockan ng mga foods, pero iba ang may-ari nun, kaya yun may daan diyan.. Pero hindi kami diyan dumadaan.”

“woah! Astig, ang dami pala ditong pasikot-sikot no?” sabi naman ni Sunny.

Bagong lipat lang kasi sila Rex sa building na iyon kaya hindi pa gaano alam ng kanyang mga kaibigan ang building na yun.

Tagalog Horror Stories(The Forbidden Stories)Where stories live. Discover now