Kabanata 30

20.2K 686 121
                                    

Anywhere 

"Syerana! Gising! Nasa main road si Seig!"

Naiinis kong nilingon si Kuya Samk na ginigising ako, pero nang inulit niya ang sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko. Parang nabuhay kusa 'yung buong katawan ko.

Nagmamadali akong pumasok sa CR para mag-mouthwash at maghilamos. Inayos ko rin agad ang buhok ko. Okay naman na 'yung suot kong t-shirt kaya hindi na ako magpapalit. Bahala na kahit naka-shorts lang ako.

Alas singko pa lang ng umaga nang i-check ko sa phone ko kanina bago ako bumangon. Hindi ko alam na ganito kaaga aalis si Seig... hindi niya sinabi sa akin kanina bago ako natulog!

Malamig ang hangin, sumisipol 'yon nang takbuhin ko papalabas. May mga dumadaan na mga tricycle. Mukhang nagsisimula na rin magtrabaho ang mga magsasaka na katatapos lang sigurong mag-agahan.

Napangiti agad ako nang nakita kong lumabas ng kotse si Seig. He's wearing a simple white V-neck top and faded ripped jeans along with white sneakers.

"Good morning, Syesye... pasensiya kana pinagising kita kay Kuya Samk." Napakamot siya ng kaniyang ulo.

Umiling agad ako. "No... it's okay! Ayos na ayos lang 'yon, Seig." Hinihingal pa ako habang nagagalak ang puso dahil nasa harapan ko ngayon si Seig.

Huminga siya nang malalim at saka unti-unting lumambot ang mga mata. Lumapit siya sa akin para punan ang espasyon sa pagitan namin.

He hugged me right away. It was warm, and cold. 'Yung yakap na hindi ko alam kung kailanga ko ulit mararamdaman. 'Yung init ng presensiya ni Seig na palagi kong nais maramdaman. Palagi niya akong niyayakap, pero ibang-iba 'yung pakiramdam ngayon. Parang huli na... huling yakap na.

"Syerana..." he whispered then faced me.

Tumingala ako nang bahagya para makita siya. He looks really sad. Parang nagluluksa siya ngayon, at malamang gano'n din ang itsura ko ngayon.

When he calls me 'Syerana' I know he's serious.

He stared me as if this will be last time he'll be seeing me. I feel like crying tremendously right now. Tinititigan niya lang ako, pero gusto kong umiyak.

His lips then form into a soft smile. "Syerana..." inilagay niya ang buhok na napupunta sa mukha papunta sa likuran ng aking tainga at saka hinawakan ang aking pisngi.

Bahagya akong sumimangot, at saka hinawakan ang kaniyang kamay na nakahawak sa pisngi ko. Malapit nang tumulo ang mga luha ko.

"You'll still do great without me, right?"

His soft but husky voice gave me goose bumps all over my body.

Tumango ako. "I will..." almost crying.

"Galingan mo pa rin, ah? You'll still join in clubs, you'll participate in events, and you'll be confident of yourself. You will do that, right?"

I bit my lower lip to refrain myself from crying, but my tears didn't go with me. Nagsimula na 'yon tumulo nang tumulo habang nakatitig ako sa kaniya. Gusto kong makita siya nang mas malinaw, pero ayaw matigil ng mga luha ko.

Hindi ako makapagsalita. Tumatango lang ako.

"You know that you're an amazing girl, right? You are so gorgeous. You're so talented. You're so perfect in my eyes. Kaya naniniwala akong makakaya mong wala ako sa tabi mo..." his jaw clenched while blinking rapidly.

Sinandal ko ang mukha ko sa kaniyang kamay na nakahawak sa pisngi ko, habang hinahayaan lang ang mga luha kong tumutulo.

"Let's meet again. I know we will. At sana sa panahong 'yon..." tumingala siya saglit at napalunok. "Sana sa panahong 'yon, walang magbabago sa atin."

Yielding Over the Horizon (La Grandeza Series #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora