Have You Seen This Girl?

324 5 3
                                    


"Excuse me miss, have you seen this girl?" inilahad ko ang kamay kong may hawak ng larawan niya.

Isang iling lang ang isinagot sa akin nung babaeng pinagtanungan ko.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad at pagtatanong.

"Dale ! Nagtext na si tita, umuwi na daw tayo." nakapatong ang mga kamay ni Grey sa ulo niya habang naglalakad patungo sa akin.

"Sige, mauna kana. Baka hinahanap kana din ni tita Ree." umupo lang ito sa isang bench malapit sa kinatatayuan ko.

"5months, Dale. 5months mo na siyang hinahanap," tinignan ko lang siya. Limang buwan na ko na pala siyang hinihintay na makita.

"Sa palagay mo ba makikita mo pa siya? Tsaka paano ka naman nakasisigurong ganiyan nga ang hitsura niya." tinignan ko lang 'yung larawang iginuhit ko, sigurado akong ganito ang hitsura niya, alam ko siya 'to.

Tumayo si Grey mula sa kinauupuan niya tsaka tinapik ang braso ko, "mauna na ako Dale," nagsimula na siyang maglakad palayo, "mahirap talagang hanapin ang ayaw magpakita."

Pinagmasdan ko lang ang papalayong likod ng pinsan ko. Umupo ako sa bench na kaninang inuupuan ni Grey. Hindi naba talaga kita makikita? Ayaw mo nga ba akong makita? Pero bakit?

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa akin, ipinikit ko ang mga mata at muling bumalik ang senaryo ng gabing 'yun.

Malakas na sigawan ang gumising sa akin, halos hindi ko na magawang tumayo ng maayos dahil sa sobrang init at usok. Masyado nang malaki ang sunog sa dorm na tinutuluyan ko.

"Tulong!" nagsimula nang maglaglagan ang kisame sa kwarto ko.

Sobrang dami ko nang usok na nasinghot, "tulong!" Hindi ko na kayang tumayo, "tulong!"

Napaluhod na ako, kung katapusan ko na sana nakapagpaalam muna ako sa mga taong mahal ko. Isang maikling dasal ang binigkas ko.

Ipinikit ko na ang mga mata ko, "Dale!" Nagulat ako nang may marinig na tumawag sa pangalan ko, isang babae ang iniluwa ng pintuan.

Bago pa man ako mawalan ng malay, malinaw na rumihistro sa akin ang mukha niya, at ang mga katagang binanggit niya.

"Everythings gonna be alright."

"Yeah, everythings gonna be alright, ah ah ah ayt, everythings gonna be alright ♪♪♪"

Anghel ba iyong naririnig kong kumakanta?

"You know I'll be there for you, promise we will make it through everything ♪♪♪"

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, subalit hindi anghel ang nasilayan ko.

Napabalikwas ako ng bangon, "S-sorry natakot ba kita?" paghingi ng dispensa nung babae habang tinatakpan ng hood niya ang buong mukha niya, kaya hindi ko makita kung anong hitsura niya, "nakita kasi kitang natutulog ng walang kasama kaya binantayan kita, p-pasensya na talaga."

"Hindi, ako nga dapat humingi ng sorry, naabala pa kita. Salamat din pala." Hindi parin ito tumitingin sa akin.

Patuloy nitong tinatakpan ang mukha niya, "a-ako nga pala si Dale," sinubukan kong iabot ang kamay ko, pero nakatingin lang ito sa baba, at patuloy na tinatakpan ang mukha niya.

"P-pastel," nanginginig nitong sagot.

May bigla akong naalala, inilabas ko 'yung larawang iginuhit ko, "have you seen this girl?" Tinignan niya iyong hawak ko tsaka siya umiling.

"Ah, sayang naman. Alam mo matagal ko na siyang hinahanap."

Hindi parin ito sumasagot, ewan ko ba pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagkukwento. Isinandal ko ang likod sa bench. "Sabi ng pinsan ko baka ayaw daw niya talagang magpakita."

"Pero, kahit anong sabihin nila wala, e, I cant help myself, I'm longing to see her benign face again. I wanna hear her angelique voice," ipinikit ko ang mga mata ko at muling rumehistro ang napakaganda niyang mukha, "sorry ha, ang daldal ko talaga."

Isang mahabang katahimikan ang narinig ko. Tatayo na sana ako para umalis nang bigla siyang magsalita.

"Paano kung hindi mo na siya makita?" Napahinto ako sa bigla sa mga sinabi niya, "paano kung natatakot siyang baka pandirihan mo siya tulad ng iba?"

Napasimangot ako sa mga narinig ko at nagtaka, para bang kilala niya ito, "bakit ko naman siya pandidirihan? Bakit ako matatakot? Siya ang nagligtas sa buhay ko, I owe her."

Tumayo si Pastel tsaka tumingala sa kalangitan, hindi ko parin makita ang mukha niya, "paano kung hindi na lumalabas ang mga bituin sa mundo niya, maging ang liwanag ng buwan ay 'di na sapat para ilawan ang napakadilim niyang gabi?"

Tumingala din ako at pinagmasdan ang madilim na kalangitan, sa kabila ng pagdududa at gulat na naramdaman ko nang marinig ang mga sinabi niya, napangiti parin ako, "kung totoo mang hindi na lumalabas ang mga bituin sa mundo niya, marahil ay alam na nila..."

Alam kong bumaling sa direksyon ko ang tingin niya, "...alam nilang wala nang silbi ang ang liwanag nila dahil sapat na ang ning ning niya upang ilawan ang mundo bg kahit sino mang makakakita sa kaniya." dahan dahan akong humarap sa kinatatayuan niya.

Napaurong ako sa nakita ko, umiiyak ito at unti unting ibinaba ang hood niya, "wala na akong ning-ning Dale, kasama sa sunog na iyon ay naglaho na ang mukha ng babaeng hinahanap mo."

Have You Seen This Girl?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon