Chapter 1

24 3 0
                                    

Cellphone

Araseli's POV

Nagising ako sa liwanag na sumisilip mula sa balcony. Hindi ko namalayang nakatulog ako dala ng ka-iisip kay Aya.

Tinignan ko ang orasan at... alas-ocho na!? Napabalikwas ako at dumeretso na sa cr.

Nagmamadali akong bumaba para sana'y makapasok na ngunit gulat ako nang marinig ang boses nila mom. Kadalasan naka-alis na sila ng gan'tong oras.

Lalabas na sana ako ng main door ngunit may tumawag sa'kin.

"O iha, gising ka na pala. Halika't saluhan mo kami." aya ni mom sa'kin.

"Hindi na. Late na ko e. Sa susunod na lang, salamat." sagot ko.

"Iha magdala..." hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin at dumeretso na sa'king sasakyan.

Pagkadating ko sa school ay tumakbo nalang ako papunta sa building kung san ang aming room. Binagalan ko lang nang malapit na ko at saktong paalis na rin ang lecturer namin. Umakyat na lang ako sa sunod na palapag para magtago.


"Dion, aga ah!"

"Ara, san ka galing?"

"Batas Ara niyo!"

'Di ko na lang sila pinansin at dumeretso na sa upuan.

"Ara, san ka ba nagpunta? Dalawang subject na namiss mo." si Kianne habang kumakain ng mamon.

"Jan sa tabe." tipid kong sagot.

"Anak ng...hoy gusto ko nang grumaduate bae! Pasalamat ka nga't nagpabagsak din ako para may kasama ka e tss." pangongonsensya n'ya sa'kin.

"Sino bang nagsabing magpabagsak ka?" pagtataray ko.

"Aba't... bala ka nga! O kain!" parang napipilitan pa niyang abot sa mamon.

"Salamat, 'di pa kase ko nag-agahan e."

"San ka ba kase galing hah?"

"Nalate ako ng gising, 'di ako ginising ni nay Betty e tss badtrip!" paliwanag ko.

Nagtuloy kami sa kwentuhan hanggang sa dumating na ang sunod na lecturer. Wala na naman akong ganang makinig. Dumungaw na lang ako sa bintana ng aming room.

May natanaw akong lalaki sa 'di kalayuan na parang may hinihintay habang kaharap ang kanyang cp. Teka! Si Rike ba 'yon?

Ibinalik ko na lang ang tingin sa'ming lecturer at nahagip ng aking mata si Kia habang patagong nagtetext. Ayos to a hahaha!

"Sa wakas, tas na rin!" sabay stretching.

"Kia, tra cafeteria! Libre ko." ngunit 'di siya kumibo. Katutok lang siya sa cp.

"Bala ka jan...LIBRE KO PA NAMAN." paranig ko ngunit ala paring talab.

"Kia?" tawag ko uli sa kaniya. "May problema ba? Makikinig ako, Kianne." sabay tapik-tapik sa kaniyang balikat at saka umalis.

Bibili nalang ako ng pagkain namin.


"Dalawang ice tea, water, custard cake at kanin tas isang order ng bulalo at sisig." paglalahad ko sa'king order.

Hearts Beneath the Ground (El'Fuera series #1)Where stories live. Discover now